Chapter 27

249 9 0
                                    

"Who are you?" Nanlilisik kong matang tanong sa kanya habang sakal-sakal ang kanyang leeg ng sobrang higpit.

Pero hindi nya ako sinagot bagkus ay pilit nyang inaalis ang aking pagkakasakal sa kanyang leeg, mas lalo ko pang-hinigpitan ang aking pagkakasakal sa kanyang leeg. Wala akong pakialam kong masaktan sya sa sakal ko, ang importante malaman ko kung sino ang kausap ng babaeng ito.

Habang patagal ang oras na sakal ko ang kanyang leeg ay mas lalo lang syang nagpupumilit na kumawala sa aking pagkakasakal. Tinitigan ko lang ang kanyang namumulang mukha dahil sa aking pagkakasakal.

"I said who the fuck are you?!" Malakas kong sigaw sa kanyang pag-mumukha kasabay ng pagdiin ko sa kanya sa pader.

Halos ipasubo ko na sa kanyang bibig ang hawak ko baril sa kabila kong kamay dahil ayaw nya pa ring magsalita kahit anong sakal ko sa kanya. Sigurado akong kilala ako ng kung sino mang nagpadala sa kanya, hindi miakaka-aalis ang babaeng ito hangga't hindi ko nalalaman ko kanino sya galing o kanino sya nagtatrabaho.

"Who sent you here?!" Ulit kong tanong sa kanya.

"I-I d-don't k-know what-t a-are you t-talking about-t." Nahihirapan nyang sabi sakin na para bang isa' akong tanga na maniniwala sa kanya.

Nanlilisik pa rin ang aking mga mata habang nakatingin sa kanyang parang mawawala na ng hininga. Walang makikitang kahit na emosyon sa aking mga mata, wala akong pakialam kung mamatay sya dahil sa pagkakasakal ko ng sobrang higpit sa kanyang leeg.

Ipuputok ko sana ang gantsilyo ng baril sa kanyang bibig ng may marining akong kumakatok sa pintuan ng bathroom. Sumenyas ako sa kanyang wag maingat at manatili lang sa kanyang posisyon at binitawan na sya sa pagkakasakal sa kanyang leeg. Dahan-dahan akong umaalis sa kanyang harapan habang nakatutok pa rin sa kanya ang hawak kong baril.

Hindi ako gumawa ng kahit na anong ingay habang dahan-dahan akong naglalakad para pakinggan kung sino man ang kumakatok sa pintuan ng bathroom. Hinanda ko na ang hawak kong baril kung sakaling kalaban man yun o hindi. Mas mabuti ng handa, kaysa naman mamatay kang walang kalaban-laban.

"Caitríona, are you there?" Rinig kong tawag ng familiar na boses sa pangalan ko sa labas ng bathroom at patuloy na kumakatok.

Hindi ko pinansin ang boses na yun ni Hendrix at binalingan ng tingin ang babaeng sakal-sakal ko kanina. Kitang-kita ko kung paano sya maghabol ng kanyang hininga at paubo-ubo pa habang hawak ang kanyang leeg na sinakal ko kanina. Lumapit mula ako sa kanya, hindi ko pinansin ang ilang boses na katok ni Hendrix sa labas.

Seryoso ko syang tinignan at sabay tutok mula sa kanya ang hawak kong baril. Kita ko namang dahan-dahan syang napalunok habang nakatingin sa hawak kong baril na para bang wala na syang takas pa sakin. Hinding-hindi ko talaga papatakasin kahit pa umiiyak sya ngayon sa harap ko.

"Answer my damn it questions, bitch." Nanlilisik ko sabi sa kanya. "Who are you?!" Naiinis ko pang dagdag dahil pinapatagal nya lang ang usapan at kung bakit ayaw nya pang sabihin sakin. Simple lang naman ang tanong ko.

Bumuntong hininga muna ito na para bang wala na syang pagpipilian pa kundi sabihin sakin, bago nya ako tinignan sa mga mata sabay buntong hininga ulit, hindi ko alam kung nahihirapan syang sabihin sakin o ano.

"Caitríona, open the door." Rinig ko ulit na sabi ni Hendrix sa labas at sa tingin ko pilit nyang binubuksan ang pintuan.

"Won't you even face him, he's calling you." Nakaingisi nyang sabi sakin. Hindi ko alam kung bakit biglang kumulo ang dugo ko habang nakatingin sa kanyang nakangising mukha.

"It's none of your business, bitch." Pigil inis kong sabi sa kanya. Hindi na ako makapag-hintay naiputok itong hawak kong baril sa pag-mumukha nya.

"Bitch is not my name, Miss. Caitríona." Hindi pa rin mawala ang kanyang ngisi sa kanyang labi na para bang iniisin talaga ako.

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon