Ilang araw ko nang hindi nakikita si Ethos matapos ng araw na 'yun, hindi ko alam pero may parte sa'kin na gusto ko siyang makita at ilang araw na rin akong wala sa sarili kaya nga palagi akong nakakatanggap ng sermon kay Nichole kagaya ngayon."Hoy bruha, nakikinig ka ba?"inis na aniya at mahinang sinabunutan ako.
Tamad ko siyang tinignan."Ano nga ulit 'yun?"tanong ko dito.
Nalukot ang mukha niya sa tanong, kita ko pa'ng ilang beses siyang umirap."Jusko, tatanda ako sa'yo nito ng wala sa oras."problemadong sambit niya, umiling- iling pa.
Hinarap niya muli ako sa seryosong mukha."May problema ka ba Sy?"tanong niya.
Natigilan ako pero agad ring umiling."Wala, wala no. Sino namang poproblemahin ko?"nakangusong sagot ko bago nag face palm.
"Eh, ba't ka palaging lutang ha?"usisa niya.
Bumuntong hininga ako at nagkibit balikat."Wala, trip ko lang."baliwalang sagot ko.
"Gaga ka talaga."ngisi niya.
Dumating ang lunch kaya nagtungo na kami sa cafeteria pero bago 'yun ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Steve na hindi niya raw ako masasabayan sa pagkain dahil may emergency daw sa bahay nila.
Bahala siya!
Habang kumakain kami ay panay ang ngiti nitong si Nichole habang nagpipindot sa kanyang cellphone, halatang kinikilig.
"Hoy, anong nginiti- ngiti mo diyan?"kuryusong tanong ko, nakakuno't ang noo.
Kita ko kung pano siya natigilan sa'ka nahihiyang tumingin sa'kin, kinagat pa ang pang-ibabang labi.
"Ano kasi, Ahm..May nanliligaw na sa'kin."mahinang sagot niya, namumula pa ang pisngi.
Napangisi ako, mabuti naman! Akala ko pa naman magmamadre to'ng babaeng 'to.
"Taga dito sa school natin?"
Umiling siya." From VSU siya."
Kumabog ang aking dibdib sa sagot niya, VSU?
"Hoy, bakit ka nakatulala diyan?Ano hindi ka makapaniwala na nakabingwit ako ng taga VSU ano?"ngisi niya sa'kin kaya napa-irap ako.
"Tignan mo naman, umabot ang ganda mo sa VSU kala ko pa'ng SCU lang 'yan."sabay kaming natawa ni Nichole sa sinabi ko.
Oras nang uwian at kanina pa ako kinukilit nitong si Nichole na samahan ko raw siyang e meet ang soon to be boyfriend niya, ipapakilala niya raw ako dito, at kanina ko pa siya timanggihan, hindi ko alam ang rason kung ba't ayaw kung makakita ng mga taga- VSU, takot siguro ako na ba'ka magkita kami.
Hayst, Ewan napapraning na ako.
"Sige na kasi, Sy."pagpupumilit ni Nichole sa'kin.
"Ikaw na lang kasi, tsaka kailangan niyong dalawa ng quality time para makilala niyo ng lubusan ang isa't isa."palusot ko.
"Ipapakilala lang kita ta's pagkatapos non ay pwede ka nang umalis."
Napa-irap ako sa sinabi niya."Wow ha, grabe ka porke't may bebe ka na, iichapwera mo na ako."
Napangisi siya."Alangan namang sumama ka, e wala ka namang partner."pang-aasar niya sa'kin.
"Ewan ko sa'yo, Tara na nga."sambit ko kaya ang bruha 'yun tuwang tuwa.
Nasa may coffee shop kami ngayon kasi sabi ni Nichole na dito raw sila magmi- meet ng future jowa niya, hayst ang tagal naman ng lalaking 'yun.
Dumating na 'yung order naming Iced tea at chocolate cake kaya naman inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkain habang si Nichole naman ay panay ang tingin sa pintuan sa'ka sa cellphone niya.

YOU ARE READING
The Greek has Fallen(Greek Series #1)
RomanceGreek Series #1 Greek Ethos Smith from VSU. The troublemaker guy. He always go to school with a lot of bruise on his face. But despite of that, lots of women and even gay's still admired him. Not only, because of his power, money and connection, but...