CHAPTER 04

107 4 4
                                    

P/S: Hello, it's me DS8. As of now, I just want to say "THANK YOU" to those people who read my recent works and new works. I know I've been lazy this past few days, so Chapter 04 will be lame update. I'm running out of stock in my mind, kaya wala muna'ng gambling ngayon. Some of you, nagrereklamo because of ‘GAMBLING PART’ na mahirap intindihin so, I sincerely apologize to you everyone.

-DS8

------

SAKA na ako nakahinga ng maluwag ng mawala na ang mabigat na tension kani-kanina lang.

"Have you heard the news?" Rinig kong sabi ng isang hidden taker.

"Yeah, ang kumalat na balita kanina lang ay namatay na daw si Mr. Wolkz dahil sa pagsabog ng kanyang sasakyan?"

Napantig ang tainga ko sa narinig, "Diba, kakagaling pa niya dito? Pero bakit ang bilis naman ata ng pangyayari?"

Kong sa iba ay kalungkutan ang dala ng balitang iyun, pero para sakin ay masayang balita 'yun. Dahil unti-unti kong uubusin ang mga malalaking taong nakapalibot kay eleven.

Eleven is my brother's code name. Hindi ko alam kong ano'ng totoong pangalan niya.

Tumunog ang communication earplug hudyat na bumalik na si Hackery, "E, don't worry, walang makakalap na impormasyon ang mga pulis tungkol sa pagsabog ng sasakyan. May tao na akong kinausap para don. Just leave it to me." Mahihimigan ang hingal sa boses nito.

"Noted." tanging sagot ko 'tsaka lumabas ng game room para tunguhin ang locker room. Kailangan ko nang umalis dito bago pa may makakakilala sa'kin.

"What is your plan?" Kasalukuyan kaming na sa labas ng barko habang nagpapahangin. I need fresh air, para maibsan ang pagiging tensiyunada ko.

"Wala akong ibang plano, maliban sa plano kong patayin ang mga taong nakapalibot sa kanya. 'tsaka iyung pera na makukuha ko."

"Still paying attention to your mother's debt?"

Bumuga ako ng hangin, "Kapag hindi ko mapapatay ang mga taong inutos ni Dad sa'kin na patayin. Paniguradong sasaktan niya si Mommy at yun ay ang ayaw kong mangyari. Lumaki ako ng hindi kinikilala nang lahat. Iyung mga kapatid ko? Parang totoong kapatid na ang turing namin sa isa't-isa kahit na magkapatid lang kami sa ama." Parang hindi kakayanin ng sikmura ko ang pag-usapan tungkol sa pamilya ko, "Hayy, huwag na nga natin 'yan pag-usapan." Pangingiba ko ng usapan sabay baba ng barko. Tinungo ko ang kotse ni Hackery, nakaparada iyun sa may bandang hagdanan ng barko.

Ma-ingat akong pumasok sa loob ng kotse para hindi masagi ang sugat ko sa likod, umiling-iling ito bago pumasok sa kotse.

"Iiwan mo iyung motor mo?"

"Uutusan ko na lang ang mga tauhan kong kunin nila ang motor ko."

"About sa mga kapatid mo, naka-usap mo na ba?"

"May sari-sarili silang ginagawa kaya hindi ko sila puwedeng isturbuhin sa kagustuhang gusto ko sila maka-usap o makita. Kaya baka sa susunod na lang."

"I heard na si A, nakarating na pala siya sa poder ng pinsan ni Eleven?"

Nagkibit-balikat ako, "It's none of my business. at isa pa, kailangan ko makuha ang pangalan ng kapatid ko."

"I'm sorry E, but tinanong ko na lahat ng mga kasambahay o mga taong malapit sa kanya. Pero wala ni isa ang nakaka-alam sa pangalan niya."

Weird, impossible namang walang nakaka-alam sa pangalan niya, "Chineck mo na ba birth certificate or background status niya?"

No Name: The Organization Series #4: Bet On ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon