You Belong With Me [Chapter 24: Tunnel]

1.9K 26 4
                                    

[A/N: Medyo mahaba po ang chapter na ito. haha. Gusto ko na rin kasing matapos yung season na ito ^^, Para pwede na ulit umeksena si Nadine. LOLJK. Kapag tinamad na akong gawin yung next season, wala na. LOL. Ito na yung second to the last chapter XD]

Sabine's POV

"Sabine! Ano pa? Ano pa?!" Nagpapakwento lang naman siya ng mga nangyari syempre kinwento ko na pati yung kiss kasi sasabog yung dibdib ko kapag hindi ko nasabi sa iba.

"AAAAYYYY! Ito na ang pag-ibig! Ito na yun!!" Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya. Pag-ibig?? Hindi lang isang araw nakakamtan ang pag-ibig.

“Jasmine, nababaliw ka na naman.”

“Ewan ko sayo, bes! I can really feel it! This is it.”

“Bukas aalis na rin tayo, bukas hindi na kami magkikita ulit, bukas parang isang panaginip lang ang nangyari dito, buka-“ di naman ako pinatapos ng bruha kasi binato ako ng unan.

“Bukas mami-miss mo si Red, bukas maa-appreciate mo si Red, bukas hahanap-hanapin mo yung nangyari”

“Jasmine, tama na okay? Wala akong gusto kay Red. Wala din namang gusto sa akin si Red.”

“Sabine, hindi lahat ng nagde-date ay may gusto sa isa’t-isa. Yun yung way of getting to know each other nila. Hindi ko naman sinabi na gusto mo na rin siya at gusto ka na rin niya. What I mean is this will be the proper time to turn to the next chapter of your life. Yung hindi laging si Cyrus ang bida diyan sa puso mo. I can feel na malapit ng mag-iba ang lead guy at magkakaroon ng change of events sa story mo.” Ang drama talaga kahit kailan!

“Jas, just stop it! Okay? Ayoko na itong isipin kasi sumasakit lang ang ulo ko. What will happen will happen. Let’s just wait for it.”

“Ayan ka na naman sa wait mo! Eh hanggang ngayon nga eh naghihintay ka pa rin. You know what? Ikaw dapat ang mag-stop at mag-isip. Re-evaluate your life, Sab. Is he really worth the wait? You’re now standing in a tunnel and waiting for someone. Yun nga lang hinihintay ka din nung someone na yun sa other end. Which means naghihintayan kayong dalawa. Pero ang tanong eh ganun nga ba ang nangyayari? What if you decided to take the risk and walk inside the tunnel but when you reached the end eh no one’s there. It’s just you and your lonely pathetic self.”

Gosh. Second time ko ng makatanggap ng napaka-dramang sermon about waiting ngayong araw. Ako na ang tanga at naghihintay. Ako na di ba? Ako na ang baliw. Ako na ang hunghang. Ako na ang tanga. Bakit ba? Tanga lang naman ako kasi nagmamahal ako di ba? Tama naman mareng Kim Chiu? Nagmamahal ako kahit kadalasan eh ang sakit-sakit na.

Minsan sa kakaantay natin tayo na ang naiiwan.

Naalala ko tuloy yung sinabi ni Red sa akin. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. I’m too young for this! Gaga ka kasi ang aga mong na-inlove. Murahin ba naman ang sarili? Kasalanan ko ba na kamahal-mahal namn si Cyrus. Yung poging yun na alam ko din naman na mahal ako. Mahal ako bilang matalik niyang kaibigan. Yung lalaking mahal na mahal yung impaktang Nadine na yun. Ako na talaga ang tanga.

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon