KABANATA 26

30 4 0
                                    

Maaga akong umalis sa bahay kahit maga ang mga mata ko dahil sa kakaiyak kagabi,Hindi ko lubos maisip na binastos na ako ng kapatid ko.Hindi na sya rumerespeto sakin bilang nakakatandang kapatid nya.

Ganun naba ang mga tao ngayon?Mas pinapaniwalaan pa nila ang sinasabi ng iba,Pano ka malilinawagan nyan kung ang utak mo nasa mali at hindi sa tama.

Bakit pati ang kapatid ko?Parang nawalan na ako ng lakas dahil sa sagutan namin ni Astrid..Ang hirap e.Sya yung lakas ko,Sya yung buhay ko,Ginagawa ko lahat para sakanya pero bat ganito yung binalik?Ang dali-dali nyang sabihin ang salitang wala na syang kapatid.

Nung pauwi na kami ni Jasmine matapos ang pangyayaring yun ang bigat sobra sa pakiramdam,Parang nasayang lang ang lahat ng ginawa ko..Pero ayokong isipin yun dahil alam kong magiging ayos din kami,Syempre hindi ako matitiis nun e.Mahal ako nun.

Nang makarating kami ni Jasmine sa tapat ng condo ko ay gusto pa sana nya akong samahan pero tumanggi ako,Kita kong ayaw nyang pumayag pero wala na syang nagawa.

Akala ko pagdating ko andun si Chester pero wala,Wala ni isang anino nya ang nakita ko.Kailangan ko sya sa mga oras na yun pero wala sya,Pero mas mabuti narin na wala muna sya dahil gusto kong iiyak lahat ng sakit na nararamdaman ko sa mga oras na yun.

Nang magising ako ay wala parin si Chester,Siguro may emergency kaya hinayaan ko nalang.

Matapos kong mag ayos at maligo ay kumain muna ako kahit wala akong gana,Kahit wala akong lakas ay umalis ako dahil ngayon ang una kong pag tra-trabaho kaya pinilit kong ngumiti kahit sa loob nito ay sobrang sakit.

Nang makarating ako sa tapat ng pinto kung saan naroroon ang boss ko,Huminga muna ako ng malalim bago pinihit ang pinto ng dahan-dahan.Tumambad saakin ang isang babae na medj may katandaan na ngunit makikita mo parin ang ganda sakanyang muka.Hindi ko maalis ang tingin sakanya dahil pamilyar ang muka nya saakin.

Bigla naman syang nag angat ng tingin at ngumiti ng malapad ng makita ako,Nanatili lang akong nakatayo at inintay na sumenyas na lumipat ako.Nang makita nyang andun parin ako sa tapat ng pintuan nya ay agad syang sumenyas.

"Magandang umaga hija,Ikaw naba si Miss Prinster?"Tanong nya gamit ang magaan na tono.

"Opo,Maam." Magalang kong saad.

"Sige hija,Intayin nalang natin si Kate ang sekretarya ko sya muna ang bahalang mag tour sayo at ituro ang mga dapat mong gawin,Kapag okay na ang lahat ay dadalhin ka naman nya sa mga ka trabaho mo." Napangiti ako ng malapad dahil akala ko ay matapang ang magiging amo ko pero hindi pala dahil sa pananalita palang nya alam muna agad.

"I like your smile sweety..By the way,I'm Juliana Fellowes the owner of this company,Nice to meet you Miss Prinster."

"Thank you po Maam,Umm..Vien nalang po Maam.."

Sabay naman kaming napalingon ni Maam Juliana sa pintuan at niluwa nito si Kate ang isa sa mga nang bully saakin,Halos malaglag ang panga ko dahil andito sya.At nakasilay sakanya ang ngiti sa mga labi na ngayon ko lang nakita sakanya..Tumangkad sya ngayon saakin,Maganda rin ang pananamit nya,At bumagay sakanya ang simpleng make up na nilagay nya sa muka.Hindi katulad dati na kulang nalang ipanakot sa daga.

Ang daming nagbago sakanya..Pero yung ugali nagbago kaya?

Hindi man lang sya nagulat nang makita ako..Malamang Vien nakita kana nun sa profile info mo.

"Introduce your self Kate.." Pabulong na saad ni Maam Juliana,Pero hindi yun nakatakas sa pandinig ko.

Bigla namang nag role eyes si Kate bago magsalita,Buti nalang at hindi nakita ni Maam Juliana baka mapagalitan pa toh..Wala parin talagang pinagbago.

"Kate,Secretary of Maam Juliana.Tara na at madami pa akong gagawin." Mag sasalita pa sana si Maam Juliana nang walang pasabing lumabas si Kate.

Nakakahiya kung umakto parang sakanya toh!

Agad akong tumingin kay Maam Juliana,"Sorry po,Kaklase kopo kase yan noon ako nalang po ang hihingi ng paumanhin sa asal nya..Pagsasabihan ko nalang mamaya bye po!" At dali-daling lumabas kita kong papasok na si Kate sa elevator akmang magsasarado na ito ng bigla akong sumulpot sa harap nya.

Kita ko naman ang gulat sa muka nya ng makitang nakahabol ako sakanya,Nang makapasok ako ay agad ko syang tiningnan ng masama.

"Ano?" Iritang saad nya.

"Hindi porket secretary ka ni Maam Juliana hindi nakita papatulan,Gusto ko lang naman sabihin na wag mo nang dahil dito ang katarayan mo sa school noon.Mahiya ka naman kay Maam Juliana sya na nga yung nag pasok sayo dito tapos kung umasta ka parang anak ka?Magbago kana okay?Life is short." Sabay tapik ko sa balikat nya,Napairap nalang sya sa sinabi ko.

Agad ko syang dinuro dahil ayan na naman sya sa irap-irap nya,"Ano na naman?!"Singhal nya.

"Itigil mo yang kakaikot ng mata mo,Nakakabawas ng ganda ang mataray Kate.Anong silbi ng ganda mo kung mataray ka naman?" Sabay cross arm ko,Inis naman syang humarap sakin.

"Mommy ba kita para pagsabihan moko ng ganyan?"

"Hindi,Tinuturaan lang kita ng tama." Pagkasabi ko nun ay biglang bumukas ang elevator,Agad naman syang umalis kaya sinundan ko sya.

Ilang oras kaming naglibot dito sa building na toh at hindi ko maiwasan mamangha dahil sa ganda at maayos na kompanyang ito.Ang dami kong gustong itanong kay Kate katulad ng kung gaano na sya katagal dito dahil sanay na sanay na talaga sya at alam na alam ang buong paligid.

Matapos ang pag tour ni Kate sakin ay dinala narin nya ako kung saan ako mag tra-trabaho bilang utusan ng mga empleyado dito,Pero nagulat nalang ako ng makitang may sarili akong desk kagaya ng mga empleyado dito.

Takang tiningnan ko si Kate,"Diba utusan ako dito?Pwede namang wag nalang ako mag lamesa e." Pabulong kong saad.

"Stupid,Your'e not maid isa kadin sa mga empleyado ang gagawin mo lang ay ayusin ang mga papel na ibibigay nila at print yun lang." Itinikom ko nalang ang bibig ko dahil ang sabi utusan daw?Pero masaya naman ako dahil madali lang naman ang ipinapagawa saakin.

"Stacy!" Malakas na sigaw ni Kate,Agad namang may lumapit saamin na babaeng hindi ko maipagkakaila na maganda rin sya pero sa mata palang nya makikita mona mataray sya.

"This is Vien,Isa rin sya sainyo ikaw na ang bahala sakanya.And one wrong move Stacy Diaz magpapaalam ka talaga sa trabaho mo." Pagbabanta ni Kate,Agad ko syang hinampas sa braso.

"Sorry Stacy ganyan talaga yan desisyon yan e..Pagpasensyahan mo nalang." Paghingi ko ulit ng paumanhin,Ewan ko ba bat ako nagkakaganto baka siguro gusto ko lang mag bago si Kate dahil feeling ko onti-onti na syang nagiiba e.At gusto ko isa din ako sa dahilan ng pagbabago nya kahit alam kong ayaw nya sakin.

"Makakaasa po kayo Maam Kate." Magalang na saad ni Stacy kay Kate,Kita ko namang ngumisi  si Kate.

"Oh tingnan mo naging Maam katuloy ng wala sa oras,Bumalik kana dun baka hanapin ka ni Maam Juliana." Pagtataboy ko kay Kate.Akmang iirap ulit sya ngunit pinandilatan ko sya ng mata.

"Manhid.." Pabulong nyang saad pero hindi ko ito narinig,Nang makaalis na sya ay hinarap ko si Stacy.

"Pwede naba tayong magsimula?" Nakangiti kong saad,Na excite lang ako bigla dahil first time kolang mapadpad sa gantong lugar.

Kaya medj nabawasan ang sakit na nararamdaman ko kanina.

"Dave ikaw na nga bahala dito!" Galit na saad nya,Agad namang may lumapit saakin na lalaki mukang kaseng edad ko lang din at parehas rin kami ng tangkad.

"Umm..Ikaw yung sinabi diba?" Pagtatama ko lang baka kase di nya narinig.

"Pake ko sayo." Halos mapanganga ako dahil sa inasal nya,At dun ko napagtanto na mataray nga talaga.Nahawaan siguro ni Kate kaya ganto.

That Night(That Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon