Shaira POV
Tumayo na kaagad ako mula sa pagkakaupo ng swivel chair ko at naglakad palapit sa pinto saka hinila iyon pabukas at lumabas na. Napapahimas pa ako sa batok ko dahil medyo nangangalay ang batok ko dahil na din sa tagal kong nakaupo sa loob ng conference room.
May mga project proposal kasi sila na kailangan ko aprubahan as CEO nitong company ko, may mga bago naman kaming mga clients at yung iba ay gusto nila si sapphira ang kukunin nilang designer dahil simula ng ilinabas ko ang mga final design ng jewelry na ginawa ni sapphira ay dinumog kaagad ito.
tumaas din ang demand sa paggawa ng jewelry dito sa company dahil sa dami ng gustong makakuha at makabili ng design na ginawa ni sapphira. Well hindi naman ako magugulat kung sisikat kaagad ang mga design na ginagawa niya dahil kahit noon pa na siya ang nagpapatakbo sa company ng mga windsor ay sikat na sikat na talaga ang mga design niya.
Actually kaya niyang itake-over ang business ng dad niya kung ibibigay lang sa kaniya dahil halos lahat ay siya ang gumagawa. Hindi naman talaga sa dad niya ang company na yun dahil ang mama niya ang nagpatayo ng company na iyon gamit ang galing niya sa pagdedesign ng mga jewelry's.
Simula lang kasi ng nawala ang mama ni sapphira ay ang dad na niya ang nag-take-over sa buong kumpanya pero hindi din naging katulad kung paano hinawakan ng mama ni sapphira ang nangyari dahil yung iba ay nag-pull-out dahil sa hindi na nila makayanan ang demand at nagkapatong-patong din sa utang ang buong kumpanya dahil sa dad ni sapphira.
kilala din naman ng lahat ang pamilya ng dad ni sapphira, malakas din ang kapangyarihan ng pamilya windsor at hindi naman kaagad nalugi ang kumpanya ng mama ni sapphira dahil pinatigil lang naman ng dad niya ang buong kumpanya dahil sa wala din itong interes sa mga jewelry's.
Habang naglalakad ako palapit sa elevator para sana bumalik sa opisina ko dahil nakalimutan ko dalhin ang sign pen ko para sana pirmahan ang isang document na hawak ko ngayon. Bigla akong na patigil ng makita kong lumabas mula sa kabilang elevator si sharlene.
nagmamadali pa siya sa paglalakad at kitang-kita ko pa ang galit n agalit niyang mukha, pumasol nalang ako sa loob ng elevator ng bumukas ang pinto. Gusto ko puntahan si sapphira ngayon kaya lang ay madami pa akong kailangan gawin kaya mamaya pa ako makakapunta sa kaniya.
lumipas naman ang ilang oras at natapos na din ang mga ginawa ko, lunch break na din ngayon kaya kaagad na akong lumabas sa opisina ko at tinungo ang opisina ni sapphira na ilang distansiya lang ang layo sa opisina ko. Sinabi din sa akin ng secretary ko ang nangyari kanina sa loob ng opisina ni sapphira. Hindi ko naman talaga dapat tatanggapin ang request ng kapatid niya kung hindi lang siya pumunta dito ng maaga bago pako makatanggi.
Inaya ko naman siya kaagad na mag-lunch dahil kanina pa ako hindi kumakain dahil na din sa dami ng mga ginagawa ko kaya nakalimutan ko ng kumain. Bigla kami napatigil ni sapphira ng makitang nagkukumpulan sa pinto ang iba. Naglakad kami palapit pero hindi din kami nakalagpas ng madali dahil sa dami nilang nagkukumpulan.
"Get out of the way! Ano bang pinagkukumpulan niyo dito?!"
sigaw ko sa kanilang lahat pero hindi sila nakinig dahil masiyadong tutok na tutok ang mga atensyon nila sa labas. kaya napapikit nalang ako mariin dahil sa pagkairita.
"TATANGGALIN KO NGAYON MISMO KAYONG LAHAT KAPAG HINDI PA KAYO SUMUNOD!" buong lakas kong sigaw at nakita ko pa na napatigil sila.
na palingon pa sila sa akin at para silang nakakita ng multo ng makita ako, kaagad sila kumaripas ng takbo palayo kaya ngayon lumuwag na din.
na pahinga nalang ako ng malalim, ipinagpatuloy ko na ang paglalakad ko pero bigla akong na dulas mula sa paglalakad kaya bigla kong natulak ang nasa harap ko, na painda ako sa sakit ng matumba ako at na patingin ako sa harap ko.
YOU ARE READING
Got Pregnant by Mr. Millionaire
RomanceStarted: Jan 22, 2022 Finished: March 23, 2022