Sapphira POV
"Oh ano natanggap mo na ba yung invitation na pinadala ko sayo?"
"uhm hindi pa, tinatapos ko pa kasi itong presentation para sa next meeting, hindi pako nagbubukas ng e-mail ko" sagot ko habang inaayos ang lay-out ng design ko.
"Bukas na yung celebration para sa new partnership sa company namin at sa company nila draven, sinend ko sayo yung invitation sa e-mail mo" paliwanag nito kaya na patango-tango nalang ako sa kaniya.
"Mamaya ko nalang bubuksan yung e-mail, patapos na din naman ako ginagawa ko, kunting adjust ng layout" saad ko habang tutok na tutok ako sa screen ng laptop ko.
Natapos ko naman kahapon lahat ng mga designs ko kahit pa na anong oras na ako nakatulog kagabi. Ilang sandali pa ay natapos ko na din ang ginagawa ko kaya sinave ko na iyon at sunod naman binuksan ang e-mail ko. Nakita ko na ang invitation na sinasabi ni shaira at tinignan ko din kung anong oras siya at kung saan.
"Oh tapos ka na ba? Pupunta ako sa Starbucks, may ipapabili ka ba?" Na paangat ako ng mukha ng marinig ko ang sinabi ni shaira, nasa tapat na siya ng pinto ngayon at hawak din niya ang purse niya sa kaliwang kamay niya.
"Cappucino at ikaw nalang bahala pumili sa iba, alam mo naman kung ano ang gusto ko" sagot ko habang inaayos ko ang pagkakapatong mga documents sa ibabaw ng table ko.
"Okay, same as always? Got it!"
narinig ko nalang ang pagsara ng pinto, hinila ko nalang palapit sa kabila ang inuupuan kong swivel chair para tignan kung na isave ko na ba sa flash drive ang ibang mga files para sa mga design ko dahil balak ko ipaprint ngayon, na ubusan kasi ng ink yung printer na meron ako dito.
ng makita ko na successfuly save na ang mga files ay tinanggal ko na ang flash drive mula sa pagkakalagay sa laptop ko at kinuha ang cellphone ko na nakalagay sa gilid ng table ko saka ilinagay iyon sa bulsa ko.
tinulak ko na palayo sa table ang inuupuan ko na swivel chaira saka tumayo na at naglakad palapit sa pinto. Hinila ko kaagad iyon pabukas pero bigla akong na patigil ng makita kong may isang delivery man ang nakatayo ngayon sa tapat ng pinto ko at akmang kakatok sana siya kaya lang ay binuksan ko, na patingin ako sa hawak niya at isang malaki na bouquet kung saan ay mga chocolate ang nakalagay doon.
"Delivery po para kay ms. rionach" sabi nito at ibinigay pa sa akin kaya kinuha ko iyon at na patingin pa dito. "Papirma nalang po dito" na paangat ako ng tingin at may ibinigay siya sa akin na isang papel at ballpen.
"Sinong nagpadala?"
"Galing po kay mr. hudson" agad nitong sagot kaya na patigil ako sa pagkuha ng binigay niya.
kay draven?
kinuha ko nalang iyon at pinirmahan na, ibinalik ko din kaagad sa kaniya iyon. "Thank you" sabi ko habang nakangiti pa at tumango nalang ito saka naglakad palayo.
sinara ko uli ang pinto saka naglakad pabalik sa desk table ko at ilinapag doon ang hawak ko. Hindi ko alam kung bakit nagpadala ng ganito si draven pero hindi naman ako mahilig sa mga chocolates kaya baka ibigay ko nalang din kay shaira mamaya kapag bumalik siya.
ng mailapag ko na ay naglakad na uli ako palabas at hinila pabukas ang pinto saka naglakas na palabas. Ang alam ko ay may iba pang printer dito na ginagamit ng lahat, may kalayuan siya sa opisina ko dahil kailangan ko pa pumunta sa baba para makapunta lang doon.
Ilang sandali pa ay nakababa na din ako kaya tumungo na ako kaagad doon, habang naglalakad ako ay na papatingin ako sa buong paligid para malaman kung may iba pa bang mga empleyado bukod sa akin dahil na pansin ko na tahimik.
YOU ARE READING
Got Pregnant by Mr. Millionaire
RomansaStarted: Jan 22, 2022 Finished: March 23, 2022