Shantal's POV
Nandito ako sa loob ng classroom, nag-aayos ng mga gamit ko. Malapit na kase ang exam namin, kaya naman todo review kaming lahat, ng may biglang tumawag sakin.
"Shantal, tawag ka ni President." tawag sakin ng isa sa mga classmate ko.
"Saan?" tanong ko dito, para biglang kumunot ang noo niya, para bang nag-iisip.
"Sa library." natatawa nitong wika, para mapangiti na lang ako.
"Ah... thank you." untag ko dito at mabilis na lumabas ng classroom.
Malalaking hakbang ang ginawa ko para mabilis akong makarating sa library, pwede naman kase na siya ang pumunta sa akin. Bakit kase kailangan pa na ako na lang palage.
"Shantal."
May narinig akong tumawag sakin kaya naman huminto ako, baka kase mamaya mag cross pa ang line naming dalawa ni cyrene.
"Oh, bakit??" mataray kong wika, sa taong naging dahilan para mapa-hinto ako.
"Good morning." naka-ngiti nitong bati, para irapan ko na lamang siya.
"Sira ka talaga, kahit kailan dominic."
"Heto naman, hindi na mabiro." wika nito para hampasin ko siya.
"Eh nag mamadali ako eh, tapos bibiruin mo pa ako." lintanya ko sa kaniya para mapa-ngiti lang siya.
"Saan ka pupunta, samahan na kita." suhestiyon nito para titigan ko lang siya, dahil for the first time na sinabe niya ang bagay na sasamahan niya ako.
"Sure ka, baka ma late ka sa klase mo?" untag ko dito para ngumisi na lang siya.
"Hindi 'yan, tara na baka ikaw pa ang ma late."
"Bakit kase hindi ka pa mag-hanap ng girlfriend mo, para hindi ako ang pinepeste mo tuwing umaga." mahabang lintanya ko dito, para mapa-ubo siya sa narinig niya.
"Grabe ka naman shans, ayaw mo na ba akong kasama?" umaarte nitong sambit para umiling na lang ako sa naging reaksyon nito.
"Kita mo 'to, binibiro lang kita eh." bawi ko sa ginawa niya kanina sakin, para guluhin niya ang buhok ko.
"Ikaw talaga." sambit nito tsaka mabilis na ginulo ang buhok ko.
It's been a year simula ng hule kong ginawa ang mag smile, muntik ko ng makalimutan na maging masaya, mabuti na lang palage silang nandiyan sa tabi ko. Ang mga kaibigan ko sila dominic at si cyrene.
Tahimik kaming pumasok sa loob ng library at mabilis na hinanap si cyrene, ang President namin sa buong campus.
"psst psst psst"
Hinanap ko kung saan nang-gagaling ang tunog na 'yon ng makita ko kung sino, agad ko itong nilapitan.
"bakit mo ba ako pinapatawag cy?" bungad ko sa kaniya sa mahinang boses, hindi kase ako pwedeng mag-ingay ng sobra dito.
"may meeting lahat mamaya ng mga class president, umatend ka." naka-ngiti nitong pahayag para umismid ako sa kaniya.
"seriously cyrene, 'yan lang ang sasabihin mo sakin." naiinis na lintanya ko rito, ngunit para bang wala lang siyang narinig.
BINABASA MO ANG
Love The Way You Are ( On Going )
Fiksi PenggemarThis story is all about a girl who wants to have a peaceful life. This is Shantal Gonzalez, may mataas na pangarap. Matalino, maganda, full of skills pero lahat ng good qualities na meron sa kaniya, madaling nawawala kapag pinag-uusapan na ang heigh...