•Her bestfriend and His ex•

394 29 2
                                    


Day 2 ko ngayon sa pagiging Personal Slave. Hindi pumasok si bossing, I asked him why, trip niya lang daw since siya naman daw ang boss.

Nandito kami ngayon sa may veranda. Feel atang makipagkwentuhan sakin ni bossing ngayon. Hehe

"Tell me something about yourself." He said. Interview, eh?

"Uhm, I'm Fritzy Cashmyr Gustavo, 19, Maganda, Sexy, Mabait, Malambing----

"Stop. Stop lying. Pfft." Sabi niya. Muka ba kong nagsisinungaling?

"Boss, quota ka na ah? Lagi mo kong pinagtatawanan." I said.

"Hindi na. Pfft. What I mean is tell me something about your past-- childhood memories, love life, your family, interest. You know?" Sabi niya.

"Ah getting to know each other pala ang peg, okie okie." Sabi ko. "Maghanda kna ng popcorn boss, at mahaba haba to! Hehe"

"Go on." -boss

"So ayun nga, nung bata ako alam kong maganda na ko paglaki kasi nga maganda daw ako sabi ni mama-----"

"Fritzy!"

"Sabi ko nga hindi na, kkwento ko na lang sayo yung tungkol sa bestfriend ko."

He nodded.

"I have a guy bestfriend, his name is Janver Aeron but I prefer to call him Jae. Nagkakilala kami nung bata pa ko kaya lang pumunta kasi siya ng Japan kaya nawala yung communications namin. Tapos nung college na ko nagmeet kami ulit. Partners in crime kami nun. Minsan nga napagkakamalan kaming magdyowa nun sa sobrang sweet namin.. Alam mo ba? Alam mo ba?..."

Umiling siya. Sabi ko nga. :/

"Nagiging superhero yun pag may umaaway sakin. Minsan nga sinabunutan nun yung kaaway ko kasi sinabihan akong malandi. Akala ko nga bading si bes e! Haha. Tapos, Pag napapagod na ko maglakad, papasanin ako nun.
Tapos pag umiiyak ako, pinapatawa niya ko. Muka daw kasi akong pulubi pag umiiyak. Binatukan ko nga. Tapos eto pa, one time nagaway kami nun dahil dun sa bagong crush ko. Pinagselosan niya kasi. Ayaw ko nga nun makita si Jae e kaso si tita nagtxt sakin punta daw ako sa kanila at umiiyak si Jae. Laughtrip yun! Nagsorry siya sakin habang tumutulo yung uhog niya tas namumula pa yung ilong niya. Pinicturan ko nga tas magmula nun yun na yung palaging pinambablock mail ko sa kanya. Haha. Gusto mo makita?"

Inlove ako kay Sungit (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon