"Tweet.Tweet." bungad sa akin ng mga ibon isang umaga.
Bumangon na ako sa aking higaan at binati ang mga kaibigan kong ibon.
Oras na naman para gawin ang aking araw araw na gawain.
"Magandang umaga mama." bati ko nang madaanan ko ang litrato ng aking mama bago ako bumaba sa aking silid.
Pumunta muna ako sa likod bahay upang puntahan ang kwadra upang pakainin ang kabayong iniwan ni papa sa akin. "Magandang umaga Brown. Ito na ang agahan mo."
"Ngeeehh" Nilagyan ko ng damo at tubig ang lalagyan nya ng pagkain.
Matapos noon ay bumalik na ako sa kusina upang mag luto ng agahan.
"Cinderella!!!" tawag ng aking stepmother. Pangalawang asawa ni papa matapos mamatay ni mama.
"Ano po yon mama Maleficent?"
"Nakahanda na ba ang agahan?" tanong nya habang hinihimas himas ang balahibo ng hawak nyang pusa.
"Opo mama Maleficent." sagot ko habang inaayos ang hapagkainan.
"Ang gatas ni Mimi?" pahabol nyang tanong habang umuupo sa madalas nyang pwesto.
"Nalagyan ko na po ang lalagyan ng pagkain nya.“
"Mabuti." sabi nya ng binababa si Mimi mula sa kanyang kandungan.
"Meoow." si Mimi habang umiinon ng gatas.
"Gisingin mo na ang mga anak ko." utos muli ni mama Maleficent.
"Waaaaahhhhhh" nahinto ang dapat sana'y pag akyat ko sa ikalawang palapag ng marinig ko ang sigawan ng mga stepsisters kong papasok.
"Aurora, Belle! Bakit kayo sumisigaw?!" galit na sabi ng mama nila.
"Mama, nakita namin ang telegramang ito sa labas. Basahin nyo po dali.!" Si Aurora ang tuwang tuwang sumagot.
"Isang kasiyahan ang magaganap bukas ng gabi sa palasyo ng hari at iniibitahan ang lahat ng mga noble na dumalo sa pagtitipon. Naghahanap kasi ng mapapangasawa ang prinsipe at kung sino man ang kanyang matipuhan ay kanyang pakakasalan.!!" ang tuloy tuloy na sabi ni Belle bago man mabasa ng ina ang telegrama.
"Naghahanap ng mapapangasawa ang prinsipe?" Napangiti ng bahagya si mama Maleficent.
"Mama, gusto po naming dumalo." sabay na sabi ng dalawa sa ina.
"Oo naman. dadalo tayo. hindi natin pwedeng palampasin ang pagkakataong ito.
Ang swerte naman nila at naimbitahan sila. pwede kaya akong dumalo kahit na isa lng akong katulong.? pero anak naman ako ng yumaong duke. papayagan kaya ako ni mama Maleficent?
"Gusto mo bang sumama Cinderella?" tanong ni Belle sa akin.
"Ha? Aahh..." Gusto kong sumagot ng oo ngunit baka magalit si mama Maleficent.
"Hindi pwedeng dumalo ang isang katulong sa kasiyahan na iyon. Mapapahiya lng tayo." Sa halip ay si mama Maleficent ang sumagot.
"Pero mama, hindi lng naman basta katulong si Cinderella. Kapa..." hindi na natapos ni Aurora ang kanyang sasabihin dahil sumabat agad ang kanyang ina.
"Maraming lilinisin si Cinderella kaya hindi sya pwedeng pumunta roon. At isa pa wala siyang masusuot na maayos na damit. Ayokong mapahiya sa harap ng hari at prinsipe. Tapos ang usapan!" tumayo ito at tumalikod na upang makalabas ng hapagkainan. "Kumain na kayong dalawa at maghahanda pa tayo para bukas.... Cinderella! Diligan mo muna ang aking mga rosas sa green house bago ka kumain." huling sabi niya at tuluyan ng lumabas ng silid.
Napabugtong hininga nlng ang mga anak nya ng makalabas ang ina.
Sayang naman. Gusto ko man pumunta ay away ko namang suwayin sya.
"Pasensya ka na Cinderella kay mama huh. Masyadong masungit sayo. Ayaw ka pa nyang payagang sumama bukas." Malungkot na sabi ni Belle.
"Ayos lng. hindi rin naman ako interesado sa mga ganyan." sagot ko nlng. "Sige punta na ako sa greenhouse." sabi ko bago tuluyang lumabas ng bahay.
Habang dinidiligan ko ang mga bulaklak ay napaisip ako. Ano kaya ang magaganap sa kasiyahan sa palasyo bukas? Kahit noong bata pa ako at buhay pa si papa ay hindi pa ako nkakapunta sa isang kasiyahan. Gusto kong pumunta pero papano?
Bigla kong naalala ang kahon ng pinaglagyan ko ng mga gamit na iniwan sa akin ng aking yumaong mga magulang.
Dali dali akong umakyat sa attic sa aking kwarto. Naghalungkat ako ng mga gamit roon.
mga litrato. isang music box. isang kwintas. mga lumang laruan. mga lumang damit ni papa. isang wand. isa pang music box.
Teka... isang wand?
Ang wand na ito ay kay mama. isa syang witch. isang mabait na witch. magagamit ko kay ito?
"Kung subukan ko kaya?.... ummmm... gusto ko ng masarap na pagkain." itinuro ko ang wand sa lamesa. At bigla nlng may lumabas na masasarap na pagkain.
"Ang galing.."
YOU ARE READING
Happily Ever After ♥♥♥
RandomA compilation of fairy tale stories..... With a TWIST???