Ngayong gabi na ang kasiyahan sa palasyo.
Nakarinig ako ng tunog ng isang karwaheng paparating.
Bumaba ako sa attic at nadatnan ko sina mama Maleficent, Belle at Aurora na papasakay ng karwahe.
"Cinderella! Ikaw na ang bahala dito sa bahay." bilin ni mama Maleficent sa akin bago sila umalis.
"Opo mama Maleficent." sagot ko at tuluyan na nga silang umalis.
Nang mawala na sa aking paningin ang sinasakyan nilang karwahe ay pumunta na ako sa likod bahay.
Nilabas ko agad ang wand.
"Mama sana'y magtagumpay po ako." bulong ko sa hangin.
"Gusto ko nang magandang damit." iniikot ikot ko ang wand sa aking katawan at unti unting nagbago ang aking damit.
"Ang ganda!" sabi ko nang makita ko ang kabuuan ng aking damit.
Isang light blue na mataas na gown at isang glass slippers. Nakaayos rin ng maganda ang aking buhok.
"Ang saya ko. Salamat mama." bulong ko ulit sa hangin.
Kaylangan ko nang pumunta sa kasiyahan. Pero kaylangan ko ng masasakyan.
Pumunta ako sa kwadra ni Brown.
"Brown, ihatid mo ako sa palasyo."
"Ngeeeh" sumakay na ako sa kanya at pumunta na kami sa palasyo.
Nang makarating na ako sa palasyo ay pinagbuksan agad ako ng dalawang kawal ng pinto.
Bumungad sa akin ang isang magandang tugtugin at mga taong nagsasayawan.
Nangtuluyan akong makapasok ay pinagtitinginan agad ako ng mga tao. Nakakahiya naman.
Laking gulat ko nlng ng may isang makisig na lalaki ang lumapit sa akin at naglahad ng kamay.
"Maaari ba kitang maisayaw magandang binibini?" sabi nya sa akin.
Anong isasagot ko? Hindi ako marunong sumayaw at nakakahiyang tumangi. Pinagtitinginan parin kami ng mga tao roon.
"Maaari ba?" tanong nya uli ng mapansing wla akong maisagot.
"Pasensya na. Hindi kasi ako marunong sumayaw." sagot ko ng nakayuko.
"Ayos lng. Sumabay ka lng sa akin." Sabi nya ng hinila agad ako upang maisayaw.
Nagsimula na syang gumalaw. Ginawa ko ang sinabi nya. Sumusunod ako sa galaw nya. Ngunit ipinagtataka ko kung bakit pinagtitinginan parin kami.
"Ang swerte naman ng babaeng yun. isinayaw sya ng prinsipe." narinig kong bulungan ng mga babaeng malapit sa amin.
Tiningnan ko ang lalaking kasayaw ko. Napansin nya marahil ang gulat na gulat kong expresyon kaya napangiti sya.
"Paumanhin po. hindi ko po alam na kayo ang prinsipe." sabi ko ng nakayuko ngunit hindi parin kami huminto sa pagsasayaw.
"Ayos lng." hinawakan nya ang baba ko para magkatininan ulit kami. Muli ring ngumiti ang prinsipe.
"Sya na kaya ang pipiliin ng prinsipe na mapangasawa? Sya lamang ang tanging babaeng sinayaw ng prinsipe ngayong gabi." narinig kong muling usap usapan.
Mas lalo akong nahiya. Hindi maaari na magustuhan ako ng prinsipe. Hindi nya pwedeng malaman na isa lamang akong katulong.
"Anong pangalan mo?" pukaw na tanong nya sa akin.
"huh?" Anong isasagot ko?
"Anak ka ba ng isang duke?" tanong nyang muli.
"ahh... opo..." totoo naman diba? anak ako ng isang duke ngunit noon yun. patay na ang ama kong duke at isang hamak na katulong nalamang ako ngayon.
"Maaari bang malaman ang pangalan mo?" determinadong tanong nya.
Dahil sa hindi ko magawang sumagot, iginala ko ang aking paningin at nakita ko si mama Maleficent na masama ang tingin sa amin.... hindi... sa akin. Nakilala nya kaya ako? Lagot ako! siguradong mapalagalitan ako nito.
"Ahh... Paumanhin mahal na prinsipe ngunit kaylangan ko na pong umalis." Sabi ko at huminto sa aming pagsasayaw at madaling tumakbo palabas ng silid. Gulat ang mga nanonood lalo na ang prinsipe ngunit wala na akong pakialam. Kaylangan ko nang makaalis.
YOU ARE READING
Happily Ever After ♥♥♥
RandomA compilation of fairy tale stories..... With a TWIST???