1 year ago since that incident happened. Sariwa pa sa utak ko ang mga pangyayari. And it still hurt me everytime na maaalala ko yun. I keep on blaming myself dahil sa nangyaring iyon,It was all my fault. I wish I could turn back time when we were still together and still get along with each other.
I remember the time noong lagi ko pa siyang kasama,sinusundo niya pa ako noon after school. Lagi kaming nagbabonding tuwing weekend. Lagi niya akong pinagtatanggol kapag nagagalit si mommy sakin. Lagi niya akong pinoprotektahan sa mga bagay na makakasakit sakin.
But,when the time comes ng malaman kong nag-aaway sila ni mommy dahil sa pambababae niya nakaramdam ako ng galit sa kanya. That's the first time I felt anger with my dad. Hindi ko inii-expect na magagawa niya iyon kay mommy. Akala ko iba siya. Dati I'm so proud to tell everyone that he's my dad. Para kasi sakin lahat ng gusto kong characteristics ng ideal man ko ay ang sa daddy ko. But not until I found out that he's having an affair.
At the age of 15,napagdesisyunan kong umalis ng bahay. Oo,nagrebelde ako and that's because of my dad. Nakitira ako sa kung sinu-sino at napabarkada sa maling tao. That time I have money because I saved it from my allowance. Natututo ako ng mga bagay na hindi ko inaasahang magagawa ko dahil lang sa sama ng loob ko sa daddy ko. Yes,natututo akong mag-inom kasama ang kung sinoman,mag yosi sa kahit anong lugar and even the the drugs I try it once,twice,and thrice. I really really felt so mad that time kaya idinaan ko na lang sa ganoong bagay.
Isang gabi nakita ko si daddy nag-iintay sa tinutuluyan kong bahay. Hindi ko siya pinansin at nagtuloy sa loob.
"Anak?" Narinig kong tawag niya sa akin pero nagmatigas pa rin ako at nagpatuloy sa pagpasok sa loob at nagdiretso sa tinutulugan kong kwarto. Nahiga ako saglit. Maya maya ay may nagtext sa akin kaibigan ko mag-iinuman daw kami kaya bumangon ako at nagbihis sabay labas. Paglabas ko ng gate nandoon pa rin si daddy.
"Anak,umuwi ka na sa bahay" hinawakan niya ang kamay ko.
"Ayoko,umuwi na kayo may pupuntahan pa ko. Wag niyo nang sayangin ang oras nyo sa akin" inis kong sagot sabay tanggal ng kamay ko sa pagkakahawak niya sabay diretso ng lakad.
"Hinahanap ka na ng mommy mo anak. Umuwi ka na,tignan mo nga ang sarili mo nangangayayat ka na at mukhang napapabayaan mo na ang sarili mo" narinig ko ang mga yapak niya na sumusunod sa akin. Nagmadali ako sa paglakad at sumuot sa isang walang katao taong iskinita. Nagulat na lamang ako ng may tumutok sa aking balisong at hinigit ang aking braso.
"Holdap 'to! Ibigay mo na ang wallet mo pati yang cellphone mo" namumutla ako sa pagkabigla at takot na nadarama. Nakita kong nakasunod sa akin si daddy.
"Hoy! Anak ko 'yan,bitawan mo siya"singhal niya sa mamang holdaper na noon ay hawak hawak ang braso ko at sabay itinutok naman sa aking leeg ang balisong na hawak.
"Tutuluyan ko ito! Ibigay niyo na cellphone at wallet niyo!" Sumisigaw na ang holdaper at halatang naiinis na.
"'Wag pare,anak ko 'yan,wag mong sasaktan ang anak ko parang awa mo na,ibaba mo na yang balisong mo" tinanggal nga ng holdaper ang pagkakatutok at sabay sinugod ito ni daddy,umalis ako agad sa pagkakahawak nito at nagsimula na silang mag agawan ng kutsilyo. Hindi ko na alam ang gagawin ko,sobrang kinakabahan na ko. Tinadyakan ni daddy ang holdaper sabay sinapak ngunit nakabangon ito agad at binigyan din siya ng isang sapak sa mukha kaya napaatras siya,hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari...
Nasaksak ang daddy ko. Tumakbo agad ang holdaper at naiwan kami ni daddy. Bumagsak ang katawan niya sa maduming sahig ng eskinitang iyon.
"Tulong!Tulong!Tulungan niyo kami!" I shout so loud para may makarinig sa akin at makahingi ng tulong.
"Dad! Hold on,I will take you to the hospital"I started to cry. I can't help it,my tears is started to flow from my eyes and I burst into tears. Sobrang dami na ng dugong kumakalat mula sa kanyang saksak,natataranta na ako. I call the ambulance at pinagmamadali ko silang makapunta sa lugar kung nasaan kami.
"Dad,please..." Hinawakan ko ang mga kamay niya ng mahigpit.
"Anak,umuwi ka na ha? Iniintay ka na ng mommy mo"alam kong nahihirapan na siya sa pagsasalita gawa ng kanyang saksak,pinipilit niya lang wag indahin ang sakit niyon.
"Opo,uuwi na po ako dad. Please po wag po kayong bibitaw dadating pa po ang ambulansya dadalhin po namin kayo sa hospital"nagsisimula na akong mataranta dahil nagsisimula ng lumabas ang dugo sa kanyang bibig.
"Mabuti anak,samahan mo doon ang mommy mo. 'Wag mo nang pababayaan yang sarili mo,sorry anak sorry,patawarin mo na si daddy ha?" Ngayon ko naiisip ang mga pinag gagawa ko,tama ba lahat ng iyon? Tama bang tinrato ko sila ng ganoon? Kung tutuusin ay puro kabutihan lang naman ang ipinaramdam sa akin ni daddy.
"Ako po dapat ang mag sorry dad. Sorry po sa lahat"
Nagulat ako ng pumikit na ang kaniyang mga mata ng may ngiti sa kanyang mga labi. Nataranta ako at bigla namang may lumapit sa aming mga nag iikot na tanod at tinulungan nila ako na isakay ang daddy sa ambulansyang noo'y kadarating lamang.
Hindi siya umabot,dead on arrival si daddy. I cry and cry until there's no more tears coming out from my eyes. I felt so sad that time. I keep on blaming myself.It all happened because of me.
Dahil sa mga desisyong hindi ko pinag-iisipang mabuti namatay ang daddy ko. Kung sana'y sumama na ako sa kanya eh di sana buhay pa siya at hindi nasaksak ng holdaper na iyon.
Sana kasama pa namin siya ngayon,nasa tabi ko at nakikipagkulitan pa rin sa akin. Pinagtatanggol kapag binubungangaan ni mommy. Ipapasyal sa mga lugar na gusto ko. At higit sa lahat...
Ang daddy na iniintindi at mahal na mahal ako kahit gaano pa katigas ang ulo ko.
Huli na ang lahat,pagsisisi na lamang ang kaya kong gawin ngayon. Pagdalaw na lamang sa libingan niya ang magagawa ko at sa picture ko na lang makikita ang kanyang mukha.
"Hi dad,its been a year since you were lying here. I'm sorry daddy. I'm really really sorry." Naiiyak nanaman ako. Hindi ko napipigilan kada bibisitahin ko siya.
"I miss you daddy" I keep telling this four words in front of his grave everytime I visit.
BINABASA MO ANG
Short Story
عشوائيIba't ibang istorya at iba't ibang emosyon ng mga tauhan ang mababasa nyo. most of it related from people's expiriences.