Abigail's Pov
Andito kami ngayo ni Amy sa cafeteria para kumain ng lunch.
Kasama nga pala namin si Ash na kumain.Kaya naman nagtataka ako kasi bat di nya ata kasama yung mga kaibigan nya at bakit di nya ata nakita ang Monster ay este Master nya?? Absent kaya yun??
Hay!! Bat ba ganyan ha Abi mas okey nga kung wala yung Monster na yun eh diba atleast malaya ka ngayon at mababawasan ang mangungulit sayo!!
Wait speaking of mangungulit alam nyo ba na nakakairita yang si Kurt ha paano ba namn kasi dun talaga sya umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko ha di man lang ba nya alam ang salitang awkward?? Tas di lang yan ha ang kulit pa nya alam nyo yung masyado syang papansin nakakabw*sit na nga sya eh feeling close lang agad di ba nya alam na galit parin ako sakanya??
Hay!! Ewan kainis kakastress ha!!Buti pa nga tong si Ash eh nakukuha sa isang tingin paano ba naman kasi kinukulit din nya ako na kesyo daw may gusto sya saakin at gusto nya daw akong ligawan!!
Oh diba sinong di mawiwindang kung kayo yung nasa sitwasyon ko ngayon!! Hay!! Dati pinangarap ko lang na paano kaya kung maranasan ko na may dalawang magagawan para saakin diba kasi felling ko haba ng hair ko pero ngayon ayaw ko na yun binabawi ko na talaga sya di ko keri teh!!
Nagulat nalang ako ng biglang sumigaw si Amy sa tenga ko
HOY BABAE!!! NAKIKINIG KA BA!!??!!
Sigaw ni Amy saakinAy nakikinig ka ba?! Gulat na sabi ko
Ano ba naman yan Amy kailangan mo ba talagang sumigaw ha? May pagkairita na sabi ko
Eh paano ba naman kasi kanina pa kaya ako nagtatanong at nagkwekwento sayo tas di ka naman pala nakikinig para na akong tanga dito na nagsasalita!! Buti nga at nandito sa fafa Ash eh kundi napagkamalan na akong baliw dito!!!
Mahabang lintanya ni Amy saakinWait so ganon na ba talaga kalalim ang iniisip ko??.. At di ko manlang napansin si Amy Hay!!! Ano nabang nangyayari saakin dati naman di ako ganito ah!!
Sorry best may iniisip lang talaga ako!! Paghingi ko ng paumanhin kay Amy
Halata nga kanina ka pari kasi nagbubuntong hininga jan eh!! Sabi naman niya
Bakit?? May problema ka ba best?? May sakit ka ba ha?? Ano mamamatay ka na ba?? May tani g na ba ang buhay mo?? Pwede mo namang sabihin saakin eh alam mo namang andito lang ako parati diba?? Di kita iiwan!!! Promise ko yan kaya wag kang mahiyang lumapit saakin ha!! Gusto mo samahan pa kita sa doktor eh papagamot natin yang sakit mo di ka mamamatay ha tiwala la-- Mahabang lintanya ni Amy na may paluha luha pa talaga ha!! Emo lang teh??
Bogsh!!! Ayan nabatukan ko tuloy
Aray bat mo naman ginawa yun dinadamayan ka na nga eh namamatok ka pa ang sakit nun ha!! Reklamo niya saakin
Eh paanong di kita babatukan eh masyado ka naman kasing OA!! May paiyak iyak ka pa dyan ha sino bang nagsabi na mamamatay na ako at may malala akong sakit ha!! May halong pagkainis na sabi ko sakanya
Eh paanong di ko maiisip yung mga bagay na yun eh yang itsura mo kasi parang pinagbagsakan ng langit at lupa!! Sabi ni Amy habang umiinom na ng juice nya
Eh kahit na a--.. Di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang sumingit si Ash sa usapan kung di pa nga sya sisingit eh fi ko na talaga maaalala na andyan nga pala sya sa tabi namin ni Amy
Ah sorry kung sisingit na ako sainyong dalawa ha!! Ano kasi eh baka magaway na kayo dyan sa harap ko at magkagulo pa dito sa cafeteria!! At isa pa nag bell na kasi so kailanga na nating bumalik sa room kasi tapos na ang lunch baka malate pa tayo at di makapasok sa next sub nyan!! Nahihiya at pakamot kamot pa sa batok na sabi ni Ash!! Enfairness ha ang cute nya!! Haist!! Ano ba naman yan Abi yan pa talaga ang nasa isip mo ngayon ha!!
Weh di nga??!! Di ko napansin na nagbell na pala ha o siya tara na!! Pagsangayon ni Amy kay Ash
Oo nga tara na nga baka malate pa nga tayo niyan ng wala sa oras masungit pa naman yung prof ng next sub natin!! Pagsangayon ko naman kay Ash sabay ngiti na rin
Haist ano ba namang nangyayari saakin ang gulo na talaga ng isip ko grrrhhhh!!!
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Playboy
Teen FictionSabi nila pagnahanap mo na daw si the ONE liligaya kana Sabi nila pagnahanap mo na daw si the ONE makukumpleto na ang mundo mo Sabi nila pagnahanap mo na daw si the ONE magkakaroon ka na ng happily ever after Pero ang sabi ko naman sa pelikula lang...