Part 41

8.7K 127 108
                                    

Part 41

"Tita, anong oras kayo uuwi?"

Aalis sina Tita Grace ngayon. They were going to Laguna. May family doon si Mommy aside from Ilocos.

"I still don't know, Phoenix, I'll just call Sandro." She replied while fixing Phoebe's hair. "What about you? Hindi ka sasama?"

I shook my head. "No, Darlene and I will go to Tagaytay."

"Sama ako." Phoebe looked at me.

"No. Sasama ka kay Tita, 'di ba?" Hindi siya pwedeng sumama.

She rolled her eyes. Hindi na rin kami nag-tagal sa bahay. May kasama rin silang bodyguards nang umalis for their safety. Uuwi rin naman sila dahil nga sa party na mangyayari.

Dumaan ako sa grocery store para ibili si Darlene ng crinkles niya. I know matagal na siyang hindi nakakain nito kaya dadalhan ko siya. Hindi naman ako nag-tagal dahil dumiretso na rin ako sa bahay ng Lolo niya dahil nandoon sila.

Lumabas ako sa kotse at saktong lumabas ang isang helper.

"Sir. Phoenix, si Miss Darlene po ba ang hanap mo?"

I nodded. "Yeah, can you call her?"

"Sige, sir. Pasok po muna kayo."

"I'll just wait here, just call her." I insisted.

Pumasok siya sa loob para tawagin si Darlene. Tumingin ako sa gilid. Her cousins are still here, mga sunod-sunod na nakaparada ang sasakyan nila sa gilid, so I guess they are still here.

Nang dumating si Darlene, nagulat pa siya nang makita ako. Busy naman talaga ako pero maayos naman na ang lahat and everything is already settled.

“Ah, nagsi-swimming kasi kami,” sagot niya nang magtanong ako. “Ikaw, kakakita lang natin kahapon. Araw-araw na tayong magkasama, ah?"

“Nothing… I just want to spend more time with you…” I said in a low tone. Nag-angat ako ng tingin. “Uh… Miranda, I want to tell you something.” My fear attacked me again.

“Ano ang gusto mong sabihin?” she asked.

Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Ni hindi ko nga alam kung ano ang isasagot ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ko ilalabas ang totoo sa kaniya.

“Love, ayos ka lang?”

“Y-Yes…” I stuttered.

“So, ano nga ang gusto mong sabihin sa akin?”

Tumingin ako sa kaniya, she was waiting for my answer but fuck... why can't I tell her easily? Why is it so damn hard?

Umiling ako. "W-Wala... forget it."

Inalis ko ang tingin sa kaniya. Hindi ko magawang titigan siya.

I was so damn scared. Hindi ko alam kung paano ko sisimulang sabihin. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari ngayon kung sakaling sabihin ko, so instead of saying it, I kept it a secret… once again.

Alam kong mali pero ano ang magagawa ko? Natatakot ako sa lahat ng posibleng maging mangyari. Alam ko namang kasalanan namin, e, pero fuck, it's not my choice to do it either. Napilitan lang ako noon dahil sa kagustuhan nila.

Nilingon ko siya. Abala siya sa pagkain while talking. Aalis pala siya ngayon papuntang Cebu pero nasabi ko na aalis rin kami. Mukhang kailangan niya talagang samahan ang cousin niya kaya sumama nalang rin ako para after nila doon ay didiretso na kami sa Tagaytay.

I am just collecting some memories, you know. I know she won't hate me right now, but if she found out, she's gonna hate me.

Mawawala na siya sa akin... at 'yon ang hindi ko kayang mangyari.

TGIWS: Phoenix Ryler Velasquez's POV (Complete)Where stories live. Discover now