I'm sitting beside Kaizen, Erine is infront of me then Ivan is infront of Kaizen.
Nang mapatingin ako sa lamesa agad akong napapikit. Naramdaman ko ulit na may kamay na nakatakip sa mata ko. Kahit hindi ko na 'yon makita mahigpit padin ang hawak ko sa hita ko dahil sa sobrang kaba.
Naririnig ko ang pagpapanick ni Erine kasabay ng mga tunog na mula siguro sa mga kutsilyo
"take a deep breath" dahan dahang inalis ni Kaizen ang kamay nya "You can open your eyes now."
"I'm sorry Lory dapat tinanggal ko na bago mopa makita. Nawala sa isip ko.. sorry.. should we go to Dr. Diaz?" sabi ni Erine, umiling naman ako... hindi naman nya kasalanan na takot ako sa kutsilyo at ayoko nga sabi kay Dr. Diaz!
''Ivan''
''Palit tayo ng pwesto''
Napatingin sakin si Erine "Oo nga Lory dito ka"
Si Kaizen naman ay nakatingin na lang sa menu. Wala na ulit sa mukha nya ang may pag-aalala.
''Bakit? ayoko'' sagot nya, tiningnan namin sya ni Erine ng may pagtataka
''Kaizen.'' pagtawag ko, tumingin sya sakin at tinaas ang kilay na ibig sabihin ay sabihin ko na ang sasabihin ko
''ayaw lumipat ni Ivan oh''
tumingin sya kay Ivan na ngayo'y nakataas ang kilay
binaling nya ulit ang tingin sakin, dahan dahan nyang nilapit ang sarili at bumulong sa gilid ko ''gusto nya katabi si Erine'' malamig nyang sabi bago ulit umayos ng upo
Hindi ko na pinilit na makipag palit ng pwesto kay Ivan.
''waiter!'' tinawag ni Kaizen ang waiter para kunin ang order namin
Kung ano ano lang ang pinag uusapan habang kumakain.
Pinansin pa nga ni Ivan ang suot kong dress.
''Lory bakit ka naka dress ngayon?'' tanong ni Ivan
''Bakit bawal ba?''
''Of course not'' biglang pagsagot ni Erine at tumingin sakin
''but anong meron ngayon? you go shopping for this dinner and you also buy me a pair of heels, dress, bag and jewelry''
''woah.... go shopping for this dinner'' pag ulit ni Ivan ni Ivan, kita ko sa side vision ang pag irap ni Erine.
''your mother paid for everything. she also forced me to wear this'' ibinaba ko ang hawak ko bago tingnan ang dalawa
''sa reaksyon nyo parang hindi nyo pa ako nakitang ganito ang ayos'' sabi ko, napakibit balikat lang ang dalawa at kumain na ulit.
Pagkatapos kumain umorder si Ivan ng beer. Baka sakaling maiba daw ang atmosphere.
Pinipigilan ko si Erine uminom ng uminom pero ayaw paawat. Sobrang dinadamdam nya ang pagdedesisyon ng parents nya sa buhay nya.
Nag sorry pa nga sya ng nag sorry dahil sa pagsisinungaling nya sakin.
Nagdesisyon na kaming umuwi dahil lasing na si Erine. Hindi naman sya magaling uminom pero ang lakas ng loob. She's really not okay. Pag nakita ko talaga yung lalaking nanakit sa kanya... hays.
Si Ivan ang nag drive ng kotse ko dahil inaalalayan ko si Erine, nasa backseat kami pareho. Si Kaizen naman ay nakasunod samin dahil nakainom rin daw si Ivan. Malay ko ba dito kay Ivan, sya na daw magdadrive.
"I want some air" napakunot ang noo ko sa sinabi ni Erine
Si Ivan naman ay agad na humanap ng matitigilan.
YOU ARE READING
Falling Into Your Plan
RomanceLory made two vows: to not write a happy ending story anymore and to not fall in love with anyone. She will be forced to write a love story and she will meet a guy who's connected in her past. Started writing: February 1 2022 Finished writing: July...