CHAPTER 4

419 32 3
                                    

"Okay ka na? Bakit ba bigla ka nalang umiyak?" mahinang tanong sakin ni Paulo habang nasa loob pa kami ng kotse niya.

He was confused why I cried. Bigla ba naman akong magbreakdown sa harap niya. Nagtataka at naguguluhan siya pero hinayaan niya lang muna ako. He let me release my pain. Hindi ko pa naman nalalabas lahat pero kahit papaano ay tumahan naman na ako.

Nakatingin lang ako sa labas tsaka bumuga ng hangin.

"H-Hindi ako anak ni Mommy." pagsasalita ko.

"Ha?"

Hindi man ako nakatingin kay Paulo ngayon pero alam ko kung anong itsura niya. Magkasalubong ang kilay niya habang nagtatakang nakatingin sakin.

"Hindi ako kay Mommy nanggaling. Hindi siya ang nag-luwal sa akin." sabi ko.

"What are you saying? Saan galing 'yang pinagsasasabi mo?" he asked confused.

This time I look at him and talked. "Anak ako ni Daddy sa ibang babae, Pau." sabi ko. "Dad cheated on Mom before, just a few months after they got married."

"What?"

"According to Mom, she already said to Dad even before they get married na ayaw niya ng anak.. Pumayag naman daw si Daddy. Pero ayon, nung ikinasal na sila, di rin nagtagal nambabae raw si Daddy... Dad had an affair with another woman then they had me." I explained. "Pau, bunga ako ng panloloko ni Daddy kay Mommy noon." nasasaktan kong sambit.

Paulo gulped as he's looking at me unbelievably.

"Kanino mo naman nalaman 'yan? Biancs, I never imagined your Dad cheating on your Mom. Kahit na pareho nating hindi gusto yung ugali ng Mommy mo."

"I know!" I said. "Same as you, I never imagined Dad being a cheater. Pero kay Mommy na mismo nanggaling." I said.

Paulo's brows became more furrowed. "Paano?" sambit niya.

"Last night. Pakaalis mo nagtalo pa kami ni Mommy. At doon siya nadulas sa sinasabi niya. Tinanong at pinilit ko siya dahil sa narinig ko kaya nawalan siya ng choice at nagsalita at sumagot nalang siya." paliwanag ko. "She said before that I could even pack my things and leave the house if I'll just disobey her and her rules tutal hindi naman ako kawalan sakaniya kasi ayon nga, h-hindi niya pala ako anak..." dagdag ko pa.

Nakatitig lang siya sakin pagkatapos kong magpaliwanag bago dumapo ang tingin niya sa bag ko. Umiwas siya ng tingin tsaka napabuntong-hininga.

"So you really packed your things and you left?" he asked.

Hindi ako sumagot. Obvious naman na eh.

"Saan ka pupunta? Saan ka tutuloy?" tanong niya ulit.

"H-Hindi ko alam..." mahina kong sagot.

"Bianca naman, pag-isipan mo naman sa susunod yung mga gagawin mo. Ngayon naglayas ka sainyo tapos di mo alam kung saan ka nalang tutuloy."

Napayuko ako nang bahagya dahil sa hiya.

Tama naman siya eh. I should've thought about my actions first bago ko gawin. Pero hindi niya naiintindihan eh...

"You don't understand me." I said. "Pau, masakit at mahirap yung nalaman ko. And I also had enough of Mom. Punong-puno na ako. So I've chose to leave the house just like what she said. Kaysa naman mag-stay ako roon knowing na kinamumuhian niya ko magmula nung hindi pa man ako ipinapanganak." sabi ko.

I got hurt a little bit because I thought he would understand me but I was wrong. Iba nga naman kami ng sitwasyon. Bakit ba hindi ko kaagad naisip na hindi niya ako maiintindihan. How stupid of me.

Forever With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon