C H A P T E R 16

2 1 0
                                    

Anika's POV.

Pabagsak akong humiga sa kama ko. Nakakain na ako at nakapagshower na rin. Pumunta din sila Sunoo rito kanina para icheck ako pagkatapos ay pumuntang dorm din. Napatitig ako sa kisame. Tapos na ang first day. Tumayo ako at nagstretch stretch. Nakita ko ang notebook kaya kinuha ko yon at pumuntang balcony. Magppractice ako kung paano magteleport.

Ang sabi kailangan ko lang magisip kung saan ko gusto pumunta at imaginin na nandoon ako. Kailangan din daw ng sapat na stamina para magawa iyon. Inikot ko ang paningin ko. Dahil nagppractice pa lang ako, napili ko ang back yard. Sinimulan ko nang magconcentrate, hanggang sa naramdaman ko na lang na parang hinihigop ang katawan ko. Nang idilat ko ang mata ko, bumungad sakin ang kakahuyan. Nilibot ko ang paningin ko. Bakit napunta ako sa gubat?! Nasa kamay ko pa ang notebook. Nagsimula akong maglakad. Parang hindi naman ito kalayuan sa mansion pero still, ang dilim at ang lamig pa.

Yakap yakap ko ang notebook ng makarinig ako ng kaluskos. Nilubot ko ng tingin ang paligid. Nawala yung kaluskos. Siguro dahon ng puno lang yon. Oo, dahon lang ng puno yon Anika. Relax lang. Naglakad na ulit ako ng may marinig ulit akong kaluskos.

"Sino yan?" Hinintay kong may sumagot pero ihip lang ng hangin ang naririnig ko, hanggang sa pakiramdam ko ay may tumatakbo papalapit sakin. Naramdaman ko na lang din tumatakbo na ako. Hinihingal na ako pero nararamdam ko pa rin na may humahabol sakin, natatanaw ko na rin ang ilaw na galing sa mansion kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nakalabas ako ng gubat pero may nabangga ako.

"AAAAAAHHHHH!!!!"

"Hoy! San ka galing? Bat ka tumatakbo?" Si Jungwon. Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero niyakap ko siya.

"Hoy. Teka nga, bakit nasa labas ka? Diba bawal kang– umiiyak ka ba?" Napahawak ako sa pisngi ko at may nadama akong luha. Hindi ko na namalayan na umiiyak na ako. Tumingin sa likod ko si Jungwon. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero parang may nakita akong bulto ng tao. Bigla akong hinila ni Jungwon papasok ng Mansion.

---------

"May humabol sayo?" Tanong ni Heeseung. Tinawagan sila ni Jungwon para papuntahin dito. Kinuwento ko sa kanila ang nangyari at eto na nga.

"Bakit ka kasi lumabas?" Tanong ulit ni Jungwon. Bakit parang sinisisi niya ako? Kasalanan ko ba?

"Nagppractice nga ako."

"Bakit kailangan mong magpractice mag isa? Pwede mo namang hintayin na turuan ka namin. Masyado kang nagmamarunong, muntik ka ng mapahamak." Hindi ko na napigilan at napatayo na ako.

"Jungwon--"

"Ayoko na kasing maging abala sa inyo!"

"Hindi pa ba pang-aabala yung ginawa mo ngayon?!"

"Bakit ka ba kasi nandito?!"

"Kung wala ako kanina baka napano ka na!" I scoffed. Bakit kung makaakto siya parang may pake siya sakin?

"As if naman may pake ka sakin. Baka nga ikaw pa ang unang papatay sakin." Napatayo si Jungwon at akmang lalapit sakin ng pigilan siya nila Heeseung.

"Kung kaya ko lang Anika, matagal ka ng wala rito." Tumayo si Sunoo at tinulak si Jungwon.

"Huwag mong pagsasalitaan ng ganyan ang pinsan ko, Jungwon." Nagtitigan lang sila hanggang sa lumabas si Jungwon ng mansion. Nanghihina akong napaupo sa couch at nagsimulang umiyak. Hindi ko alam kung dahil ba sa nangyari kanina sa gubat o dahil sa sinabi ni Jungwon. Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Sunoo. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog ako.

Nagising ako dahil sa kaluskos na narinig ko. Napatingin ako sa balcony at nakitang may tao doon. Nakatingin iyon ng diretso sakin.

"Sino ka?" Hindi ito sumagot at lumapit sakin. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero hindi ko magawa. Lumapit ito at hinawakan ang mukha ko. Hindi ko maaninag ang mukha niya.

"Sa wakas, nahanap din kita."

Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa mukha ko, naramdaman kong may sugat iyon dahil mahapdi. Napatingin ako sa balcony pero nakasara iyon. Panaginip lang ba yon? Pero nararamdaman ko pa rin yung kamay niya sa mukha ko, pamilyar din ang boses niya at yung amoy niya... kakaiba. Hindi siya amoy bampira o kahit anong nilalang. Binalewala ko iyon. Baka nanaginip lang ako. Naghanda na ako papasok ng school. Naabutan ko si Sunoo sa lamesa at kumakain.

"Good morning. Kumusta ang sugat mo?" Huh, sugat?

"'Yang nasa pisngi mo, nasugatan ka ata sa kahoy sa gubat nung hinabol ka." Naalala ko ang nangyari kagabi. Biglang sumakit ang bandang dibdib ko ng maalala ko ang sinabi ni Jungwon. Sumabay na ako kay Sunoo kumain at pumasok. Nalaman kong dito siya sa mansion natulog para mabantayan ako.

Pagdating sa classroom wala akong nakitang Jungwon. Umupo na lang ako sa upuan ko at tumungo.

"Hi! May nakaupo ba dito?" Napatingin ako ng may biglang nagtanong. Babae. Maganda, maiksi ang buhok pero mukhang jolly siya. Umiling ako. Umupo siya doon at inayos ang gamit niya.

"What's your name pala?" She asked then smiled. Mukhang magkavibes sila ni Sunoo.

"Anika Kim."

"Oooh, so ikaw pala yung pinsan ni Sunoo?" Tumango ako.

"I'm Luna Sung, I'm Crescent Sung's sister." Crescent? Saan ko ba narinig ang pangalan na yan?

"Ah, Sunoo's soon to be wife si Crescent diba?"

"Kinda? They're planning to stop it eh." Napatakip siya sa bibig niya na parang nagsabi siya ng malaking sikreto.

"Don't worry, i know it." Nakahinga naman siya nang maluwag doon. Dumating na ang teacher namin kaya hindi ko na siya nakausap ulit.

"May kasabay ka bang mag lunch?" Tanong niya.

"Oo, ikaw?" Umiling siya.

"I don't really have friends." Pabulong niyang sabi.

"Sabay ka na lang samin, if you want." Mukhang nabuhayan siya doon at umangkla sa braso ko. Habang naglalakad papuntang cafeteria nagkukuwentuhan kami. Pangatlo si Luna sa magkakapatid. Medyo maligalig din siya at nalaman kong mas bata siya sakin ng isang taon.

"Ate, bat ang sama ng tingin nila? May ginawa ka ba?" Tanong niya. Kulit nito sabi ko wag niya akong tawaging ate eh.

"No, may ano lang, may... basta! Sabihin ko sayo mamaya." Pagdating sa cafeteria, dumiretso ako sa pwesto nila Sunoo. Nagulat sila ng makita si Luna sa tabi ko.

"Kilala niyo naman siguro siya 'no?" Tumango naman sila kaya naupo na kami. Apat lang sila doon. Wala si Jungwon.

"Nasaan si Jungwon?" Bago ko pa napigilan, natanong ko na. Dapat wala akong pake dahil galit ako sa kaniya. Dapat galit ako. Pero tinatraydor ako ng nararamdaman ko.

"Hindi pumasok, baka nasa Central 'yon." Tumango ako at kumain na.

"Bakit kayo magkasama Luna?" Tanong ni Sunoo.

"Classmates kami hihi."

"Nagpalipat ka na naman?" Ngumuso si Luna.

"Oo, eh kasi wala akong kausap doon sa dati kong section."

"Pang ilang lipat mo na yan?" Tanong ni Heeseung.

"Pang apat? Ay hindi! Pang lima ata?" Nagulat ako doon. Pwede pala magpalipat.

"Nagpapalipat ka dahil wala kang kausap?" Tanong ko.

"Tsk, yan pa. Hindi yan makakatiis ng hindi nagsasalita."

------

Naglalakad na kami pabalik ng room ng biglang dumaan sa harap namin si Jungwon. Tiningnan niya lang ako saglit at nagpatuloy maglakad. Yung tingin niya bakit parang siya pa ang galit? Hindi ba at dapat ako ang magalit dahil sa sinabi niya?

"Magkaaway kayo?" Tanong ni Luna. Hindi ko alam kung tatango ba ako o iiling. Hindi naman kami magkaaway. Galit siya sakin pero di ko din alam. Ang hirap ipaliwanag.

"Siguro." Mukhang natangahan naman sa sagot ko si Luna. Ang tanga naman talaga.


--------

A/N:

agoi galit sa kaniya si won.



Hating Her, Loving HerWhere stories live. Discover now