Ako ay sumulat habang pinagmamasdan ang larawan mong iniwan sa akin. Hinihintay ko parin ang panahon na tayo'y magkikitang muli. Nakadako ang aking mga kamay sa malapad na papel hawak ko ang panulat na malapit nang maubusan ng tinta.
"Kailan kaya darating ang araw na tayo'y pagtatagpuin na ni bathala? Kahit sa maliit na papel dama ko parin ang iyong presensya dahil nakaguhit rito ang iyong larawan."Tinatanaw ko ang kagandahang taglay ng kalikasan, mga mata'y nakatuon sa magagandang tanawin nitong taglay habang sa aking isipan ay pilit na naglalaro ang pantasya. Dito'y kasama kita. Bawat sandali ay nababalot ng ngiti sa bawat salitang binibitiwan mo. Para bang sa unang pagkakataon tayo ay pinagtagpo at ang presensyang nararamdaman waring totoo.
Hinawakan ko ang kamay mo at ipinatong sa balikat ko. Sumasayaw tayo habang pinagmamasdan ang ngiti sa labi mo. Para bang nakalutang sa kalangitan, pakiramdam na ang gaan-gaan habang isinasayaw ka sa himig at nagsusumamong damdamin.
Napalunok na lang ako at napangiti. Atlis kahit papaano sa maikling oras masasabi kong nakasama kita, kahit sa maikling pantasya na likha ng isipan, kahit di tayo magkasama. Hawak ko ang larawan mo, dama ko ang pagmamahal na iniwan mo, kahit malayo ka tangin larawan mo ang nagpapa-alala na kahit 'di natin nasisilayan ang isa't isa ang pagsinta ko sa'yo aking sinta, kailangan man'y 'di magmamaliw.
Ikaw parin ang nilalaman ng aking mga tula, ikaw lamang sinta ang naglalaro sa aking magulong isipan. Tanging ikaw lamang at ang iyong larawan na bitbit ko kahit saan padparin ng panahon at pagkakataon ang mga paa ko.
Lagi akong nakakalikha ng tula mula sa larawang iniwan mo sa akin, mula rito makikita ang ngiti sa'yong labi at ang ligaya sa mga matang wari'y nangungusap tuwitwina.
Kapag kasama na kita,
At bumilang ng taon sa pagtanda,
Di ako matatakot malawa,
Kung ang tangin paghinga,
Ay laan lamang sayo sinta,
Di bale ng abutan ng pagtanda,
Masabi ko lamang na ang pagsinta, sayo'y di magmamaliw,di maluluma.[..]
Mula sa malayong paglalayag ng aking kaisipan. Tanging hiling ang kaligayahan kahit nasaan ka man. Nakatulog ako ng mahimbing ngunit may lungkot sa aking puso't isipan, binabagabag ng presensya mo sana'y maramdaman.Ang pag-gising ang nagsisilbing pagkakataon upang harapin ang panibagong araw. Napangiti ako ng marahan, napatingin ako sayo, mukhang kanina kapa gising at pinagmamasdan ang pagtulog ko. Bumangon ako at niyakap ang larawan mo. Muli kong na-alala ang araw nang una nating pagtatagpo.
[...]
Kay ligaya, abot tenga ang ngiti sa tuwing nakikita ka. Kay gandang pagmasdan sa malayo man o malapitan tila isang diyosa at ako'y binabadyang lapitan. Iniabot ko ang bugkos ng bulaklak kasama ang tulang magdamag isinulat. "Ang liwanag na nang gagaling sayo ang nagbibigay kulay sa mundo kong madilim. Hanggang kailan kaya tayo magiging ganito kasaya? Nakakagaan ng pakiramdam sana'y wala na itong hangganan."Nanginginig na ang kamay ko kakasulat ng tula para sayo. Hanggang kailan ko kailangang gawin ito sinta?. Ngunit hindi mapapagod ang isip na ikaw'y laging ipinta. Kumakabog ang dibdib sa tuwing kausap ka, namamawis ang kamay kapag sinasambit na ang tulang sayo ay inilaan.
Tatlong beses sa loob ng pitong araw, labindalawang beses, sa loob ng apat na linggong ligawan sa kada buwan sa loob ng tatlong daan at anim napu't limang araw na pakikipag sapalaran ko para sa minimithing matamis mong oo. Kailan pa ba sumuko ang seryosong kagaya ko?. Ngunit hanggang kailan tayo ganito?.
[...]
Bumusina ang sasakyan habang papatawid ako, mapalad ako't 'di ako nahagip. Nangangatog na ang tuhod ko sa haba ng nilakad.Wala pa rin ang aking hinihintay. Nag ngangalit na sa gutom ang aking sikmura, walang tindahan na malalapitan malayo sa kabahayan.
"Mariella kay hirap mabuhay ng ganito kailan mo ba 'ko balak isama sa piling mo?" Nasaan na ba ako? Di ko na alam kung nasaan ako. Ang alam ko lang hinahanap-hanap kita, ngunit nasaan kaba?
Ilang linggo na akong malungkot, bumibigat ang dibdib, nalulumbay pero sa ilang linggo na yun hindi ko nagawa o magawang umiyak. Hindi ko alam kung bakit. Para bang naiipon nalang lahat sa loob ko, kumbaga dagdag na lamang nang dagdag at hindi na nababawasan. Wala akong makitang paraan para ilabas yung mga pakiramdam na yun na kahit pag-iyak hindi na rin epektibo para takasan ang pangungulila sa'yo.
Ikaw ang paboritong imahe sa tuwina,
Boses ang paboritong radyo sa umaga,
Ikaw ang pangpakalma,
Sa tuwing dinadalaw ng problema
Ngunit asan kana?,
Ayokong maiwan mag-isa,
Bakit kay daya ng tadhana sa ating dalawa,
Ikaw ang natatangi,
At tinatangi,
Nang aking buhay sa araw-araw,
Mula pagsilip ng araw,
Hanggang paglubog ng buwan,
Hindi magsasawa kailan pa man.Maglalakbay tayo ng magkasama habang hawak natin ang kamay ng isa't isa. Hindi ako bibitiw kahit anong mangyari sa ating dalawa. Maghihintay ako hanggang kailan, hanggang saan, kahit pa abutan ng paglubog ng buwan sa dapithapon na masaya nating pinagmamasdan. Kita ko ang saya sa mata mo sa tuwing tayo ay magkasama. Ang masiyahing binibining ini-irog ko. Kumakalma ang tibok ng dibdib, pumapayapa ang isip, walang katumbas ang masilayang maligaya ka sa bawat sandaling kasama kita. Paano ba ako magsasawa? ngunit hindi iyon ang mga katanungang gumagambala sa aking isipan, bagkus yaong hindi ko pagsasawang piliin ka bawat segundo ng aking buhay.
Ikaw parin ang gusto kong isayaw tuwing umaga at gabi. Naalala ko pa kung paano ang dalawang kamay ko ay inilagay mo sa iyong bewang. Napangiti ako, napatawa ka naman at kaagad karing ngumiti sa akin. Nabalot ng kilig ang mga sandaling iyon.
Muling nabuhayan ng liwanag ang madilim na kalangitan ng sumilip ang buwan. Bigla mo akong nikayap ng mahigpit. Ang gaan sa pakiramdam habang inaalala ko ang bawat sandaling kasama ka.Isasayaw kita,
Mula sa kanlungan ng isipan,
Hanggang sa bulwagan ng damdamin,
Di magsasawang hawakan ang iyong kamay,
Kahit pa abutan ng paglubog ng buwan,
Isasayaw kita,
Maubusan man ng lakas ang katawan,
Mapagod man sa pagbabantay ang buwan,
Hindi ako titigil,
Hindi papapigil.[...]
Akala ko, ang demonyo sa aking isipan at kalungkutan lang ang magiging dahilan ng hindi ko pagtulog sa gabi. Pati rin pala ikaw. Minsan, gusto kong mamatay. Madalas, mas gusto kong hanapin ang rason kung bakit patuloy akong nabubuhay.Parang napakahaba ng gabi na 'to para sa akin. Masyadong nakakapagod, nakakaubos. Nangingilid ang luha ko, nagbabadya na tutulo pero hindi natutuloy tila ba hindi sasapat ang pagtangis upang mabawasan yung sakit at lungkot. Hindi ko na rin alam kung anong gagawin ko para umayos yung pakiramdam ko.
Naaalala ko pa rin ang lahat, bawat detalye, pangako, plano, gusto at ang bawat masasayang sandali nating dalawa. Tahimik ang gabi ngunit 'di ang aking sarili. Ilang buwan at taon na ba ang nakalipas? Hindi ko na mabilang ang oras. Habang patuloy ito sa pagtakbo patuloy naman ako sa pag-alala ng mga ala-ala mo.
Ramdam pa rin ng buong pagkatao ko kung paano mo ko niyakap sa tuwing malamig ang gabi. Lungkot ang bumibisita sa'kin kapag sinusubukan kong matulog. Naririnig ko sa bawat tibok ng puso ko ang pangungulila nito sa'yo. Kahit ang mga unan ko'y sawa na sa mga patak ng luha na bumubuhos dito. Sa mga araw na pinapatay ako ng mga alaala, nakikita ko ang mga ngiti mo. Parang kahapon lang noong nagkakilala tayo. Hindi rin ako sigurado kung hanggang kailan ganito. Hanggang kailan ba ako yayakapin ng mga alaala mo?
[..]
mas gugustuhin kong mabuhay,
sa magulong mundong ito ng kasama ka,
kesa mabuhay ng payapa ngunit wala ka,
sa'yo ko natagpuan ang aking sarili,
sa'yo ko nakita ang tahanan ko,
natatangi ka,
ang kalmadong mata mo,
ang lambing ng labi mo,
ikaw lagi-lagi,
ikaw ang paborito kong kape sa tag-ulan,
ikaw ang paborito kong unan sa ilalim ng madilim na kalangitan,
hindi mawawala,
hindi mapapawi,
ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko dahil ang puso ko ay sayo,palagi".Alam ko isang araw magtatagpo tayong muli. Kasabay ng paglubog ng buwan sa dalampasigan. Muling magtatagpo ang ating mga paa. Ang pinakahihintay kong araw, ang muling makasama ka sinta.