17.

131 8 1
                                    

Disclaimer: If ever I wrote a wrong information here about meningioma's types or infos, feel free to correct me. I'm no med student or any individual that is knowledgable enough about medical terms. I just did research about this one. Thank you!

-

Alam niyo 'yung pakiramdam na tanggap mo nang talo ka, wala ng pag-asa, hindi ka na makakahon at hindi ka na makakatakas pero biglang may pag-asang dumating?

Hindi ko alam kung maituturing ko ba na pag-asa ang sinabi ni Yanah. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Bakit ganito ang sinasabi niya? Balak din ba niyang paasahin ako sa wala? Balak din ba niyang isipin ko na may pag-asa pa ang lahat?

"Ano? Kung sabihin ko sa 'yo ngayon na hindi malignant ang cancer mo at pwede ka pang gumaling, susuko ka pa rin ba?" Yael walked towards us and look at us both.

"What's happening here?" Tanong niya. Sa likuran ko si Victorious na bumuntong hininga at nagsalita.

"Lorrie..." napalingon ako sa kaniya na ngayon ay nakatingin sa akin. He gulped and glanced at the other people in the room before continuing. "Yanah is right," sambit niya na muling nagpatigil sa akin.

Ano na naman ba ito?

"A-anong..." hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa mga taong nandito. Wala akong maintindihan. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko gayung nakikita kong seryoso silang lahat.

Amidst the silence, Yanah sat down beside me again. Bakas sa mukha niya ang kagustuhang humingi ng tawad. Hinawakan niya ang kamay ko bago tumingin sa Kuya niya.

"Kuya, you're with us when the doctor told us the test results, right?" Napaisip si Yael bago tumango.

He looked at me. "I remember what the doctor said. Chineck ka niya, Lorrie habang tulog ka. He did some tests to you and he said... your cancer is benign. Hindi malignant, Lorrie. Pinaulit pa namin pero pareho lang ang resulta."

Nanlamig ang buong katawan ko. Namamawis na rin ang kamay at talampakan ko kahit pa air-conditioned ang kwartong kinaroroonan namin.

Benign? Paano nasabing benign, eh malignant nga raw ang cancer ko?

"The doctor had done MRI and CT Scan and he said that most meningiomas are categorized as benign ones. The percentage of benign tumors are more larger than malignant ones. 85-90 percent are categorized as benigns and 10-15 are malignants," Yael explained.

"Ang mga sintomas na nararanasan mo ay hindi ganun kalala dahil mabagal ang pagkalat ng mga benign type ng cancer, Lorrie. Normal sa mga may tumor ang pagsakit ng ulo, paglabo ng mata at minsang hindi pag-alala ng mga bagay," Yuri butted in.

"The type of meningioma you have is only Grade I, lahat 'yon nakasaad sa test result na ginawa ng doktor. Naka-dalawang ulit 'yon pero pareho lang ang lumalabas. You have a benign meningioma, not a malignant one," Yael said.

Mabilis ang paghinga ko matapos marinig ang mga sinasabi nila. Ni isang eksplanasyon ay wala ring pumasok sa utak ko pero malinaw sa akin ang salitang 'benign'.

Benign is the non-cancerous one. Maaari akong mabuhay doon. Maaari pang maagapan 'yon.

May pag-asa pa akong tumagal doon.

Pero, bakit ang sabi ng doctor na nag-diagnosed sa akin noon ay malignant na ang sakit ko? Nagkamali ba ng tests results? Nagkamali ba ng diagnosis? Mali ba nag lahat ng alam ko?

Bakit ganito?

Buong araw ay tuliro ako at tulala. Ayaw mag-sink in sa akin ng nalaman ko. Alam kong totoo ang nalaman ko pero hindi ako makapaniwala. Hindi ko makuhang paniwalaan.

I spent days on the hospital. Maging ang doctor na nagsabing benign ang cancer ko ay nakausap ko. He even showed me the two tests results which shows the signs of my cancer being a benign one.

I came back to work after almost a week of resting. Alam kong nagtataka ang mga kasama ko kung bakit palagi akong wala sa trabaho pero hindi ko naman magawang sagutin sila dahil naguguluhan ako sa ngayon.

The sound of bells surrounds the clinic when someone entered. Hindi ako nag-angat ng tingin dahil abala rin ako sa chine-check kong pusa.

"Excuse me, this dog needs some help." My brows raised when I heard a familiar voice. Sandali kong inangat ang tingin ko at nakita ang pinsan kong may hawak na aso.

One of my workmate approached her. Narinig kong tinatanong niya ito tungkol sa kalagayan ng aso pero panay irap lang si Kath.

"Anong alam ko d'yan?" Napailing ako at napakagat labi. Noon pa lang, alam ko na kung gaano niya kaayaw sa mga hayop kaya nagtataka ako kung bakit nandito siya at may dalang aso.

"Ma'am, kailangan lang pong alamin para po mas macheck ng maayos," my workmate said.

"Nakasalubong namin itong aso at nabangga siya ng isang sidecar kaya pina-check namin dito para alamin kung may natamo ba siyang bali o sugat."

I froze upon hearing another familiar voice. Hindi ko nagawang i-angat ang ulo ko dahil alam kong sa oras na gawin ko, makikita ko siya. Kaya mas pinokus ko ang atensyon ko sa pasyente ko.

"Ay, diba po kayo 'yung fiance ni Doc Lorrie?" Dumagundong ang kaba sa dibdib ko pero nanatili akong hindi tumitingin sa kanila. Presensya pa lang, alam kong siya na.

Ramdam ko rin ang tingin ng mga katrabaho ko sa akin pero binuhat ko na ang pusang pasyente ko at dinala sa isang side kung saan pwede sila magpapagaling. Matapos kong mailagay sa kama ang pusa, pumasok ako sa opisina ko at tinanggal ang coat ko.

"Doc?" Napalingon ako at nakita ang isang katrabaho. Tumaas lang ang kilay ko habang inaabangan ang sunod niyang sasabihin.

"Uh, kasi po... dumating po 'yung owner ng aso na dinala ng fian— este, Mr. Salazar. Kayo raw po ang gustong gumamot."

Nabalot ng pagtataka ang mukha ko pero kinuha ko pa rin ang coat ko para puntahan ang nasabing amo. Pagkalabas ko ay agad nagtama ang paningin namin pero mabilis akong umiwas.

"Doc!" Another familiar voice called. Napangiti ako nang makita si Lola Rufina na nasa clinic. Lumapit ako sa kaniya at hinanap si Bambi at nakita ko itong nasa kama at nakaupo.

"Lola, naparito po kayo," sabi ko at inalalayan ang matandang lumapit sa alaga niyang agad tumayo at kumawag ang buntot ng makita ako.

"Naku! Kasama ko si Bambi na mamalengke pero nawala sa paningin ko at may nakapagsabing nabangga raw ng sidecar si Bambi at may nagdala raw sa kaniya dito kaya ako naparito..." I slowly nodded, slowly connecting the dots. "Ito palang magkasintahang ito ang nakakita kay Bambi at nagdala rito. Maraming salamat sa inyo," tinuon ko ang paningin kay Bambi at napangiti nang mabilis itong sumiksik sa akin.

"Walang anuman po," Jeon's voice reached my ear.

Pero gaya kanina, nanatili akong nakaiwas ng tingin. Wala akong balak tapunan siya ng tingin.

Where Secrets Lie (SOW #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon