Chapter 1

75 3 0
                                    

Bakasyon na naman. Ano kayang pwedeng gawin sa loob ng dalawang buwan? Kasalukuyan akong nasa balcony ng kwarto ko ng marinig ko ang maingay na pagtawag galing sa may gate namin.

"Bhie!"Si Diane ang nag-iisang kaibigan ko na talaga namang bestfriend ko dito sa subdivision namin.

"Deretso ka na dito sa taas Bhie."Pumasok ako sa loob ng kwarto ko para pagbuksan siya ng pinto. Pagkaakyat nito, nagbeso kami.

"May babalita ako sayo Bhie."Sabi agad ni Diane pagkapasok namin ng kwarto at naupo kami sa kama ko.

"Ano nanaman yan Bhie? Huwag mo sabihing nahahawa ka na sa mga tao sa paligid natin sa kakatsismis." Nakahalukipkip pa ko ng magtanong sa kanya.

"Hindi no. May bago daw na maglalaro sa isa sa mga basketball. Sikat daw yun na varsity player sa Mapua. Di ba dun ka mag-aaral ng college?" Kilig na kilig ang mga ngiti nito.

"Really? Sino dun? Saka paano siya maglalaro eh may pasok sila sa college kahit ngayong bakasyon?" Alangan kong tanong sa kanya.

"As if naman araw-araw siyang maglalaro diba, hindi naman. Saka, I'm sure matalino yun. Baka magka-love life na ko ngayon Bhie!" Hinampas ko siya sa braso.

"Baliw! Hindi mo pa nga kilala eh. Malay mo hindi pala yun gwapo." Pang-aasar ko sa kanya.

"Gwapo daw. Kaya nga sikat eh."

"O, eh marami namang gwapo dito bakit wala ka pa ring boyfriend." Tinaasan siya nito ng kilay.

"Badtrip nga Bhie eh. Parehas naman tayong maganda, sexy at matalino, bakit lahat sila sayo may gusto? Kaya tingnan mo tuloy ang beauty ko, panis na panis dahil sayo. Kaya ngayon dapat ako muna ang makilala niya. Saka ka na ha. Kapag boyfriend ko na siya, saka ko siya papakilala sayo. Hahaha. Ayos ba?" Napahalaklak na lang ako sa sinabi niya. Hindi naman totoo yun na lahat ng gwapo dito sa akin may gusto. Meron din naman sa kanya, nagkataon lang na hindi talaga niya type, kaya katulad ko, wala pa siyang boyfriend.

Pero ako, suplada talaga sa boys. Hindi pa panahon para sa mga ganyan. Bukod sa istrikto sila Papa at Mama sa bagay na yan, para sa akin, istorbo din yan sa lahat ng bagay na gusto kong gawin. Yung kuya ko nga college na, wala pang girlfriend, ako pa kayang mag-fourth year high school pa lang.

"Excited na ko sa liga. I have something to look forward to everyday. Akala ko talaga boring nanaman to para sa atin." Ang bestfriend ko, umaatake nanaman sa kakiligan. Well, every year she's excited everytime there is Summer Sportfest. What is the difference now?

"Don't worry Bhie. Susoportahan kita sa adhikain mo nayan."Biro ko sa kanya. Bago pa kung anu-ano tungkol sa lovelife ang pag-usapan namin pinakita ko na lang sa kanya ang bago kong sketches para sa opinion niya. Magaling kasi si Bhie na kritiko at napakahirap i-please sa maraming bagay.

True to my Bhie's words, the guy is really famous in our place. Madalas kong marinig na bukambibig siya ng mga tao kahit saan. But I haven't seen him yet. Hindi rin naman kasi ako interesado pang makilala siya.

Anyway, soon the games will start and I will see him. Kung tototohanin ng bestfriend ko na gawing boyfriend yun kailangan kilatisin ko siyang maigi.

Ni sa hinagap hindi ko inakala na ang araw na to ang simula ng mga pagbabago sa buhay ko. Pumasok si Papa at Mama sa bahay namin kasunod ang kinakapatid ko na si Kuya Richard na bestfriend naman ng Kuya Jarren ko kasama ang grupo ng mga kakabaihan na iilan lang ang kakilala ko. Kasalukuyan akong nasa dining area kaya di pa nila ako nakikita. I don't know what came to me, but I wanted to eavesdrop.

"Pasensya na talaga Ninong, Ninang ha. Sila mommy at daddy na kasi ang nagma-manage ng team ko sa Basketball team kaya hindi ko na sila mahingan ng tulong." Nakangiwing sabi ni Kuya Richard.

A Love That LastWhere stories live. Discover now