Kinabukasan, alas tres palang gising na ko. Well, maaga naman kasi ako talagang magising dahil sa madaling araw ako nag-aaral dahil napakatahimik. Naligo na ko. Pinili kong magsuot ng jogging pants at saktong sukat na cotton shirt.
Kasalukuyan akong umiinom ng fresh milk habang naghihintay sa may porch ng bahay namin. Napatingin ako sa orasan. Maaga pa, may 30 minutes pa sila. Kung ayos ang mga magiging team mates ko, dapat 10 minutes before 4am makaraan na sila sa bahay dahil 4 ang usapang oras sa gym. Pasensyahan sila, istrikto ako sa timing. Di uso ang Filipino time na expression sakin.
And it's a good thing. Si Kuya Richard ay 15 minutes earlier kasama pa ang girlfriend na si Ate Yani. Lumabas na ako ng gate namin.
"Hi Ate Yani, Kuya Chard. Gusto niyo ba muna ng maiinom?"
"Naku salamat Jaem. Nagkape na kami ng kuya mo sa bahay. Maaga kasi alis nila Mommy kaya nakapag-almusal muna kami. Ikaw ba?" Tanong ng napakagandang si Ate Yani sa akin.
"Mamya na ko mag-breakfast pagkatapos ng practice."
"Let's go, Jaem. Para makabit ko na din yung net." Masayang sabi ni Kuya.
Pagkarating namin sa gym, nandoon na si Eunice at halos lahat ng member ng team. This is a good sign. Majority is early. I smiled to myself.
"Sino pa kulang?"Tanong ni Kuya Richard kay Eunice.
"Si Rosanne na lang Coach. Dumating kasi kagabi yung kuya niya kaya malamang napuyat yun. Pero nagtext na sakin, papunta na daw siya." Tinanguan na lang ito ni Kuya Richard.
"Ok. Get ready for stretching. Please facilitate Eunice. I'll join you after 15 minutes. I'll set up the net."
"Sure coach."
Tinulungan ni Ate Yani si Kuya Richard sa pag-aayos ng net. Pinalagay naman ni Eunice lahat ng dalang gamit sa bleachers at inayos kami for stretching rounds. Bago makapagsimula, dalawang bisekleta ang nakita naming pumasok sa gym. Si Rosanne at si...
"OMG, si Aidan nandito."Aidan? Yung bagong heartthrob dito? Yung crush ni Bhie? Narinig ko impit na tili ng mga kasama kong kilig na kilig.
Napatingin ako sa entrance ng gym. And there he is. Ang pinakagwapong nilalang na nakita ko. Except for my Kuya Jarren kasi gwapo talaga yun.
Hindi ko maintindihan kung ano yung nararamdaman ko. Parang may nagtatakbuhang daga sa tiyan ko at sobrang kiliti na nararamdaman ko. Bago itong nararamdaman ko na ito.Kahit minsan hindi ako naka-appreciate ng gwapo. Si Bhie lang lagi ang nakakapansin. Speaking of my Bhie, nakalaan na nga pala niitong maging boyfriend ang Aidan na to.
With that, I gathered all the strength I can muster, I refrained myself from looking. Nagtaas na lang ako ng kilay at tumalikod para humarap kay Eunice. Napansin kong tiningnan ako ni Eunice ng palihim bago nagsalita.
"O Rosanne. You're just in time. Magsisimula pa lang ang warm up." Naramdaman ko na malapit na siya sa may likod ko. Habang ang Kuya niya naman ay dumeretso kay Kuya Richard at Ate Yani.
"Hi Jaem."Tawag sa akin ni Rosanne kaya napilitan akong lumingon para batiin siya.
"Hi Rosanne."
"Jaem, papakilala kita sa Kuya ko. Ikaw na lang di ko napapakilala sa kanya." Natural lang ba na kumikislap lagi ang mga mata nito.
Nakita kong palapit naman sa amin si Aidan galing sa pakikipag-usap kay Kuya Richard. Magkahawig pala ang magkapatid. Parang kami lang ni Kuya Jarren.
"Kuya heto nga pala si Jaem. Jaem, eto ang Kuya Aidan ko." Pasimple ko siyang tiningnan pero hindi ako tumitig kahit gustong-gusto ko. Shocks! Ang hirap magpigil ng kilig. Buti wala dito yung bestfriend ko. Kundi baka magkasabay pa kaming nagtatalon ng di oras.
YOU ARE READING
A Love That Last
General FictionAn adage says 'Love comes when you least expect it.' When it does, you can't help but welcome it. It lets you experience the happiest moment of your life. But then, it also gives you the saddest part specially when you didn't know that it was time t...