"Didn't I tell you you're going to die today?"
Napairap na lamang ako at padabog na umakyat papunta sa kwarto ko. Papaano'y sinundan niya pa rin ako hanggang pauwi, ako pa ang pinabayad sa pamasahe niya sa bus. Wala naman palang pera pero nagawang lumitaw sa campus.
"Lily, may nangyari ba? Nagdadabog ka yata?" Rinig ko na tanong ni tita mula sa baba. Lily again.
"Wala ho, ta. Sorry po, pagod lang," palusot ko tiyaka pumasok sa kwarto ko.
Inis na napabuntong hininga ako nang makitang prenteng nakahiga doon ang kumag. See? She can teleport and all pero nagpalibre pa ng pamasahe sa bus.
"Alam mo paano ka magiging useful? Isama mo ako sa pag teleport mo para hindi na ako namamasahe," irita ko na sagot tiyaka hinagis ang tote bag ko sakanya na siyang ikinabalikwas niya.
"Don't you find it weird?" Tanong pa nito.
"Ang alin?"
"I teleport, appear before your eyes."
"Of course, I find it weird. It's not like people normally teleport, smartass," irita ko ulit na sagot.
"But you're not scared?" Hindi ko na alam ilang irap pa ba ang mabibigay ko sakanya eh.
"Bakit ba ako matatakot? Hindi mo naman ako tinatakot."
"Hindi mo pa rin ba gets yung nangyayari, Lilith?"
Medyo napalakas ang boses niya kaya agad ko na tinakpan ang bibig niya tiyaka pinandilatan ng mata.
BINABASA MO ANG
Match Made In Hell
RomantizmA girl whose life has been miserable since she was five years old, left to live with her aunt growing up. --- Lilith Gray Mendoza, the girl who doesn't fear death. Maybe it was the trauma left to her during the incident years ago where she lost her...