A/N: I won't be updating tomorrow so I decided to make this chapter longer and... give our favorite couple their much deserve loving ❤️
Without further ado, here they are!
Enjoy reading!
Nagpapagpag si Luningning ng bilao ng makita niya si Imelda na nakaupo sa ilalim ng puno at diretsong nakatingin sa dagat
'Imelda, bakit ka andito?'
'Hindi mo ba sasamahan si Ferdinand sa loob?'
Sinipa ni Imelda ang bato sa buhangin bago nagsalita
'Ayoko...'
'Hindi ko kayang nakikita siya ng ganon'
Napausog si Imelda ng tumabi sa kanya si Luningning sa upuan
'Ano ba nangyari?'
'Bakit niya ginawa iyon?'
Nagbuntong hininga si Imelda at mabuting pinag isipan kung dapat ba niyang sabihin kay Luningning
'Alam na niya...'
Nabitiwan ni Luningning ang bilao at napatakip sa bibig
'Imelda...'
Nanlalaking mata na sabi ni Luningning
'Pinaparusahan niya ang sarili niya, Luningning...'
'Galit na galit siya sa sarili niya...'
Sinundan ng tingin ni Luningning si Imelda ng tumayo ito at tumingin sa dagat
'Paano, Imelda?'
'Paano niya nalaman?'
Hindi sumasagot si Imelda subalit napansin ni Luningning ang pagyakap nito sa tiyan
'Imelda... buntis ka?'
Hindi pa din sumasagot si Imelda pero tumango naman siya
'Imelda!'
Nabigla si Imelda ng niyakap siya ni Luningning
'Mabuting balita iyan!'
Hinawakan ni Imelda ang kamay ni Luningning at saka siya ngumiti
'Oo... natakot ako nung una pero, mahal ko ang anak namin ni Ferdinand'
'Kung mayroong mabuting bunga ang ginawa ni Ferdinand sa akin... iyon ay ang batang nasa sinapupunan ko'
Nilingon na ni Imelda si Luningning ng bumitiw ito sa kanya at nakangiti niyang pinapanood ang pagpupunas ng luha nito
'Masaya ako sa inyo, Imelda'
Hindi napigilan ni Imelda ng pumatak ang kanyang luha
'Masaya sana... kaya lang, kapalit naman non ang pagguho ng mundo ni Ferdinand'
'Hindi ko alam kung paano ko siya tutulungan'
Kinuha ni Luningning ang dalawang kamay ni Imelda at mabuti itong tiningnan sa mata
'Basta, lagi ka lang nandiyan para sa kanya'
'Huwag mo siya susukuan, Imelda'
'Darating ang panahon... mapapatawad din ni Ferdinand ang kanyang sarili'
.
.
.
Mas sumasakit ang ulo ni Ferdinand sa paikot ikot na ginagawa ni Ramon
YOU ARE READING
You Will Always Be My Hero
RomanceSet in the last year of World War II - 1945 The battle between the Filipino soldiers against the Japanese invaders is reaching it's end Young Ferdinand Marcos was leading his army to victory until he was cornered and was left to die. The beautiful I...