Love life

48 14 0
                                    

"Totoo bang may boyfriend kana? At ang pangalan nya ay Moises?"

Napahinto sa kanyang ginagawa si Edna ng marinig ang tanong ni Dorie, ang nakakatanda nyang kapatid, actually isang taon lang naman ang agwat ng edad nila. Di sila magkasabay na lumaki, kasi kinuha ito ng mga Lolo't Lola nila dahil napaka sakitin nito, at di kayang sabay silang alagaan ng kanilang Nanay. Kaya bata pa lang ito ng mawalay na sa kanilang pamilya, ngayon lang ulit ito napasyal sa kanila at ito nga nang iintriga na kaagad ang hitad.

"Bakit! kilala mo?"

"Oo! schoolmate ko sa Fort San Pedro. Lam mo bang maloko yan ha!"

Napaharap syang bigla sa kapatid na maganang kumakain ng manggang hilaw, sinasawsaw pa nito sa ginisang bagoong.

"Panong maloko?"

Sumubo muna ito ng mangga bago sumagot.

"Basagulero! Barumbado! Sakit ng ulo! Ganun! May ka grupo syang wala ng ginawa kundi manggulo, palaging napapaaway.."

"Sus! Parang hindi naman.. mabait kaya yun."

Depensa nya.. Syempre! Syota na yung pinag uusapan eh! Dapat lang na ipagtanggol nya.

"Totoong sinasabi ko sayo! Kahit itanong mo pa sa kanya!" May diing sagot naman nito sa kanya.

Ng sa biglang sumabat si Nene sa usapan nilang dalawa.

"Wag mo ng siraan 'Te Dorie! Lablyf nya yan, bakit dimu na lang suportahan ang kaligayahan ng kapatid natin!"

Nabaling tuloy ang atensyon ni Dorie sa nakababatang kapatid. Maangas talaga ang datingan nito. Matalas ang dila.. Astig pang pomorma.

"Abah! at anong alam mo sa usaping ito ha? Wag mong sabihing kumekerengkeng kana rin, tatamaan ka sakin!"

"FYI! Hindi na'ko uhugin, para hindi maintindihan ang nais mong gawin ni Didi nuh!"

"Aba't sumasagot kana ngayon ha!"

Napatayo bigla si Dorie at akmang hahablutin ang buhok ni Nene ng mabilis itong nakaiwas. Lalo tuloy itong nanggigil sa ginawa ng nakababatang kapatid.

"Lamog na nga ako sa palo ni Tatay, durog na sa sipa't sampal ni Instik na adik, tapos dadagdag kapa? Abah! sumusobra na kayo ah! Anong akala nyo sakin punching bag?"

Palipat lipat ang tingin ni Edna sa dalawa nyang kapatid na nagtatalo. Ayaw nyang kumampi sa kahit na sino sa dalawa. Kasi, parehas lang naman na maldita at bruhaha, kaya audience na lang ang papel nya, saka mas magandang manood na lang sya kesa umeksina pa, baka ending mas mapasama pa sya't madamay sa sagutan nung dalawa.

"Kasalanan mo kung bakit ka nasasaktan! Napakatigas kasi ng ulo mo! Kala mo diko alam na nag aadik ka't kasapi ng fraternity sa school nyu ha?"

"Wala kang alam sa takbo ng buhay ko! Kaya wag mo'kong pakialaman! Kasi, ako kahit kelan hindi ako nakialam sa mga buhay nyu, lalo na sa'yo! wag kang magmalinis dahil may baho ka ring itinatago."

Di nagpapasindak na sagot ni Nene kay Dorie na mas lalo pang nanggalaite sa galit. Kahit si Edna natameme sa mga naririnig na sagutan nung dalawa.

"Aba't sumusubra kana ah! Sumasagot kana sakin ngayon? Ano lalaban kana? Kaya mo na'ko ngayon ha?"

Akmang sasampalin na nitong nakakabatang kapatid ng matigil sa ere ang kamay nito ng manlisik ang mga mata ni Nene.

"Ba't dimo subukan? ng malaman mo kung panu ako pumatol sa mga kagaya mong basta basta na lang nananakit ng wala sa katwiran.. Sige, sa oras na lumapat yang palad mo sa pisngi ko... Makikita mong totoong kulay ko.. Ang batang puro na lang pasakit ang ipinalasap at idinulot nyu!"

God Gave Me You✔💯Where stories live. Discover now