"Magpaampon nalang kaya ako sa mga magulang mo? Okay dito sainyo eh." pabiro kong sambit tsaka mahinang natawa nang sabihin ko iyon kay Pau.
It's been three days since I was here at their house at hindi pa ako umuuwi. Tita Grace said she told Mom that I was here at their house pero iyon lang ang nasabi niya sa akin at hindi ko rin alam kung anong reaksiyon o sinabi ni Mommy tungkol doon.
I also never texted Mom after I leave the house. Looks like she doesn't care dahil kung may pakialam siya ay tatawag o itetext niya ako kung nasaan ba ako at kung bakit hindi ako umuuwi. Pero ni isang text o tawag wala akong natanggap mula sakaniya.
"Tapos magiging kapatid kita? No. Never. Ayoko."
I looked at Pau with my brows furrowed because of what he said. Grabe naman siya.
"Ang sakit mo magsalita, ha." sabi ko tsaka humawak pa sa dibdib ko at umaktong nasasaktan dahil sa sinabi niya.
But he just stared at me annoyed before he left his room.
Hindi ko nalang siya pinansin at isinawalang bahala ko nalang iyon at inayos ko nalang yung gamit ko.
Parang gusto ko na kasing bumalik sa bahay eh pero baka kung anong salita nanaman ang marinig at matanggap ko. Kinausap pa rin ako ulit ni Tita Grace na subukan ko raw na umuwi na sa bahay lalo na't pasko na bukas.
Napailing nalang ako roon. Another holidays to spend with Mom pero wala na si Daddy. Normal nalang naman na sa aming dalawa yung mga ganong holidays after Dad died.
"Uuwi na 'ko." mahina kong sambit habang nagsusuklay ako ng buhok ko.
Nakapameywang lang na nakatingin sakin si Pau. "Lumayas ka ulit." aniya.
Dahil doon ay napatitig ako sakaniya nang nagtataka. Is he serious or what? Hindi ko alam kung nagbibiro siya o seryoso siya sa sinabi niya.
"Sa susunod na lalayas ka sainyo, siguraduhin mo na may eksakto kang pupuntahan. Hindi yung bigla-bigla mo nalang mapag-iisipan na lumayas tapos mamomroblema ka kung saan ka pupunta."
I frowned and avoided my gaze at him.
Nanermon pa nga.
Isinukbit ko na ang bag na dala ko sa balikat ko tsaka lumakad sa harap niya. Inirapan ko pa siya bago ko siya nilampasan at pumunta kina Tita Grace na nasa sala ng bahay nila.
"Tita, uuwi na po ako. Thank you po sa pagpapatuloy." sabi ko kay Tita Grace.
Napatayo naman siya tsaka tumango at ngumiti.
"Wala 'yon. Mag-usap kayo ng Mommy mo, ha?" sambit niya.
I just smiled a little then nodded. Nagpaalam na rin ako doon sa dalawang kapatid ni Paulo na nandito ngayon sa bahay nila.
Pinasakay naman na ako ni Paulo sa kotse niya, ihahatid niya raw ako. Naniniguro lang siya na uuwi na talaga ako.
I was nervous while we're on our way to the house. I don't know if Mom is there or umalis but wherever she may be right now, nasa bahay man siya o wala, kinakabahan pa rin ako. Paano kung mag-away o hindi ulit namin mapigilan na magsagutan? Kinakabahan at natatakot ako.
"Thank you." I thanked Pau nang maihatid na niya ako.
He just nodded and didn't speak.
Alam na alam kong hindi na bago sakaniya na malaman ang bangayan at hindi namin pagkakasunduan ni Mommy, magmula bata ba naman kami ay naririnig at nakikita na niya iyon. And now, I can see sometimes how he's so much concerned for us. Minsan hindi ko na nga maintindihan ang reaksyon o ekspresyon niya pag nagkukwento ulit ako sakaniya. Mukhang ako pa nga nagbibigay ng stress sakaniya minsan pero hindi niya ako sinusukuan, hindi niya ako iniiwan. Sa dami ng tao na nakapaligid sakin, siya ang pinaka-pinagkakatiwalaan ko. He's the most trustworthy person that I know. Totoong kaibigan ko siya, hindi katulad kay Ara.
BINABASA MO ANG
Forever With You
FanfictionForever With You || SB19 Series #2 Bianca and Paulo are two childhood bestfriends. Paulo is the only friend Bianca has nang talikuran siya ng bestfriend niya. Paulo is always there for Bianca. He's brave enough more than her to say the things that s...