Nilibot ko ang tingin habang naglalakad ako sa mahabang daan papuntang palasyo. Hindi pa natatanggal ang mga wala ng buhay na katawan doon at habang nagtatagal ay sumisikip ang aking dibdib para sa mga taong naiwan ng mga yumaong kawal. Lumapit ako sa aming hardin at pumitas ng iilang bulaklak roon at nilagay sa tabi ng yumaong mga kawal.
Pagkatapos ko iyong gawin ay nagpasya na akong magpatuloy sa paglalakad. Madilim ang paligid at sobrang tahimik ngunit sa aming palasyo ay maliwanag at natitiyak kong nandoon silang lahat.
Nang tumapat na ako sa pintuan ay dahan-dahan kong binuksan ang malaking pintuan at gumawa iyon ng ingay. Sa pagbukas ko no'n ay sabay-sabay na tumingin sa akin ang mga Kamahalan.
"Cresentia!" hindi ko inaasahan na sasalubungin ako ng yakap ni ina.
Naramdaman ko ang panginginig ng kanyang katawan. Sinapo niya ang aking pisngi at nilibot ang kanyang mata sa buo kong mukha.
"Are you hurt? Are you okay?"
Napatitig ako sa mukha ni ina. Ito ang kauna-unahang beses na tinanong niya sa akin kung ayos lang ba ako.
Dahan-dahan akong tumango at muli niya akong binalot ng kanyang yakap.
Gulong-gulo ako sa nangyayari at kung bakit biglang ganito ang naging kilos niya. Habang yakap niya ako ay nilibot ko ang aking tingin sa paligid. Lahat sila ay may galos at duguan. Nadala ang aking mga mata sa puwesto ni ama at nakita ko itong titig na titig sa akin ngunit mabilis din na nag-iwas ng tingin ng makita niyang nakatingin ako sa kanya.
"A-Ayos ka lang ba, Ina?" mabilis siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at tumango.
Ngunit nagulat ako ng bigla siyang umatras papalayo na para bang napaso sa pagkakahawak sa akin. Nagtataka ko siyang tiningnan ng nagsimula na itong maglakad palayo at lumapit kay ama.
"Where did you go?" tanong niya kalaunan.
Lahat sila ay nasa akin ang tingin kaya matapang ko silang hinarap at bahagyang yumuko.
"Katulad po ng sabi ng hari... papunta na dapat ako sa hapag-kainan ng makarinig ako ng mga pagsabog. Kasama ko si Adina at... nagkahiwalay kami. Nakita ko ang mga kawal na wala ng... buhay at—"
"You're trembling, Cresentia. Don't continue if you're not comfortable," nag-angat ako ng tingin kay ama at umiling sa kanya.
Hindi ko alam na halata pala ang hirap sa aking pagsasalita. Ngunit kahit gano'n ay pinagpatuloy ko pa rin ang aking pagsasalita.
"Maraming kawal na wala ng buhay nang maabutan ko roon. Hinanap ko kayo pero kahit isa sa inyo ay hindi ko makita. Hanggang sa nakita ako ni Alankar..."
"Who's Alankar?" malakas na tanong ni Prince Crusoe kaya nilingon ko siya at bahagyang ngumiti.
"Niligtas niya ako," narinig ko ang pagsinghap ni ina at napahilot ito sa kanyang sintido na parang alam niya na ang nangyari sa akin.
"Siya ba ang lalaking nakita namin na kasama mo?" tanong ni Princess Nirvana na ikinatango ko naman.
"He saved me... please spare him if ever you see him again inside the palace," pakiusap ko.
Malaki ang utang na loob ko sa kanya. At iyon lang ang tanging magagawa ko para sa kanya at sa pagliligtas niya sa akin. Wala man akong kasiguraduhan na babalik pa siya dito ay gusto ko namang malinis ang pangalan niya. Dahil kung totoong kalaban siya ay sana'y matagal na itong gumawa ng hakbang upang saktan ako o ang kahit sino sa amin.
"How sure you are that he really saved you, Cresentia? What if that's his tactic to get you? What if he's a spy? You trust too much!" sigaw ni Ina.
YOU ARE READING
Scarlet of Arrows (Book 1)
FantasyScarlet of Arrows Trilogy (Season 1) Originally Started: July 2014 Started: November 30, 2021 Status: on-going ✿✿✿✿✿✿ Ang buhay na mayroon si Cresentia ay hindi katulad ng mga batang prinsesa sa isang palasyo. Sa batang edad na labing-limang ta...