"YARA KALIA POV"
Matapos namin kumain ay naligo na agad si Zach.Kaya ng matapos siya, naligo na din ako.
"Wala kang trabaho?"tanong ko habang pinupunasan ang buhok ko gamit ang tuwalya.
"Wala"sagot niya at kinuha ang remote ng T.V
"Seryoso?"kinakabahang sabi ko.Kung wala siyang trabaho paano niya ako mababayaran.Mukhang mali ata ako na pinatuloy ko siya sa Apartment ko.
"Why?"hindi siya tumingin sakin dahil abala siya sa paglilipat ng channel.
"Paano mo ko babayaran?Wag mong sabihin uutangin mo.Hindi pwede yon, kailangan ko talaga ng pera kaya kung wala kang pambayad,mag empake kana lang at umalis"mahabang lintaya ko sa kanya kaya mabilis siyang tumingin sakin at tumawa.
Ngumuso naman ako at tinigil ang pagpupunas ng buhok at umupo sa tabi niya.
"Don't worry, hindi kita tatakbuhan"natatawang sagot niya at napa iling iling.
"Sigurado ka?"tanong ko kaya pinisil niya ang pisngi ko at tumawa.
"Yes"mahina siyang natawa kaya napatitig ako sa mukha niya.Dahan dahan naman nawala ang ngiti sa mga labi niya nang magtama ang mga paningin namin.
"Y-yung kamay mo"nahihiya kung sabi kaya nakita ko ang paglunok niya at dali daling kinuha ang kamay niya na nasa pisngi ko.
Mabilis naman akong tumayo at dali daling naglakad papunta sa kwarto ko.
Ano yon?
Nang makapasok na ako sa kwarto ay agad kung hinanap ang wallet ko para matingnan kong magkano nalang ang natitira kong pera.
Nanlumo naman ako nang makitang one thousand nalang ang natira at barya na fourthy pesos.
Nagbihis ka agad ako at agad na tinali ang buhok ko para walang sabagal sa mukha ko.
"Where are you going?"taka niyang tanong nang lumabas ako na ayos na ayos.
"Sa Mall,mag go-grocery ako"sagot ko at sinuot ang sapatos ko.
"Sama ako"sagot niya at mabilis na pinatay ang T.V.Napatingin naman ako sa kanya na nagtataka.
"May pera ka?"paninigurado kong tanong sa kanya.Natawa naman siya at naglakad na papasok sa kwarto niya.
Napairap nalang ako at umupo sa sofa para hintayin siya.Mabilis naman akong napatingin sa phone ko nang mag ring yon.
Tumatawag pala si Yish.
"Kalia"excited niyang sabi kaya natawa ako nang mahina.
"Bakit?"
"Pupunta ako diyan sa Condo mo mamaya.Wag kang mag-alala magdadala ako ng pagkain"masaya niyang sabi kaya mabilis akong napa ubo dahil sa narinig.
Hindi siya pwedeng pumunta dito.
"Yish, wala ako sa Apartment ko mamaya"pagsisinungaling ko.Sana tumalab, please god.
"Ha saan ka pupunta? Gusto mo samahan kita?"nagtataka niyang sabi kaya mabilis akong napasapo sa noo.
"Hindi na.Bawal kasi nang may kasama"palusot ko ulit
"Yara,Let's go"muntik na akong mahulog sa kina uupuan nang marinig ang boses ni Zach.
"Tang ina"mahinang bulong ko nang marinig ang sinabi ni Yish.
"Sino yon?Boses lalaki,wag mong sabihin nag Bar ka tapos may nangyari sa inyo.Hoy-----"hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla ko siyang pinutol sa pagsasalita.