Chap. 7: Me as RAE...??? Seryoso???

143 5 2
                                    

AYOSSSS...!  GOD BLESS GUYS...

Nagising ako sa di pamilyar na lugar...  Puro puti ang nasa paligid...  Nasa langit na ba ako???  Pero bakit may mga amerikano akong nakikita sa may pinto...???  Baka nasa Amerika na ako... (YAHOO) Amerika sa langit???

Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa tabi ko...  May matanda pala akong katabi...  Hindi ko kaagad siya napansin kasi ang liit niya... "Mabuti naman at gising ka na..."

"Nasan po ako..???"

"Nasa hospital ka..."

"Hospital...??"

"Hinimatay ka kaso kanina dahil sa kinain mong panis..."

Oo nga pala...! Ano ba yan, ang sakit parin ng tiyan ko... "Kailangan ko na pong umalis..." baka dito pa ako mahuli ng mga yun...

"Mamaya ka na umalis...  Hintayin mo muna ang pagkaing pina-order ko para sayo..."

Pagkain???  May biglang pumasok na isa pang amerikano, may bitbit itong tatlong supot ng Jollibee, isang supot ng mga sari-saring prutas at tatlong bote ng malalaking C2...  Inilapag niya lahat yun sa katabi kong lamesa...

"Kainin mo lahat yan para lumakas ka..."

Hindi na ako nagpaka choosy pa kaya inupakan ko na ang mga pagkain na parang walng bukas... "Pagkatapos ko pong kumain eh...kailangan ko pong umalis...  May mga humahabol po kasi sa'kin eh.."

"Dahil ba ito sa utang mong 100,000,000 M???" sabi niya.  Napatigil ako sa pagkain...  Tumingin muna ako sa kanya bago malungkot na tumango...  

"Huwag kang mag-alala...  Binayaran ko na ang utang mo..."

Sa sobrang gulat ko, nalunok ko ang isang buong lansones na hindi pa nababalatan...  Hindi ko nga alam kong paano nangyari yun eh...pero yun pa naman ang kauna-unahang lansones na kakainin ko pa lang dahil ang laki...

"Ok..ka lang...??"

"Opo..ok lang po ako..." tinungga ko yung isang malaking bote ng C2...  Hindi ko na inaalala yung nalunok kong lansones kasi paniguradong ipopoop ko naman yun...(mahihirapan lang akong ilabas)

"Lumabas muna kayo...!" utos ng matanda sa mga amerikano...  Sumunod naman ng mga ito kaya kaming dalawa na lang ang natitira sa loob ng kwarto...

"Binayaran ko niyo na po ang ~u-tang ko?  Ang ibig sabihin lang po nun eh..sa inyo na po ako may utang???"

"Tama..!" nakangiting sagot ng matanda.

"Huwag po kayong mag-alala, gagawin ko po ang lahat para mabayaran kayo...  Pwede niyo po akong maging katulong habang buhay hanggang mabayaran ko ang 100,000,000 M.."

Napangiti ang matanda.. "Hindi mo ba itatanong kung sino ako...???"

Oo nga noh...??? " Sino po pala kayo...?"

"Ako si Don Sebastian Abueva..  Ang may-ari ng Abueva Miracle Toy Company..."

A-bue-va Toy Mi-ra-cle??? Yung isa sa mga sikat ng brand ng laruan sa buong mundo...  Ganun yung  brand nung mga laruan ko nung bata pa ako...

"Sa pagkakaalam ko po, may-ari po kayo ng tatlong malalaking SM sa asian...  May limang beach sa Europe, dalawang international restaurant dito sa bansa, mga building sa ibat-ibang bansa at isa po kayo sa mga bilyonaryo ngayon..."

Editing: Dont Read...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon