“Ano ba naman ‘yan ang kupad kupad mo!” sermon ni Mang Cueto na siyang amo ni Shane.
Napakamot siya ng ulo, “e kasi nga po diba may natumba nga pong motor kaya po tinulungan ko—”
“Abay wala kang mapapala dyan! Bilisan mo at iprito mo ‘to!” sigaw pa niya habang nakaturo sa mga manok na babad sa harina at pampalasa. Tumalikod siya at bumalik sa pag aasikaso ng kostomer.
Ngumuso naman si Shane, “akala mo naman hindi ako ang nag upgrade ng chicken niya! Galing sakin recipe kaya pumatok. Tapos sesermonan ako. Kainis.” Bulong niya pa.
Nag salang siya ng chicken wings at legs sa mainit na mantika. Habang tumatagal ay pinagpapawisan na siya. Pinasan niya ‘yon gamit ang likurang palad. Kahit kasi panyo ay hindi siya bumibili. Nag iipon siyang pang tuition para sa sarili. Naka dalawang subok na siya sa scholarship test pero bumagsak siya rito. Naisip niya na hindi talaga siya para sa business o architect. Para siya sa kusina. Hilig na niya ang pag luluto. ‘Yun nga lang mahal ang matrikula. Kaya pinagiipunan niya ito. Sa kagustuhan niyang maka pagtapos ng pag aaral ay hindi na niya na aalagaan ng husto ang sarili. Para sa kaniya pag aaral ang isa sa maipagmamalaki ng tao.
Anim na taon na ang nakalipas. Anim na taon rin siyang nag hirap sa mundong mapaglaro. Gusto pa rin siyang pag aralin ni Carmela. Pero tinanggihan niya ‘to. Ayaw niya na maka dagdag pa sa gastusin at wala man lang siyang maibibigay na tulong bilang kapalit. Umalis na rin siya sa bahay nito.
Lagi siyang umaasa sa balita o na kakamustahin manlang ba siya ng lalaking mahal niya. Pero wala. Wala ni isang mensahe. Ang dali dali lang mag click, may internet naman, pero wala.
“Pinagalitan ka ulit?” halos mapatalon ang dalaga sa bigalang pag sulpot ni Abdul sa kaniyang tabi.
“Malamang. Kainis si tanda hindi manlang nakikinig sa’kin.”
“Aging kasi.” Tumawa siya.
Si Abdul ang iisa niyang kaibigan. Simula kasi nang pangyayaring ‘yon ay takot na siya magtiwala sa ibang tao. Takot rin siya makipagkaibigan, lalo na sa lalaki. Pero siya, napa ka kulit. Kaya pumayag nalang siya. Mukha rin naman mabait para sa kaniya.
“Tapos na po ako.” Sabi ni Shane kay Mang Cueto.
Nilingon siya nito at sinenyasan na ibalot ang mga manok. Umirap siya sa kawalan. Dahil wala pa siyang pahinga simula umaga. Lagi pa siyang ginigisa ng kaniyang boss.
Tinulungan siya ni Abdul sa pag balot ng mga ito. Nilagay nila ito sa kahon para i-deliver. Marami kasi ang bumibili sa kaniya dahil kay Shane.
“Tapos na po kami, ako nalang po muna ang mauuna sa pag deliver.” Pag prisinta ni Abdul.
“Bilisan mo, ka-lalaking tao ang bagal bagal mo. Kanina ka pa doon sa labas.”
“Traffic nga po kasi, kayo kaya do’n.” pabalang na sagot ng lalaki.
“Aba’t sumasagot ka pa?”
Ngumuso lang siya na ikinatawa ni Shane sa gilid. Padabog siyang umalis dala ang mga manok.
“Ikaw naman bata ka. Kumain ka! Aba’y ang payat payat mo! Baka kung ano pang mangyari sayo sagot ko pa!” sermon sa kaniya bago bumalik sa pag pupunas ng mesa.
Kahit na ganoon kasungit ang amo ay hindi pa rin mapigilang ngumiti ng dalaga. Alam niya kasi na kahit ganito ang trato nito sa kaniya ay may kabaitan pa rin sa puso niya.
“Opo, salamat.” Pasasalamat niya bago tumungo sa maliit na kwarto kung saan naka lagay ang mga gamit nila.
Umupo siya sa silya. Kinuha niya ang bag para ilabas ang baon niya.
YOU ARE READING
The Heartthrob That Can't Walk
RomanceStanlly got into an accident the reason why he can't walk. Pero kahit na ganoon nakukuha niya pa rin ang atensyon ng mga babae. Sa loob ng apat na bwan na miserable siya ay may biglang babaeng dumating. Girl on yellow, babaeng mag papasakit ng ulo a...