Chapter 26: Open house pt. 1

236 20 1
                                    

Halos lahat ay aligaga sa pagde-decorate ng buong campus para sa gaganaping Lauren High's First Ever Open House Party. Sa event na ito, lahat ay pwedeng pumasok kahit hindi estudyante ng Lauren High. In short, lahat ay pwedeng pumasok. Naisipan kasi ng dean na bigyan kami ng time na makipag-socialize sa ibang tao bago pa man kami sa sumabak sa kalagitnaan ng semester. Lahat naman kami ay tuwang-tuwa dahil pwede kaming mag-imbita ng kahit na sino basta ay may maipapakitang invitation card.

Bale, bawat isa sa amin ay may tatlong cards so tatlo lang ding tao ang pwede naming maimbita. Si Ate Katelyn, Kuya Cedric at isa niyang tropa ang binigyan ko nito since busy sina mom and dad.

Nakatalukbong ako ngayon sa aking higaan habang hinihintay na sumikat ang araw. Oo, hindi na 'ko ngayon nakakatulog. Ni hindi na nga ako dalawin ng antok eh. Kahit pagbibilang ng tupa, magsasayaw at mag-jumping jacks ay walang epek. Mag-iisang linggo na akong ganito pero panatag naman akong matulog maghapon dahil wala kaming pasok para sa open house ngayon.

Eh paano ba naman, si Gavin...

Oo na! Si Gavin! Si Gavin na lagi ang dahilan ko.

Nang mangyari kasi ang pag-friend zone niya sa 'kin, halos nawalan na 'ko ng ganang pumasok. I know na hindi ako nagtapat sa kaniya pero totoo nga lahat ng assumptions ko. Na may gusto ako sa ulupong na 'yon. Paano na 'ko ngayon magtatapat kung ngayon pa lang, wala na akong pag-asa. Hindi na 'ko maglalakas ng loob dahil hindi naman niya tatanggapin 'yung nararamdaman ko.

Ang tanga ko 'no? Nagkagusto ako sa taong kinasusuklaman ko.

Parang araw-araw lagi akong nakasakay sa roller coaster dahil todo ring maka-emote ang puso ko kapag kasama siya. Andiyan 'yung babanatan ka ng pick-up lines, aakbayan, nanakawan ng halik sa pisnge at pag-holding hands. Pakiramdam ko nga parang totoo na ang lahat. Pero siyempre, patago lahat 'yon. Para kaming mag-boyfriend na hindi pa nag-oout sa public.

Kaya ayun, bawat araw na lumilipas, pasibol nang pasibol ang pagkagusto ko sa kaniya. Alam mo 'yung feeling na kapag makita mo siya, parang blurry lahat ng paligid tas may shining shimmering sa katawan niya. 'Yung butterfly in the stomach, shit na-experience ko rin 'yon. Akala ko nga ka-jejehan lang at fictitious ang ganoong bagay pero totoo talaga.

Nagtanong ako kay Jeybez one time kung ano ang mga signs kapag inlove ka. At tinamaan ka ng magaling, lahat 'yon nasambit niya.

Sinubukan ko namang pigilan. Trust me! Umiwas ako, naging cold sa kaniya, pero tinotoo niya 'yung makipagkaibigan sa akin. Siya na ngayon ang nanunuyo at naghahabol sa akin.

Sa lahat ng mga oras na 'yon, sinong bakla ang hindi mahuhulog hah? Lahat ng pantataboy ay ginawa ko na pero ako 'tong si marupok kaya hindi na natiis ang pambubulabog niya.

"Fluke? Fluke! Tulog ka pa ba?" tapik sa akin ni Gavin at naramdaman ko ang pagg-upo niya sa aking kama. Baka nakakalimutan niyo, roommate ko ang ulupong na 'to kaya sobra pa sa sobra ang problema ko kung paano ma-uunlove ang lalaking 'to.

Hinawakan ko nang mahigpit ang kumot para hindi niya mahila.

"We have a problem."

Hindi ako umimik at nagpanggap na natutulog. Bahala siya.

"'Di ba may tatlo tayong invitation cards? Sina mom at Reoseff ang binigyan ko..."

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"'Yung isang card, kay Kimberly ko binigay."

Doon ako napatayo sa pagkakahiga at parang may tumarak na karayom sa aking dibdib. Mas lalong sumama ang timpla ko at nakaramdam ng kaba.



LHS #1: Life as a Class A's Muse [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon