Daydreamer

28 7 3
                                    


An original short story of ButterPillarFly. The story is derived from the author's imagination, same name of the place, characters, events are just purely coincidental.

DATE STARTED: 04/11/15
DATE ENDED: 04/11/15

All rights reserved. ©2015|ButterPillarFly

~~

"Nandiyan na si Mike!" Narinig kong sigaw ni Chie, patay na patay kay Mike.

Pagkapasok ni Mike sa gym ay naghiyawan ang lahat. Sino ba namang hindi mahuhumaling sa isang Mike Castillo na sobrang gwapo, maganda ang pangangatawan, magaling magbasketball, at makalaglag panty ang ngiti?

Pero hindi lahat ng babae, nahuhumaling sa kanya, 'yung iba naiinis din. Isa na ako doon. Mali pala, nag-iisa kasi akong hater ni Mike.

Kahit ang bestfriend ko na si Maris, patay na patay kay Mike.

Jusko, ang gwapo nga, kainaman naman sa yabang, antipatiko pa.

Hindi pa nagsisimula ang laban. Kalaban ng university namin ang Morgans University. Dahil hater ni Mike ang peg ko ngayon, nandito ako sa panig ng mga Morgans para i-cheer ang Morgans Basketball Team. Ako lang ang kaisaisahang Wingston student na nakaupo dito at naka uniform pa.

Hindi ako mapapagalitan ng principal namin, kilala niya ako at naiintindihan niya ako. Oh diba? Nasa panig ko si Principal.

"Aray! Problema mo?" Binatukan kasi ako ni Maris. Mabait ako, kaya hindi ko siya gagantihan.

"Lutang kana na naman kase, tama na nga 'yang pagdedaydream mo. Manuod ka! Ang galing galing ni fafa Mike!" Sobrang hyper yata niya ngayon.

"Anong nahithit mo at ang hyper mo?" Tanong ko kaya nakatanggap ulit ako ng isang batok.

"Yung pabango ni fafa Mike, yieee. Ang bango." Kahit kailan talaga.

Natapos ang laro, na nakaupo lang ako sa bench at nakakatitig sa mga players.

Habang kumakain ako ng kwek kwek, lumapit sa akin 'yung isang player ng Morgans. Kilala ko siya, at kilala niya ako, palagi kasi akong nasa panig nila tuwing may laban sila ng Wingston.

"I'm glad you came." May konting yabang din itong taong to.

"Malamang, dito kayo sa Wingston naglaro, dito ako pumapasok edi malamang pa sa malamang, nandito talaga ako." Sagot ko.

"Taray mo ngayon, meron ka?" -Marlo

Mabait ka ngayon Carmela, mabait ka kaya huwag mo siyang papatulan.

"Oo, may stick ako ng kwek kwek dito, kaya tumahimik ka diyan kung ayaw mong salaksakin kita." Napatawa na lang siya.

Sanay na siya sa mga ganyang linya ko sa kanya. Medyo nakakaasar din siya, pero mas nakakaasar parin si Mike.

"Pinapatawag ka ni coach." Si Mike.

Tuwing maguusap kami ni Marlo, palagi nalang sumesegwey itong si Mike. Oh diba? Panira diba.. diba?

"Hoy! Lumapit kana kay coach kung ayaw mong ipakaladkad pa kita kay Mike." -Maris

Lumakad na ako at lumapit kay coach.

"Can you do me a favor miss Nuque?" -Coach

"Yes sir, ano po 'yun?" Tanong ko. Tapos na ang laro kaya wala na masiyadong tao sa court, Wingston students nalang ang nandito.

DaydreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon