Oz Academy 1:The Gangster Princess
"Master, wala pa ba tayong laban? "napalingon ako sa nagsalita si Keith.
"None, wala pang invitation.Siguro natakot sa mukha mo. "sabi ko dito sabay tapik sa balikat niya at umupo sa counter.
"Naku Master! Alam kong sa sobrang gwapo ko natakot na silang bangasan to. Takot nalang nila sakin. "sabi nito at tumabi sa akin. Kumuha siya ng wine at dalawang baso.
"Takot nalang nila sa mukha mong daig pa ang mukha ng unggoy. "sabi ko sabay inom sa wine na hawak ko. Kung nagtataka kayo kung nasaan ako, nandito ako sa base namin. Actually resthouse ko to.
"Hecate, makakaya kaya natin bawiin yung pagiging rank 1 sa red organization? "tanong nito sa akin habang nakatingin siya sa logo namin. Ang Raven Guild.
Napaisip ako.Matatalo ba namin sila?Kung nandito lang sana si Kuya.
"May nakalap nga pala akong impormasyon Master. Nalaman ko na madumi silang maglaro. "sabi nito.Tumingin ako sa kanya.
"Paanong Madumi maglaro? "tanong ko dito.
Nagshrug lang siya at ibinalik ang tuon sa baso.
"Kailangan natin maghanda. Sabihin mo sa iba nating ka gangmates na magtraining sila.Kailangan nating manalo. "sabi ko at tumayo na.
"kung Madumi silang maglaro kailangan nating tapatan at paghandaan yon. "sabi ko dito at lumakad na at umakyat papunta sa library ko. Pumasok ako dito. Nilibot ko ang tingin ko sa kabuuan. Para lang itong isang normal na aklatan. Nagtungo ako sa pinakadulong bahagi ng aklatan. Tinulak ko ang isang shelves at tumambad sa akin ang maraming test tube at mga makina.
Kinuha ko ang lab gown ko at isuot ito. Bata palang ako mahilig na akong mag eksperimento ng kung ano ano,hindi ko alam kung bakit basta alam ko lang gusto kong makakita palagi ng mga ganitong bagay. Actually marami na akong nagawang mga ibat ibang eksperimento. Meron akong nagawang gamot para kay dad mahina kasi ang puso niya so gumawa ako ng magpapalakas dito sa tulong din nito nagpapalakas din nito ang buo mong katawan. Actually hindi alam ni dad to, I mean yung tungkol dun sa gamot even this experiment thingy. Pinagpapalit ko kase yung gamot niya. Walang nakakaalam sa hilig kong ito kung hindi ako lang. Ayokong may ibang makaalam mahirap na!
Kinuha ko ang isang test tube na may lamang isang chemical. Nilagay ko ito sa isang bote.Pinaghalo halo ko ang iba pang mga chemicals para sa gagawin ko, Ang Strength Increaser.
Keith's POV
"Hey!Bro's! Pinasasabi ni Prinsesa na magsimula na kayong magtraining!And we need to do our best! Ge! Yun lang! "sabi ng gwapong ako habang nagsimula ng malapitan ang mga ka gangmates ko samantalang yung apat na feeling pogi umupo sa tabi ko.
"May laban ba tayo Master Pogi?"napangisi naman ako pero yung apat naghahagikhikan sa tabi ko. Hindi ko nalang pinansin, sayang ang precious time ko.
"Actually wala pang natatanggap na invitation si Prinsesa pero sinabi niya na maghanda na daw kayo-este tayo. "sabi ko at mapogi sign pa.
"Maurat ka nga Keith!"sabi ni Jack sabay batok sa akin. Tiningnan ko ito ng masama pero nginisian lamang ako nito.
"Tabi nga kayo jan! Tabi! Matutulog muna ako. "sabi ko habang tinutulak yung apat.
Humiga na ako at maya maya lang dinalaw na ako ng antok.****
"Oy Keith! Gising! Nandito si prinsesa! "
"Oy Keith baboy gumising ka!"Hmmm. Ang ingay naman nila Jack. Psh!Niyakap ko ang unan pagkatapos ay umayos ng higa.
BINABASA MO ANG
Oz Academy
FantasyIsang paaralan kung saan ang mga estudyante ay may kakaibang kakayahan.Paano kung ang isang gangster na babae galing sa mortal world ay magising nalang na nandito na siya sa paaralang ito.May kakaiba din ba siyang kakayahan kaya siya napadpad dito?A...