Chapter Four: June 21, 2010

8 0 0
                                    

"Ha? Akala ko ba si Khiel 'yung nakita mo dun??? May status up date ka pa sa Facebook na *Had a great night with my date... I was blushing all the way home..* Wag mong sabihin na iniwan mo sa ere si Khiel???" Sabi ni Janna habang naglalakad kami sa mall.

"Eh, hindi naman ako sinipot ng gagong Khiel na 'yan. Mabuti nga nandun si Migo at hindi ako napa-nganga doon sa isang sulok."

"Hello? Ilang beses din nagtext si Khiel sa akin, nasaan ka na daw???? Grabe kang babae ka.. Hindi ka man lang nakisama sa usapan?" Kinuha niya 'yung phone niya sa bulsa ng bag niya at pinakita niya sa akin lahat ng text ni Khiel.

"Wala naman siya dun, baka sa ibang cafe siya napunta? Anyway, hindi na ako interesado kay Khiel.. Paki-sabi sa kanya na wag na lang?"

"Hay, alam mo, si Khiel, matinong lalake 'to. Hindi 'to kanto-kanto, at higit sa lahat kilala ko na 'to."

I shook my head. "Ano ba? Eh, ayaw ko na talaga.."

"Dahil ba dun sa Migo na 'yun?"

I blushed. Naalala ko siya.. Sobrang gentleman niya talaga, tapos talented na nga gwapo pa.

"Oo."

"I knew it."

Pumasok kami sa loob ng isang novelty shop. Mahilig kasi si Janna sa mga vintage na kung anu-ano.

"Eh, ano ba 'yang Migo na 'yan???? Ha? Matinong tao ba 'yan? Baka naman mukhang basagulerong may tattoo yan? Baka naman mukhang ex-con 'yan??" Continuation ng pag-talak niya.

Teka...... Parang si Migo yata 'yung nasa labas ng shop ha?

"Ano nga 'yun ulit? Vocalist???"

Nang napansin niya na hindi na ako nakikinig biglang kinurot niya ako. "Araaaaaaaaaaaaaaaaaaay!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Ang lakas ng sigaw ko, pati yung nasa labas ng shop, napatingin sa akin.

"Anukaba? Janna? Iskandalosa ka rin ano?" Sabi ko sa kanya habang namumula na ako sa sobrang hiya.

"Kasi naman, kinakausap kita tas kung saan-saan ka nakatingin. Hindi ka naman yata nakikinig eh."

"Hindi talaga.. Teka lang may nakita lang ako sa labas." Tapos iniwan ko na siya at tumakbo na ako palabas ng shop.

Hinahanap ko si Migo. Nakita ko siyang sumakay ng escalator, kaya dun naman ako pumunta, kaso lang, pababa na siya nung paakyat naman yung escalator na sinasakyan ko. Kaya tumakbo ako pababa, kaya paakyat yung takbo ng escalator. Ang daming nagalit sa akin! >_<

"Migo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Sigaw ko nung makakababa na ako sa escalator, kaso lang may bata na tumulak sa akin nadapa tuloy ako!

Hay.... Nakakahiya. Parang ayoko nang tumayo sa sobrang hiya. T_____T Hindi na ako lalabas ng bahay o pupunta sa mall na 'to kahit kailan! Baka mamaya kunin ni Marc Logan yung CCTV tapes ng mall na to tapos bigla ko na lang makita yung sarili ko na napapahiya sa TV Patrol.

"Miss? Okay ka lang ba?"

Teka? Parang boses yun ni Migo???? At pag-tingin ko, hayyyyyyyyy.... SI MIGO NGA. *_*

Ano? Eh di, napahiya ako. Nakita niya ako ditong nakadapa, tapos ang dungis-dungis kasi takbo ako ng takbo kanina, nagpaligid-ligid din ako sa sahig, kaya ang dumi ng damit ko. Sana pala hindi ko na lang siya hinabol.

Tinulungan niya akong tumayo, tapos sa sobrang hiya ko naman, nakayuko lang ako.

"Oh? Lily? Ikaw pala yan!" Tapos bigla niya akong niyakap.

Grabe! Kinilig naman ako dun. Pero in fairness ha? Ang bango niya pala! (TAPOS AKO AMOY PAWIS? YUCK!)

"Hoy!" Tinulak ni Janna si Migo!

Sayang! Yakap-yakap na sana ako kaso lang biglang sumulpot si Janna!

Kahit kailan talaga yung bestfriend kong to, panira ng moment!!!!!!!!! @_@ Basag-trip talaga.

"Hoy! Ikaw! Kung sino ka man na maligno ka, lubayan mo tong bestfriend ko kung ayaw mong ipahuli kita sa security!!!!" Sa lakas ng boses ni Janna dinumog kami ng mga tao, may nagvivideo pa yata. T_T Susme, baka nga talaga TV Patrol ang bagsak namin.

"Teka... - -" Lalapit sana sa amin si Migo kaso biglang pinaghahampas ni Janna ng bag niya.

"Wag kang lalapit!" Sabi niya.

"Teka nga lang!!!!" Parang naasar si Migo. "Wala naman akong ginagawang masama! Pero sorry...."

"Sorry mo, mukha mo! Hindi ko nga pinapadapuan ng langaw tong bespren ko, tapos ikaw kung maka-hug, wagas-wagasan? Pektusan kaya kita diyan?"

Nakakahiya na talaga, feeling ko lahat ng tao sa mall, nakapaligid na sa amin.

"Janna... Manahimik ka na.... Please? Wala naman talaga siyang ginagawang masama eh.. Yan si Migo.. Yung kinu-kwento ko sayo." Bulong ko kay Janna.

Tapos tawa ng tawa si Janna na parang baliw na ewan. T_T "Ay? Sorry ha? Akala ko naman kasi hinaharass mo tong bestfriend ko."

Nawala na yung tao. Poof! Biglang iniwan nila kami sa ere. Siguro narealize nila na walang kakwenta-kwenta tong ginagawa.

Ewan, pero, parang gago din to si Migo... Naki-laugh trip din kasi siya. *__* Ang weirdo naman ng mga taong kilala ko.

"Okay lang yun. It's nice to know that Lily has protective friends."

Napatigil tuloy si Janna sa katatawa. "Ano ulit sabi mo?"

"Ang sabi ko, it's nice to know that Lily has protective friends."

"Ano? Lily? Kilala mo ba talaga tong babaeng to?" Tinuro ako ni Janna.

Hay, parang gusto ko na lang mag-collapse kaysa pagdaanan ko to.

"Janna! Lily kasi tawag sa akin ni Migo.." Pabulong kong sinabi.

"Ha?!" Tiningnan niya si Migo na parang nanlilisik yung mga mata niya. "Agad-agad may nickname ka na??? Ano yan?"

Pero, instead na magalit si Migo, tumawa siya tapos nag-sorry pa. "Ay? Pasensya na ha? Bagay kasi sa kanya."

"Ah? Whatever." Sabi ni Janna tapos hinigpitan niya yung hawak sa kamay ko para hindi ako makapalag habang naglalakad na kami pa-alis.

"Teka??? Janna?"

"Walang teka-teka. AALIS NA TAYO!" Sigaw niya sabay tingin kay Migo. "Sabi ng parents natin "don't talk to strangers"."

"Gaga!" Hinatak ko yung kamay ko tapos naglakad papunta kay Migo.

"Hoy! Leony, pag ikaw hindi bumalik dito sa bilang ng tatlo iiwan talaga kita! Hindi na kita bespren! Isa... Dalawa.. Tatlo."

>__< Bahala na!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Break-Up StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon