My Everything (Love is Love)

2.3K 63 26
                                    

This is based on our true love story. (Justin Danganan & Ivan Gale Ramos)

Ako nga pala si Justin 17yrs old from pampanga, pangalawa sa tatlong magkakapatid and i came from a broken family. My mom and dad is separated siguro dahil nasa ibang bansa ang dad ko kaya naghanap ng iba ang mom ko at ngayon ay may family na siya kaya nagkaron ako ng step brother. Mahirap at magulo ang naging sitwasyon ng family namen so they decided na lumipat kame sa aming lola hanggang ngayon dito padin kame sa lola namin. I grew up na di nakakasama yung father ko, simpleng tao lang naman ako as i grew up i had those puppy love, girlfriends, crushes but right now i have my very loving boyfriend si Ivan he's 18 from quezon province pangalawa din siya sa tatlong magkakapatid and he grew up with his family, and he also had girlfriends etc., he is now taking 2nd yr BSHRM at SACLI Lucena city. Ang storya namen ay tungkol sa kung paano kame nagkakilala kung pano naging kame and how we speak out to public at sa mga pamilya at kamag-anak namin....

Taong 2013 si Ivan ay isang estudyante pa ng HRM sa FEU manila nung makilala niya si Justin dahil sa facebook lamang. Mula nung makilala niya ito sa fb ay lagi na nitong kausap si Justin na nagpapakilalang taga samar at sinabi umanong kapatid ng kaibigan ni ivan na itago na natin sa pangalang keb, lumipas ang ilang buwan ay mas naging close pa sila at napalapit ang loob nila sa isat isa at nagpapahiwatig na si Justin kay Ivan na may gusto siya sa kanya, at niligawan niya ito. Di tumagal ay sinagot din ni Ivan si Justin dahil sa napamahal na rin siya sakanya. Nangako sila sa isat isa na balang araw magkikita sila, na magmamahalan sila ng totoo, na hindi sila magiiwanan. Ngunit hindi alam ni ivan na lahat ng ito ay kasinungalingan at gawa gawa lang ng kaibigan niyang si keb. Walong buwan na silang magkasintahan at dipa rin sila nagkikita at dahil sa pangako nila sa isat isa na magkikita ay nagipon si Ivan para sa pagkikita nila ni Justin. Sa walong buwan na yun ay umabot sa puntong iniiyakan na ni Ivan ang mga litrato ni Justin dahil sobrang gusto na niya ito makita. Naging loyal ito kay Justin at tinupad ang pangakong di maghahanap ng iba. Hanggang sa nagdesisyon si keb na kaibigan din ni Justin na isama si Ivan sa Pampanga at sinabing magkikita na sila. Ngunit ang sinabi ni keb kay Ivan ay kailngang magkunwaring hndi kilala ni Ivan si Justin dahil daw hindi alam ng mga kaibigan niya sa pampanga na ganun siya, at sinabi din ni keb na pinsan niya si Ivan at kung ano ano pang pagpapakkot ang ginawa niya kay Ivan at sa mga kaibigan ni Justin. Sobrang saya ni Ivan dahil ang nasa isip niya ay gustong gusto na niyang makita at makasama si Justin, pagkat di niya alam na ang karelasyon niya ay isa poser at ang gumagamit ay si keb. Ako naman ang tunay na Justin ay wala kaalam alam na ganun na pala ang nangyayari, na ginagamit pala ng tinuturing kong tunay na kaibigan ang pagkatao ko para manloko ng iba. Hanggang nakadating na si keb at Ivan sa pampanga, at nag sama sama ang tropa inuman. Unang kita ko kay ivan ay naattract ako saknya wala akong idea na siya pala ay sobrang saya dahil nakita na niya ko finally, ngunit di siya pwedeng magpahalata dahil usapan nila ni keb ay di pwedeng magpahalata dahil din daw alam ng tropa ang pagkatao ni Justin. Nagumpisa na ang inuman buo ang tropa, pinakilala samin ni keb si Ivan bilang pinsan niya. Kwentuhan, bonding, tawanan habang nagiinuman. Lumabas kameng dalawa ng kuya ko na si Patrick upa magpunta sa tindahan at biglang sumunod si Ivan samin at sinabi samin ng kuya ko na magkamukha daw kame at sabi ko naman, syempre kuya ko siya. Di makapaniwala si Ivan at nagsimula ng Magtanong tanong tungkol sa buhay ko. Nung oras na yun ay wala kaming ideya kung bakit siya tanong ng tanong at para di makapaniwala sa mga sinasabi namin. Bumalik na kme sa inuman, patapos na kame at biglang nagusap si keb at si Ivan sa labas, napansin namin na tila nagaaway sila at biglang umiyak si Ivan. Nagtanong kame kung anong nangyari sakanila at kung bakit umiiyak si Ivan, sabi naman ni troy ay napagalitan daw kasi si Ivan at pinapauwi na siya sa province nila at madaming pang sinabing pagpapalusot si keb upang makauwi na sila noong gabing yun. Noong gabing yun ay may binigay na bracelet sakin si Ivan, at wala akong kaalam alam kung bakit niya yung binigay bago sila lumuwas pauwi. Nagkaroon kame ng komunikasyon kay Ivan pagkatapos ng pagkikilala namen at sinabi niyang wag pagkatiwalaan si Keb dahil nga daw niloko niya ito, ito yung mga panahon na sobrang gulo ng lahat di namin alam kung kanino kame maniniwala kay Keb ba o kay Ivan. Hanggang sa nagapag connecta namin mga pangyayari kung bakit tanong ng tanong si Ivan sakin, kung bakit niya ko binigyan ng bracelet, kung bakit may nakita akong ivan_justin16 sa dota sa pc ni keb. Simula noon ay nalaman namin na niloko at pinaikot kame ng isang kaibigan namin, sobrang sakit nung para kay Ivan dahil sobrang mahal na niya si Justin na poser pala. Umabot sa pinagtangkaang ipapahiya ni keb si Ivan sa school, pinagsusuntok at hinabol sa computer shop hanggang sa jeep. Naging dahilan ito ng di pagpapatuloy sa pagpasok ni ivan dala ng emosyon at takot sa pagtatangka ni keb. Di natapos ni ivan and pagaaral niya, simula nun ay nawalan na din kami ng communication para din matahimik na ang lahat...

2014 lumipat sa bagong eskwelahan si Ivan at inulit ang kanyang unang taon sa kolehiyo sa parehong kurso. October noon ay nagkaron kami ng communication sa facebook at text, naging interesado ako sa kanya tungkol sa experience niya at sa kanya pag pagkatao. Napalapit kami sa isat isa sinigurado niya na ako nga ang tunay na Justin at sa parehong month ay nagkita rin kami sobrang saya niya, mas naging interesado ako saknya. Naging sobrang lambing niya sakin sobrang sweet sa maiksing panahon na yun, napakasarap sa pakiramdam. Lumipas ang ilang araw ay lumuwas na siya pauwi dahil meron siyang pasok. Mas naging sweet kame sa isat isa, mas napadalasan ang paguusap namin at text. Novermber tinanong niya ko kung okay lang na manligaw siya, sobrang kinikilig ako nun dahil first time ko yun. Kahit na same sex relationship ay formal parin, hanggang napapamahal nako sa kanya minamahal ko na lahat saknya lahat ng ginagawa niya. Sumagi sa isip ko na mahirap tong papasukin ko, dahil unang una same sex relationship at isa pa long distance kame sa isat isa. Pero diko na inisip yun dahil pag mahal mo ang isang tao, di importante kung anong meron siya, kung ano siya, kung sino siya, kung ilang taon na siya, at kung gaano man siya kalayo. Lumilipas ang mga araw, kinikilala namin ang isat isa. After few months... January 4, 2015 eto ang pinakamasayang araw sa buhay ko, noong gabing yun nasa isang pool party kame sa pampanga kasama ang mga kaibigan namin. Biglang nag play ang Thinking out loud ni ed sheeran, biglang lumuhod sa harapan ko si Ivan at sinabing "Will you be my Boyfriend?" Ang sagot ko naman ay "yes" Napaka priceless ng moment na yun sobrang saya dun nagsimula ang commitment namin, ang buhay naming magkasama, ang pangako namin sa isa't isa...

Ngayong 3 months nakame and were still counting and hoping for many more months and years to come para samin. Sa loob ng tatlong buwan ay naging legal kami sa mga parents, friends, relatives, facebook friends both side. Dahil sa mahal namin ang isat isa, at dahil sa proud kame sa isat isa. Sobrang sarap sa feeling ng totoo kayo at di niyo kailangan magpretend sa iba. What is important is you must be happy and enjoy every moment. Sobrang saya at sobrang thankful ko kay lord dahil na oovercome natin mga pagsubok, blessed padin kame, still together, and you passed you first year im so proud of you! Sa lahat ng mga achievements natin sa buhay. Salamat din god sa pagturo samin sa mga tamang desisyon at mga tamang gawin. Thanks you thank you! Ps this is my first story in wattpad sorry if may mali or what. Just comment for any suggestions!

❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️
Follow us on facebook/twitter/instagram
www.fb.com/jstndc | @justindanganan_
www.fb.com/batman1600 | @ivanramos__

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Everything ❤️ (Love is Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon