00

5 0 0
                                    


"Good Morning!" I sent him the message as well as a GIF.

"Suchi is having her 4th baby. She's a sexy d*mn ass." Referring to the succulent plant he gave. Tumutubo ang mga babies niya palibot sa kanya.

"I rang widowed Sandra's doorbell at Mabini Street earlier." I sent him a picture of Mrs. Sandra holding a broomstick over her head.

"Naalala mo n'ung nilagang kamote 'yung binabato niya sa atin? Tapos busog tayong papasok sa school n'un during our elem days."

"Look what I got inside my treasure bag." I sent him a picture again.

"A soju slipped into my shirt at our favorite convenience store."

"Yung bagong cashier d'un bigla-bigla na lang magshi-share ng cringey sexcapade stories niya."

"Lol he thought he was so charismatic. Eww."

"I did not stole it. It looks so lonely like it wanted to come with me. Aampunin ko lang."

"Good night. Rest well."

I scrolled down my 99+ unread messages.

I began composing another message... then deleted it.

I typed it again... but I wasn't brave enough to click the send button.

*******

February 14. Araw ng mga Puso. Bulaklak at tsokolate dapat ang hawak ko ngayon. Pero bumili ako ng tatlong puting kandila at bagong Fuego match stick sa tindahan ni Aling Osang. Napaka-effort ko para ipagtirik lang siya ng kandila sa desk niya.

At ang nakakabanas pa rito ay nahuli ako ng mga SSC members at ipinasok sa isang kwarto. Jail booth siguro, hays.

Nakaupo ako ngayon habang may isang digital camera na nakaharap sa akin.

"Hoy, ano 'to? Ayos kayo ha. Ipinagtanggol nila Jose Rizal ang Pilipinas nang libre. Pero kayo lang ang naniningil ng kalayaan. Osya, magkano ba at nang makalabas na'ko?"

"Hoy ka rin Rei, hindi kami maniningil. Magtatanong lang kami basta huwag mo gagag*hin sagot mo ha", sabi ni Even. Pasalamat siya kaibigan ko siya.

Someone signaled that the camera began rolling.

"May idea ka ba kung bakit ka nandito?"

"Ano 'to, uhm, quantitative collection of data kung gaano karaming percentage ang mga single ngayong Valentine's day?" Umiling sila.

"Hindi? Uhm, kung gaano karaming mga babae ang magre-regalo ng v-card ngayong Valentine's day?" Umiling uli sila.

"Pucha hindi rin? Ito, I'll use the clue card."

"What are the things that you are afraid to voice out?"

"Is that a one-million dollar question?" Natatawa silang tumango.

"Hindi ba dapat may choices? Ang hina niyo naman pala pumick-up."

"It is based on your opinion, Rei. Kahit ngayon lang, it is about you and your thoughts. The rest could f*ck themselves", sabing muli ni Even. Napangiti ako sa kanya.

"Teka, ito ba 'yung Confession Files keme na nakikita ko sa News Feed ko?" Tumango sila. Sikat na sikat iyong page nila. Hanep, dito lang pala sila sa Maluxrill University naglalagi.

"Anong pangalan mo?"

"Reina. Reina Esguerra."

"Uhm, tell us more about yourself."

"Eighteen years old. Extroverted introvert. Mahilig sa lalaking red flag. Ay, bago pala tayo magkalimutan. Ito business card ng tropa ko. Nagbi-benta siya ng mga artworks niya for financial support." I handed them a copy each.

"Okay next, may crush ka ba?"

"Hindi ko lang siya basta naging crush."

"So naging kayo?"
Napaisip ako. Naging kami ba? Niligawan niya ba talaga ako o nilandi lang?

"Almost... So I guess he's my ex-something?", I saw them gasped.

"Paano mo siya ide-describe?"

"Hmm, isa siyang anghel. Anghel na nakadikit sa bote ng gin. Nakakasama sa atay, sa puso, at sa balun-balunan. Pero higit sa lahat, lagi ko pa ring hinahanap-hanap." They laughed. Luh, seryoso ako.

"Anong nagustuhan mo sa kanya?"

"Ang hirap i-explain. Pero siguro dahil isa siyang tank user sa Mobile Legends. Three-point shooter sa basketball. Nagbabasa ng Bible at isa siyang higad na may salamin. In short, siya ay... siya."

"Ano 'yung memory with him na hindi mo makakalimutan?"

"Yung time na kinantahan niya ako. Grow Old with You." They smiled and I did too... while I felt my eyes sting as my heart bear an immesureable pain.

"The same night he lied." I added. Lumungkot iyong mukha nila.

"May gusto ka bang sabihin sa kanya ngayon?"

Ano nga ba?

It might be the littlest and the most trivial things I wish I did.

Or the words that died into my mouth.

It could be the moments that I should have took one step closer.

"I still think about you. Talk about you. Curse about you between soju and regrets... Dale."

White RegretsWhere stories live. Discover now