Motibo: Alamin kung mafa-fall sayo

0 0 0
                                    

"Bakla, ano tingin mo sa mga lalaki, ginayuma ng mga witch sa Harry Potter para pansinin yang alindog mo?" sabay tawa ni Maryan. "Hoy wag kang mag-ilusyon dyan. Stay cool ka lang. Bilyong tao sa buong mundo noh, di ka pa mauubusan." Napahinto siya. Napapaisip pa kung ano pwede nyang mai-comment sa nais kong gawin. Naka video call lang kami. At sa halos dalawang oras naming pagvivideo call, eh hindi siya nadidistract sa pag-aaral niya. Bilib na talaga ako sa kanya.
"Teka lang nag-aaral ka pa ba? Tignan mo mag dadalawang oras na tayong nag-uusap, at ilang libo ng payo sinabi mo, baka sisihin mo bukas sa exam mo kapag bumagsak ka ah."
"Ngayon mo lang nalaman?" napa piksi siya. "E ikaw anong balak mo? Kelan ka gagraduate niyan? Alam ba ng nanay mo na madedelay ka?"
"Hmm teka teka sige ba-bye na!" agad kong pinatay yung tawag. Sa tuwing nababanggit niya yun natataranta ako. Hindi ko alam pano ko ipapaliwanag kay Nanay na hindi ako gagraduate sa taon na inaasahan niya. Hayy Irish pati sa pag-aaral ang malas malas mo! Napabuntong hininga ako. Hindi pwede to. Napahiga ako sa kama ko. At tuluyan ng natulog. Gusto kong palipasan muna lahat. sa Gusto ko munang mag-isip ng mga gagawin ko sa buhay. Hindi pwedeng hanggang ganito nalang ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What is true love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon