Ikatatlumpung Yugto: Redemption

32 1 0
                                    

        ...Hindi ko pa kayang mapatawad si Sam. Ang alam ko kailangan ko siyang tulungan. Ayokong makakita ng mga taong tinatapon lang nila ang kinabukasan nila. Kinausap ko ang M6 sabi nila ayaw magpadala sa ospital ni Sam kaya naman nagresearch pa kami tungkol sa pagdedetoxify ng mga nalango sa marijuana. Hindi alam ng S6 na pinupuntahan ko si Sam. It is already the third day since I secretly help him flush out the toxins from his body. Tinulungan ko rin siyang makacatch up sa academics kasi maaari siyang matanggal sa team kapag nagkataon. Mukha namang effective ang ginagawa namin sa kanya kasi hindi na siya bangag. Though until now may barrier pa rin sa pagitan namin. I don't want to let my guard down.

Sam's POV

        Kasabay ko siyang nagdidinner. Masaya ako dahil kahit sa mga ganitong pagkakataon nagkakasama kami. "Th-thank you." kinakabahang sabi ko sa kanya. Ito ang mga unang salitang nasabi ko sa kanya since nung una niya akong tinulungan. Ngumiti siya sa akin ng pagkatamis-tamis. Halatang sincere ang ngiti niya. Totoo nga sabi nila. She is too perfect. Diba dapat galit siya sa akin ngayon? "Celest, you don't have to do this anymore. Alam kong pabigat na ako sa iyo. And after all ng ginawa ko sa iyo I know wala akong karapatang humingi pa ng kahit anong pabor sa iyo." mahina kong sinabi. "I wanted to do this. Both of us were clouded with revenge and ego kaya naman walang nangyari sa atin. Kahit man lang pagkakaibigan we didn't consider it as an option. Kaya naman nagkasira tayo. We were never honest as well. Pero ngayon, I wanted to. I sincerely want to help you. " sagot niya habang inaayos ang mga libro niya. "Bakit, Celest?" tanong ko ulit sa kanya. "Ang kulit mo pa rin Sam. Paulit-ulit ka ah." sita niya. "I don't deserve ang compassion from you. After what I did. I don't even deserve to even stay with you in one place. Sobra-sobra na ito, Celest." sabi ko. "So, ano gusto mo mangyari Samuel? Is this your subtle way of saying na ayaw mo sa akin? Na hindi mo gusto akong nandito?" sabi niya na parang may bitterness. Totoo ko bang naririnig ito sa kanya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at itinayo siya sa pagkaka-upo niya sa lapag. Tinitigan ko siya. Agad naman niyang iniwas ang kanyang mga mata sa akin. Niyakap ko na lang siya. Napakaswerte ko naman para magkaroon ng isang tulad niya.

        ...Nabigla ako sa ginawa ni Sam. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Pero I need to hold my wall. Hindi ako dapat madala sa kanyang yakap. Niyakap ko na lang siya bilang assurance na nandito lang ako para sa kanya. "Nandito ako bilang kaibigan Sam. You can lean on me." sabi ko habang hinihimas ang likod niya tanda ng aking pag-aalala. "Hayaan mo hindi ko sasayangin ang tulong na binigay mo sa akin. Aayusin ko na buhay ko." sagot naman niya. "Yan ganyan nga Sam."

Sam's POV

        I want her so bad. Ganito ba ang pakiramdam ng nagmamahal? Syet naman oh. Bakit sa kanya? Well, bakit hindi she is perfect? Yun na nga un diba, perfect siya. Di siya puwede sa iyo. Yan ang naglalaro sa isipan ko ngayon. I can't get her out of my system. Para rin siyang marijuana eh. Ang masama mukhang walang paraan para madetoxify ako sa kanya. Ayoko naman tumingin sa ibang babae wala na kasi akong gana. Ana Celeste David, anong ginawa mo sa akin?

Wow! 1K reads! Thanks much! Btw, please also read my other story. At nga pala, uumpisahan ko na ang kuwento ni Seth ng M6. Like if I will still pursue... Kailangan lang ng inspirasyon.


The Perfect Girl for the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon