Chapter 34

208 7 1
                                    

For more than a month we stayed in Miami, tapos sa natirang two weeks pinuntahan namin yung nabili niyang property. Maluwang naman, I even daydreamed of spending a whole year with just staying there, and letting the cold breeze and crashing sound of waves cleanse my soul.


"May grades na sa portal," bigla kong sinabi. "Damn, yung surgery grade natin."


"Why?"


"Naka-eighty six tayo," halos hindi ako makapaniwala kasi halos inayakan ko na yun ng isang taon. I checked our GC, pati pala mga kabarkada ko hindi din makapaniwala.


"Taas ni Gerard at Louise," nakangiti akong pinakita yung grades nung dalawa. "Naka-ninety three sila, mga halimaw."


"Malay mo sa Surgery 2 next sem maging ganyan grades natin."


My gaze met his. "Kapag ganyan na grade ko baka hindi na ako natutulog."


He chuckled. "Malay mo naman, are we aiming to get a laude?"


"Malabo ata, mababa yung Biochem natin last year, okay na kahit wala."


"Galingan na lang natin sa boards?" sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko.


Sa start ng third year, yung mga department head kilala na namin.


"Ano mga subjects ngayon?"


"Pedia 2, med 2, surgery 2, neuro 2, may legal med pala tayo," sagot ko. "Tska yung otorhino."


"Research?"


"Yeah, continuation lang," dagdag ko. "Nagawa ko na yung sched natin."


"Okay," his voice was low. "Saang trans team tayo?"


"Saan mo ba gusto? Open pa halos eh, or sama na lang tayo kay Dom ulit?"


"Pwede rin, saan ba siya?"


"Neuro ata," sabi ko. "Wait check ko yung spreadsheet, oo Neuro siya."


"Doon na lang tayo, mas strict si Louisse sa trans eh, kay Dom chill lang."


"Agreed," I laughed. "Grabe isang taon na lang clerk na tayo."


"Yeah, ang bilis lang pala," sumang-ayon siya.


"Akala ko domestic lang bakasyon ninyo? Bakit nakarating kayo ng Miami," biglang usisa ni Chloe noong nag-abutan kami ng mga pasalubong.


"Supposedly, pero parents namin sumagot so pumunta na lang kami," tugon ko. "How's your Europe trip?"


"Okay naman, dapat sumunod na lang kayo eh," sabi niya. "Nag-enjoy ba naman kayo?"


"Oo naman," sabi ko.


"Halata, blooming ka eh," may ibang kahulugan yung tingin niya. "Iba din galawan ng Jake Justine ah."


"Shut up," I giggled when she tried to tickle my side. "Tama na. Eh, bakit nga pala kayo sumunod ni Dom sa dalawa? Akala ko ba dito ka lang sa tabi ni Kuya Chester?"


"I got bored, lagi din naman siyang nakaduty," malamyang sagot niya.


Similar with last year's hustle, naging mas mahirap yung third year. It was indeed the tired year of med school. Kaliwa't-kanan yung mga case discussions, halos araw-araw na mga quizzes at exams na dalawa o tatlo pa sa isang araw.


"May SGD ka?" tanong ni Justine noong  nabutan niya akong nakatunganga sa harap ng laptop ko.


"Yeah, sa Wednesday, ikaw ba meron ngayong week?"


The Pledge Between Us✨ [MED SERIES #9] COMPLETEDWhere stories live. Discover now