Chapter 7

623 49 6
                                    

Hunter's POV

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko, may lumabas na isang mensahe galing kay Hacker. May sinend s'yang litrato ng isang buong pamilya. Isa itong family photo kung tatawagin. Muka silang normal na magkapamilya, pero nang mabuksan ko yung file na nasa ibaba ng litrato ay mali pala ang tingin ko sa kanila.

Lumabas ako at tulad ng inaasahan ay nagkumpulan na sila sa isang lamesa, nakisali na'ko sa kanila.

"Madami-dami 'to ah," natatawang sabi ni Boss. Hawak n'ya ang isang tablet na mukang naglalaman ng inpormasyon tungkol sa pamilya.

"A whole family," sabat ni Silencer. Matalas ang tingin n'ya sa cellphone n'ya habang nilalaro ang dagger. Mukang handa na s'ya kahit hindi pa nagsisimulan ang pagsalakay namin.

Isang pamilya ng mga psychopaths. Walang nakakaalam nang kalagayan ng pamilya na'to. Basa sa impormasyong binigay ni Hacker ay pinapatay nila agad ang mga taong may nalalaman sa kalagayan nila. Sa mahabang panahon ay namuhay silang may sakit, kumikitil ng mga inosenteng buhay at walang sino mang nakakaalam nang ginagawa nila.

Ngayong araw ay walang nag-request samin. Wala mang nag-request ay kikilos pa rin ang grupo ng Midnight Hunters sa gabi, kahit wala non ay sila mismo ang maghahanap ng kanilang target. Napatingin ako isa isa sakanila, mga uhaw sa dugo, parang nakikita ko ang kulay pula sa mga mata nila.

Nakakatakot ang grupo na'to, pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit gustong-gusto ko manatili. Siguro ay matagal na'kong naging mabait, matagal kong tiniis ang pang-aapi ng mga mas mataas sakin/samin. Sa buong buhay ko ay madaming beses na'kong nagmakaawa, pero walang nangyari.

Nasa isang sulok na'ko para linisin ang pana ko, may bahid ito ng dugo kahit hindi ko naman ito masyadong nagamit. Sa sobrang talsik siguro ng dugo kung saan ay nalagyan ang pana ko.

Habang naglilinis ay nakita ko si Biker na papalapit sakin. Umupo s'ya sa tabi ko. "May susuotin kana?" tanong n'ya sakin. Binaba ko ang pana ko na tapos ko ng linisin.

Humarap ako sakanya ng may pagtataka. "Susuotin?" pag-uulit ko.

"Yup, a gown," sabi n'ya na may tuwa sa mga mata. "Kailangan mag gown?" takang tanong ko. Tumango s'ya.

"Didn't you know? We're attending a masquerade ball," tuwa n'yang sabi. Alam kong may masquerade ball, pero hindi ko alam na literal sa a-attend talaga kami. At mag ga-gown pa?

"Hindi ko alam na may kailangan palang suotin," pag-amin ko.

"There's a lot of people out there and the lights are still on. We have to blend in with the crowd," paliwanag n'ya. Naintindihana ko na, siguradong magkakagulo pag nagpakita kaming nakaitim sa party.

"Wala pa'kong pwedeng isuot." Sarili ko lang naman ang dala ko nung dumating ako dito.

Ngumiti s'ya. "I knew you'll say that, let's buy you a gown and a pair of shoes." Tumayo agad si Biker, nauna na s'yang mag-ayos para sa pag-alis namin.

Para akong nabingi sa sinabi n'ya. Ako? Magsu-suot ng gown? Kahit alam kong hindi kami magsasaya sa party na 'yon ay nakaramdam ako ng tuwa. Nilagay ko sa lalagyan ang pana ko at masayang sumabay kay Biker.

Nasa store na kami ng puro gown, sa gilid din ay may mga takong na sapatos. Napanganga nalang ako sa ganda ng kulay at disenyo. Grabe rin ang linis ng paligid, halatang dinala ako ni Biker sa isang mamahaling store.

"Pwede naman siguro sa tabi tabi lang. Bakit dito mo pa'ko dinala?" sabi ko kay Biker. "Mayayaman ang mga a-attend sa ball, we better look our best and execute them with style." Medyo natawa ako sa arte ng pagkakasabi n'ya.

Midnight Hunters (Completed) (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon