Chapter 4: Magia Academy

93 2 0
                                    



ALAM kong wala na akong magawa sa pagkamatay ng aking ama. I wanted to bring justice, lalong-lalo na kela Lolo na hanggang ngayon siguro ay nagluluksa pa sa pagkamatay ni Papa. Posible pa kaya?

I know my father was a good man. Marami lang talaga ang gustong mapabagsak siya. Nasaktan ako sa katotohanang isa na roon si King Atreus.

But hate is such a strong word. At nakakapagod mabuhay ng may poot sa puso. Getting revenge is also a waste of time. What will I gain from doing it?

I mean... just live, Felice. Like what you've promised your father. Always do the right thing and go for what is good. In that way, you can make your father happy and proud with your life.

"Oh, my gosh! Hindi na ako makatulog! Bukas na bukas ay nasa Magia Academy na tayo!"

Napangiti ako nang yakapin ako ni Adelle. I'm excited, too.

Isang taon na rin ang lumipas. We're now seventeen and looking forward for our future together, to be independent.

"I'm still going to be there, Adelle. I'll be busy watching you three." naningkit ang mga mata ni Hero.

"OA mo talaga, kuya!"

"I heard what you did, sneaky girl. May pinapaasa ka na naman!"

Napaalik-ik si Liarea. "Sorna! Kasalanan ko bang maganda ako?"

"Tss! Akala ko ba ayaw mo sa mga playboy? You literally turned into one! A girl version of kuya Hero and his friends!"

"Ouch, baby. I'm not a playboy..." ngumuso si Hero at inakbayan ang nakabunsagot na si Adelle. "Right, Felice?"

I shrugged. I still don't know if he's really a playboy. Pero sa ngayon hindi ko pa siya nasaksihang nagloloko.

"Bully talaga kayong tatlo," aniya. Natawa kami.

Maraming nagbago matapos ang malaking gulong nangyari no'n. Bumibisita pa rin naman ang dating hari at reyna rito sa palasiyo once in a blue moon. Wala na din akong narinig na pang-aalipusta mula sakanila.

Si Hermione naman, she fell in love with the Mortal World. Dun na siya nag-aaral sa kasalukuyan. She's not alone in there dahil kasama niya pa rin si Herald at Tito Alexander. Bumibisita din kami roon sakanila thrice a month at ganoon rin sila rito sa Fireasthrielle. For the record, she still hates me but respects me now. Kontento na rin ako no'n. I don't want to push her, of course.

Hero became one of my bestfriends unexpectedly. Dahil araw-araw ring pumupunta sa Mortal World ang hari at reyna para kitain si Hermione, at abala din sa trabaho rito sa mundo namin, kami parati ang naiiwan rito. Nauumay na nga ako sa mukha nilang tatlo.

Huwag na kayong magtaka kay Liarea, dito talaga siya nakatira.

Nagkamali ako nang isipin kong ayaw sa akin ni Hero, na galit rin siya sa presensiya ko. He said he was just intimidated of me. Hindi nga ako makapaniwala.

"You're just different... with that ice gaze of yours. The first time we met, it tells me you don't give a fuck about us. I was quite annoyed when I realized na kahit anong gawin o sabihin ko, hindi ka basta-basta nasisindak. You remained cold and distant. And I wanted to act cool despite the fact that you intimidate me."

Totoo nga iyong sinabi ni Marie. Hero is a loving and caring brother. Suplado man siya minsan lalo na pag 'di niya close.

"Kuya Hero, kamusta na pala si Ares? Ba't hindi na siya bumibisita rito? At bakit bawal akong bumisita sakanila? Ayaw niya na ba sa akin?" sunod-sunod na tanong ni Adelle.

That Ice GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon