Aking sisimulan ang tula
Sa mga taong dukha
Na kadalasa'y tinatapakan at kinakawawa
Mga taong mapanghusga sa kanilang kapwa,
Minsan, kung sino tuloy itong may pinagaralan
Sila pa itong nagdudungol-dungulan
Kung sino pa tuloy itong hindi nakapasok sa paaralan
Sila pa itong mas nagmumukhang may pinag-aralan.Bakit tila ang hustisya ay para lang sa mayaman?
Ang laging sinisisi ay mga walang laban;
Iniipit sa iba't ibang krimeng hindi naman nila ginawa kailan man.Tumungo tayo sa mga kabataan,
Na pinaniniwalaang pag-asa ng bayan
Ngunit paano iyan mapatutunayan
Kung ang karamihan ay hindi marunong kumilala sa bansang sinilanganO kabataan, paano maisasalba ang ating bayan,
Kung mas tinitingala ninyo ay hindi naman natin kababayan?