Chapter 55: Against the Dark Monsters • Part 2
Jeremy's Point Of View
"Nakita mona ba siya?"
"Sa ganito kakapal na usok sa buong gubat mahirap mahanap ang babaeng yun."
"Shit! Baka natalo nadin siya ng monster kanina pa. Kaya hindi siya mahanap-hanap."
"Don't talk like that, Shadow. You need to calm down."
"Papano ako kakalma! Kapag namatay siya sa dungeon nato ibig sabihin lalabo ang posibilidad na mauuna akong maka log-out sa game at kapag nangyari yun hindi kona ma su surprise visit si Enerie."
"There is still a lot of time and opportunity where you can make this work."
"Well, i don't want to wait for another opportunities other than this because Enerie's anger is getting stronger and stronger by the minute."
The plan is simple. I lu lure namin si Enerie sa dungeon nato at susubukan kong maunang mawala ng hindi naghihinala si Enerie. At kapag nangyari yun malaya akong makaka log-out at mapupuntahan agad si Enerie sa mansion sa tulong nadin ni Excell at ng iba pang tauhan dun habang si Enerie ay matatagalan na i clear ang dungeon na ito.
"Wala na tayong magagawa tungkol dun Shadow." Sabi ni $even sabay nilingon ako. Nakatungtong kaming dalawa ngayon dito sa isang tuktok ng punong kahoy habang pinagmamasdan ang umuusok na ruins ng gubat sa aming paligid ngayon.
Kapag nasa ibaba kami malamang malaki ang risk na madaganan kami ng hindi mabilang na mga Dark Monsters.
"Teka lang. Nakuha moba ang mga items na naiwan ng mga kasamahan nating nawala sa dungeon raid nato?" Gulat kong tanong kay $even but he only shrugged.
"Hindi madaling mahanap ang mga items nila sa ganito kagulong gubat ngayon. Lalo pa at tila hindi humuhupa ang usok sa paligid na para bang may kasama itong mahika na nagpapanatili dito. Pero wag kang mag-alala, hindi naman talaga fully armed ang mga yun ng mamatay sila e. Tinago nila sa storage sa hideout ang mga mahahalaga nilang sandata bago sumabak sa dungeon nato at mga bagong biling espada lang yung mga hawak nila na mukhang nasa level 2 pa. Kaya't wala kang dapat ipag-alala kung sakaling maghirap sila kung sakaling hindi man natin nahanap ang mga items nila dito." Mahabang paliwanag naman nito sakin kaya't napabuntong-hininga nalang ako nang marinig yun.
"Mabuti at pinaghandaan nyo talaga."
"Of course, dahil yung apprentice mo ang nakaisip na gawin namin yun." Sagot pa niya.
"O talaga? Hindi ko inasahan yun a." Si Yeaver talaga. Kakaiba ang batang yun. Bakit kaya niya naisip na gawin yun.
"Ibig sabihin? Hindi yan ang original blades na gamit-gamit mo ngayon, tama ba?"
"Tama ka. Hindi ito ang tunay kong sandata."
Nagtagal pa ang ilang minutong pagmamasid namin sa paligid nang bigla nalang ulit kaming nakarinig ng malakas na sunod-sunod na pagsabog sa kaliwang bahagi namin ngayon. Tila ba'y daan daang granada ang itinanim sa lupa ng magkakahilera dahil ganun na ganun ang nakikita namin ngayon.
"Mukhang nandun si Enerie. At mukhang ligtas pa rin pala siya." Sabay mabilis namang bumaba sa lupa si $even kaya't sinundan ko din siya.
Mabilis naming nilagpasan ang mga tumbang katawan ng kahoy sa dinadaanan namin papunta dun sa nangyaring pagsabog.
"Nakakainis na talaga ang usok nato." Hindi ko maiwasang maireklamo habang tumatakbo pasunod lamang kay $even na sobrang bilis talaga ang takbo.
"May sumusunod satin." Biglang saad ni $even nang nasa harap pa rin ang kaniyang tingin.
BINABASA MO ANG
War Of Ranks Online: Volume 3 [COMPLETED]
FantasyThis book is the Volume 3 edition of my finished story entitled "War Of Rank's Online". Find and read first the volume 1 and 2 is on my profile before proceeding here. The Summer Cup tournament is still not finished and we're already at it's peak so...