Unawa

42 2 0
                                    

Pag-unawa

Isang salitang pinipilit kong magawa

Kadalasang binibigay ko sa iba

Ngunit kalimitan, ako pa ang nagmumukhang masama

Minsan ay gusto ko nang kumawala

Sa mundong tila sila ang parating tama

Maaari bang huminto at tumigil kayo sandali

At subukang pakinggan ang matagal nang itinatago sa aking sarili?

Iniiwasan ko na may ibang sabihin

Mahirap na, baka kung ano pa ang isipin

Mga taong ayaw umintindi

Bakit ganoon, parating iniisip ang sarili

Kahit papaano ako'y nakaramdam ng saya

Bigat sa aking dibdib, ang kaunti ay nawala

Panibagong araw ay muling magsisimula

Matapos nawa ito ng masaya't payapa

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ohkaay. Hahaha pasensiya na, mabigat lang ang dibdib ko. So ito, out of sadness (lol) nagawa ko siya. Hihi ayun share lang! =)))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UnawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon