Lyka’s P.O.V.
KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNGGGGGGG!!!!
Bell na, malapit ng magsimula ang first period ko. Sus Maria naman kasi oh kung hindi lang sana nasiraan yung sinasakyan kong tricycle hindi ako tatakbo na parang kabayo kulang na lang mag-contest kami ni Flash eh.
“Excuse me, Tabi lang po…Excuse..” shit kung kailan pa malapit na akong ma late tsaka pa dumami yung tao sa corridor saan ba tong mga taong to galing? Eh parang may fashion show eh lahat rumarampa.. Ano to may Sagala?? Shocks!!!
BOOOOOOGSHHHHHHH!!!
Kung tinamaan ka nga naman ng malas.. When I look at myself nawindang ako for a moment , natapunan lang naman ako ng chocolate milk in my plain white T-shirt … my day starts with a very inspiring events.
“ Oi! Sorry miss..” banggit nung lalaki halata namang hindi siya sincere sa sobrang inis ko hindi ko na siya tinignan kasi superlate na talaga ako at take note Major ko pa.. I just shouted on him without looking..
“ Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo..” I’m not mean kaya yun lang ang nasabi ko. Shit I’m in front of our room pero nagdadalawang isip akong pumasok kasi alam kong pikon na sa akin yung professor ko.. Pero nung narinig ko yung boses ng teacher ko..
“ Number 5.. What is BLAH BLAH BLAH?”
“ Patay nakalimutan ko may long quiz pala…. No choice.” Bigla kong inopen yung door tapos pagpasok ko lahat ng mga mata nakatingin sa akin.. I think I steal again the spotlight…
“ Oh Miss Lyka ano pang tinatayo-tayo mo dyan we are half way through in our long quiz… Sit Down!!!”
Half way through? Eh number five pa nga lang eh… dali-dali akong umupo sa pinakasulok sa may likuran at naglabas na ng yellow paper.. patay.. lima na ka agad ang na miss ko, ay hindi pala apat lang narinig ko kasi yung question number five. Hehehehe…
“Okay let’s proceed… number 6 this is a BLAH, BLAH , of BLAH?” hay long quiz talaga ang binigay ni mam ang items lang naman eh 150. Shocks!!! Mam exam na to feel ko..
“Okay pass all your paper… And goodbye class…” hay salamat naman umalis din ang kalbaryo.. joke lang of course… meron pang ten minutes na sobra sa time pero bago lumabas si Mam eh bumalik siya parang may nakalimutan i-announce..
“ Oh By the way this so called long quiz will no longer be recorded as quiz…”
Parang na hurt ako dun ha, hidi din pala ire-record nag consume lang kami ng time for nothing..
“ Because it will be recorded as your 2ND EXAM!!!” wow parang mas gusto ko na lang na hindi i-record kaysa i-record sa exam naman. The same feelings yata ang nararamdaman ng mga kaklase ko pero ako. Who cares?? Ahahahaha.. bitter lang?? muntik ko nang makalimutan natapunan pala ako ng chocolate milk, nagtataka lang ako kung hindi ba nila na halata?? When I saw my shirt, ang weird lang tignan nag-form siya ng parang half na heart shape.. Geez.. cute siya tignan pero ang lagkit parin sa katawan huwag lang siyang magpapakita sa akin kung hindi bibigyan ko siya ng flying kick… Ako yata si Lyka Hera Marquez 18 years of age at currently 2nd year student taking BS Tourism Management. Describe myself? Nako kulang lahat ng adjective para ma-desribe ako kaya huwag na lang. pero ang secret talent ko is martial arts, nag-aral ako nun kasi for self defense, dati afford ko pang mag-enroll sa mga other outside activities katulad ng swimming, dancing, singing, drawing at iba pa pero ngayon?? Hindi ko nga alam kung makaka tapos pa ako ng college eh.. buhay nga naman hindi mo alam kung kalian babaliktad ang mundo… makapunta na nga lang sa canteen. My one hour break pa naman eh kasi wala daw yung next teacher namin may faculty meeting daw.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Promise
General FictionAnong gagawin mo kung ang pangako ng nakaraan na matagal mo nang nilimot ay magbalik at humingi ng isang pagkakataon???A Story that will make you laugh and even cry. so please vote... para ituloy ko pa ang storyang ito..