Chapter 35: I Thought You'll Graduate

40 7 6
                                    

Tumikhim lang ako at tinikman ang aking niluluto. Tumingin ako sa labas ng bintana at napaawang ang bibig. Why is she here again? Madilim pa, madaling araw pa lang.

Sinabi ng kamag-anak namin na may-ari nito na ilang araw na siyang nandito sa mga ganitong oras, nakatambay. Food chain kasi itong lugar na ito, katapat pa ang lagoon ng CLSU, kahit sino ay gugustuhin tumambay dito ng madaling araw. Lalo na't malamig ang panahon.

Hininaan ko ang apoy ng aking niluluto at hinayaan ito. Lumabas ako ng kusina at tinabihan si Ester na nakatambay sa isa sa mga table sa labas at naka-sulyap lang sa lagoon.

"Karami mo pang oras ng matulog, ah."

Nilingon niya ako at nagkibit-balikat. "Ayokong matulog, baka hindi na ako magising."

"Mag-pray ka bago matulog, kung natatakot ka na baka hindi ka na magising."

"May ininom kasi ako na gamot na hindi ko malaman, natatakot ako sa side effects. Sa umaga na lang ako nakakatulog, atleast may nakakakita." Tumawa siya nang mahina. "I'm not a suicidal person, you know. But I took that medicine without a purpose, trip ko lang."

I nodded. "I know you are not suicidal. Just pray before you sleep and you can sleep tight."

Ester laughed lightly again. "You are asking me to pray, I don't even know how, to whom, and everything. Mamaya iba pala ang kinakausap ko," biro niya. "Deborah... sa tingin mo may Diyos ba talaga?"

Hindi ako nagsalita at hinintay siya.

"Kung may Diyos kasi, bakit ang hirap ng buhay? Bakit kailangan kong magkumahog sa pera at pagkain? Niloko ako ng mga yun, eh. Dinaan nila ako sa pera at madadamay lang pala ako sa gulo nila. Ako naman itong nangangailangan-- Hindi ko alam, hindi ko alam kung bakit sobrang hirap nang mabuhay, parang wala nang Diyos."

Napalunok ako at napapikit na lang.

"Kasi mas nahihirapan ang mga mayayaman na makapasok sa langit," mahinang sambit ko at tumingin nang diretso sa kanya. "Kung mahirap ka, kinukulang, hindi ka dapat pinanghihinaan."

Nginitian ko siya at ikinibit-balikat lang iyon. "Hindi lang naman sa kaginhawaan mayroong Diyos. He's with you in the midst of your pain, tayo nga ang nawawala sa Kanya kapag masyado tayong pinapalad." Nangalumbaba ako at katulad niya ay tumitig lang sa lagoon. "Ester... you have a beautiful name. Maybe, you're not rich because God wants to be with you."

Napangisi siya at lumingin sa akin. "Deborah is much more beautiful."

"In the Bible, Deborah is a woman who is a judge, while Ester is a queen. We are quite a pair." I laughed.

"Kaya pala bespren tayo."

"Akala ko ba, bespren lang tayo 'pag walang nakakakita?"

"Ewan ko sa'yo."

Tumawa lang ako nang mahina sa naging sagot niya. I don't think she's used on staying awake 'till midnight. Ako ay madaling araw kasi naliligo, nagluluto minsan ng pagkain namin ni Don at gumagayak.

Lalo na dati, second gate pa kasi ang educ sa CLSU at nasa main gate ang dorm namin, nilalakad ko pa, ngayon ay may naghahatid na sa akin.

Nahagip ng aking mata ang tricycle niyang nakaparada sa gilid at napabuntong hininga. She's living a beautiful life, still.

.

.

"Hahatiran mo ba 'ko ng ulam?"

"Sabi mo kasi nasa Munoz ka, kuya."

"Oo, hindi ko alam kung ilang araw kami rito ngayon. Ayaw mo ba, punta na lang ako d'yan?" malakas na utas ni kuya Chris sa kabilang linya, saglit kong inilayo ang telepono sa pandinig ko.

Covenant in the WildernessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon