Sa bawat ngiting sa mukha mo'y nakaguhit,
Bakas ng luha and nakikita sa nakaraang kay pait,
Sino ba naman ako para magpumilit?
Tadhana na nga mismo ang pumipihit.Aking kaibigan ang iyong gusto,
Ngunit nasa iyo ang aking puso,
Hindi sa pakikisabay sa uso,
Maari pa bang mundo mo'y sa akin sumentro?Nais kong ipagtapat and pagibig kong walang katapat,
Ngunit ako'y hindi handa sa latigong sa puso ko ay lalapat,
Kitang kita ko naman sa puso mo na kaibigan ko ang mas mabigat,
Pagamin ko'y udlot na hindi na ako sasatsat.Itatago ko ang aking damdamin,
At sana sa araw na ako'y iyong mapansin,
Mahagkan ka'y hindi ko na nanaiisin,
Sana rin pagdating ng araw na iyon pagsisi ay di natin danasin.___________
ฅ^•ﻌ•^ฅ
BINABASA MO ANG
Compilation Of Unread Poems (Tagalog)
ПоэзияCompilation ng mga tula na na naisipan kong isulat dahil wala lang.