Close, Open, Close, Open

11 0 0
                                    

        When we were younger the first thing our parents teach us is the "CLOSE, OPEN" thing. Sasabihin ng parents natin: close then isasara natin yung palad natin and sasabihin nila open then ibubukas naman natin yung palad natin.  

        Behind this basic thing lies a more complex lesson that our parents are trying to teach us. Sa pagtuturo nila sa atin ng close open na yan, hindi natin namamalayan na tinuturuan pala nila tayo ng basic life lesson which is about HOLDING ON and LETTING GO. 

        Siguro nakakarelate ka ngayon kasi may pinagdadaanan ka. Siguro may Broken Heart Syndrome* ka ngayon because you are torn between holding on and letting go.

        Kung nasasaktan ka na...nahihirapan...umiiyak palagi... nawawalan ng pag-asa, isipin mo: Is it all worth it? Worth it ba umiyak ng 3am dahil lang nasasaktan ka? Or mairereciprocate ba ng taong iniiyakan mo yung effort mo sa pag-iyak? Girl, baka naman nagsasayang ka lang ng body fluids para sa kanya. Why not let go? Baka naman kasi oras na para piliin mo na yung sarili mo. In order fo you to be capable of loving others, love yourself first. Kung ayaw mo naman totally mag-let go just try to REST. Mini let go ang tawag ko dito. Ipahinga mo muna ang sarili mo sa pag-intindi sa ibang tao na kahit kailan ay hindi ka naman inintindi or minsan ka lang maalala. 

        But if you think it's worth it and it's going to work out in the end then go lang. Pero karaniwan ng naghohold-on ay bumibigay din sa huli. I hope when you decide to hold on, maging masaya ka sana at mahanap mo sana yung fulfillment sa paghold-on. 

        It's okay na magtiis pero it's not okay na magpakatanga. You always have a choice. You just have to be brave enough to choose what you deserve rather than what you want. 

        When facing a difficult situation just try to return to the basics. Hold your hand up and say close open, close open. Let go of the things that make you feel bad and hold on to what makes you happy. Simple lang ang buhay wag mong pahirapan ang sarili mo. Close open, close open. 


*Broken Heart Syndrome - http://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/broken-heart-syndrome/basics/definition/con-20034635



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HugotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon