Bakasyon

777 3 4
                                    

BAKASYON

by caDDy

***1***

SUMMER.

Napagpasyahan ng mga magkakaibigan na magbakasyon sa ancestral house nina Leigh sa Baguio City kasama ang buong barkada. Eksaktong April yun, mainit ang panahon, kung kaya sa baguio nila napiling magstay.

"o ano guys, ready na ba kayo sa baguio trip natin?" masayang tanong ni Leigh sa mga kaibigan niya.

"oo naman! Excited na ako! First time kong aakyat ng baguio eh!" eksaheradong sabi ni Arianne.

"nasaan ba ang ate at pinsan mo?" tanong ni Caddy.

"teka nga at ng matawagan." Sagot ni Arianne.

Kriiinggggggg.

krrriiiingggggg..

krrrrriiiinnnggggg...

"potek, bat wala yatang sumasagot."

"he-hello? oi nasan na ba kayo? susunduin na tayo ni Jeff dito sa meeting place natin! Kasama ko na si Leigh at Caddy, naku kayo talaga!" kausap ni Arianne ang pinsan niya, si Lesley.

Half-filipina, half-japanese ang mga magpipinsan. Si Leigh naman ay may pagka spanish.

Ilang minuto pa ay sabay sabay na dumating ang tatlo.

Si Jeff lulan ng kanyang sasakyan at sina Shimizu at Lesley.

"Ready na ba kayo sa baguio trip natin guys?" excited na tanong ni Jeff, na nagpapacute pa sa harapan ng mga babae.

Sila ang mga magbabarkada, bukod sa iba-iba ang kanilang eskwelahan, kurso at mga trip sa buhay, may mga napagkakasunduan naman silang gawin. At iyon ay ang kumain haha joke lang, iyon ay ang magbakasyon at gumala, ayaw nila na nabobore sila ayaw nilang nakukulong lang sila sa mga bahay-bahay nila. Bukod pa doon ay may bagay silang kinahihiligan talaga.

***

Si Leigh.

isang free-lance print ad and ramp model. Nature lover, workaholic and a superfriend, siya ang pinakamaaasahan sa grupo. Siya Ang pinakamatapang sa mga babae, partner in crime nya si Cad, kung nasaan si Leigh dun ang lahat. May kakayahan si Leigh na wala ang iba.

Si Jeff.

Ang chikboy slash joker ng grupo. He is a doctor, OB-Gyne siya, sakanyang mga kamay nakasalalay ang kaligtasan ng babaeng manganganak. Mula sa mayaman at respetadong pamilya, bagamat bihira siyang makasama sa mga babae dahil mag isa lang siyang lalaki ay hindi niya pinapalagpas ang mga get together nilang magkakaibigan.

Si Lesley.

Isa siyang fashion designer, owner ng isang sikat na botique at parang chain na mabilis nadagdagan ng branch ang kanyang botique. Ang fashionista at head turner, pag naglakad ito ay walang lalaking hindi mapapalingon.

Si Shimizu.

Kapatid ni Arianne, siya ang shy type ng grupo, madalang makipag biruan, she is a journalist kung kaya naman ang character niya ay laging seryoso, editor-in-chief ng isang malaking newspaper company.

Si Arianne.

Ang creative at artistic sa grupo, she never ran out of ideas, lagi xang hindi nauubusan ng idea, the brainy one, hindi siya shy type na katulad ng ate Shimizu niya, isa nga pala siyang executive writer ng isang tv show ng malaking network.

At si Caddy.

Ang bubbly type, isa siyang music artist, bagamat sa mga bars lang siya tumutugtog, ay siya naman ang may ari ng bar na tinutugtugan niya, how she loves food and music, kaya nung magkapera ay nagtayo ng negosyo. At ang pangalan ng kanyang business? Ah wagi!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BakasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon