Mabilis ang naging paglakad ko paalis doon. At pilit inalis sa aking isipan ang mga nakita. Mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang aking plano na pagpunta sa silid ni ina. Maaaring may dahilan siya kung bakit marami itong ipinagbabawal tungkol sa akin. Pero ang aking kuryosidad ay nag-uumapaw sa ngayon na kahit pilit ko itong iwaglit sa aking isip ay mas nanaisin kong malaman agad ang kasagutan.
Tatlong katok ang aking ginawa bago tuluyang pumasok sa silid ni ina. Naabutan ko siyang may ginagawa sa kanyang lamesa. Sa may gilid ay tahimik naman na nakatayo ang kanyang mga personal na taga-silbi.
Nang makita niya akong pumasok ay agad niyang sinenyasan ang mga taga-silbi na lumabas upang maiwan kami. Yumuko pa ang mga ito bago tuluyang lumabas ng silid.
"Ano't naparirito ka?" mababalatay doon ang kawalan niya ng interes sa aking presensya.
"Ah... Ina, nais ko lang itanong ang tungkol sa kulay ng mga damit na aking isinusuot. Nabanggit kasi ni Adina na... hindi ako maaaring magsuot ng puting kulay na damit. Gusto ko lang po malaman ang dahilan..." I soflty said.
Hindi siya nag-angat ng tingin sa akin ngunit kita ko kung paano siya natigilan sa aking tanong.
"Iyan ba ang ipinunta mo rito?"
Dahan-dahan akong tumango.
"Nasabi ko na sa iyong taga-silbi ang dahilan. Ano pa ang ipinunta mo rito? Kung itatanong mo ang tungkol doon, ay gano'n lang din ang isasagot ko sa 'yo."
Walang emosyon niyang sabi at hindi nag-abalang tumingin sa akin.
"Ina, alam ko pong may iba pang dahilan. Ang mga sinabi mo kay Adina ay hindi sapat upang—"
"Kinukuwestyon mo ba ang reyna, Cresentia?"
Hindi ko natuloy ang aking sinasabi ng padarag niyang hampasin ang lamesa at matalim ang tingin na ibinibigay sa akin.
"Ina, hindi naman sa ganoon ngunit sa tingin ko ay may mas malalim pang dahilan kung bakit ayaw niyo akong pagsuotin ng puting kasuotan. Ang nais ko lang naman ay malaman ito at pagkatapos no'n ay hindi na ako magtatanong—"
"Enough!"
Napaatras ako sa matinding gulat. Nakurot ko ang sariling kamay sa takot. Dumagundong ang kanyang malakas na boses sa apat na sulok ng palasyo.
"Get out in my room, Cresentia."
Mariin siyang pumikit at napaupo muli sa kanyang silya habang hinihilot ang sintido nito. Bigla akong nakaramdam ng pag-aalala dahil madalas ko siyang makita na ginagawa iyon.
"A-Ayos lang ba kayo, Ina—"
"Lumabas ka na, Cresentia. I already answered the question that you're looking for and I will not repeat it."
Bigo akong lumabas ng kanyang silid at nasalubong ko pa si Prince Cordan na papasok din sa silid ni ina. Nagtagal ang tingin niya sa akin ngunit wala namang ibang sinabi at diretsong pumasok sa pinto.
Mabigat ang aking dibdib habang naglalakad sa may hardin ng aming palasyo. Ang makita ang galit na mukha ni ina ay totoong nakakatakot. Bihira ko lang naman siyang makitang magalit, dahil madalas ay wala itong ekspresyon.
Ang mukha ng aking ina ay matapang dahilan kung bakit iilan sa mga taong nakakakita sa kanya ay natatakot o 'di kaya'y nakakaramdam ng matinding pagkaintimida. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil kahit ako mismo na kanyang anak ay takot sa kanya.
Natigil ako sa paglalakad ng makarinig ng kalansing sa kung saan. Sinundan ko ang tunog na iyon hanggang sa dinala ako ng aking mga paa sa training ground. Dahil na rin sa nakasiwang ang pintuan kaya mabilis akong nakapasok at natagpuan ang mga prinsipe.
YOU ARE READING
Scarlet of Arrows (Book 1)
FantasyScarlet of Arrows Trilogy (Season 1) Originally Started: July 2014 Started: November 30, 2021 Status: on-going ✿✿✿✿✿✿ Ang buhay na mayroon si Cresentia ay hindi katulad ng mga batang prinsesa sa isang palasyo. Sa batang edad na labing-limang ta...