"Edi ikaw na ang long hair!"umirap pa sa akin si Anj dahil sa nakitang tsokolate sa table ko, pagpasok namin ng classroom.
Ngumingiti naman ako habang inilalagay iyon sa aking bag.
"May sweetness rin palang taglay si Nikolo," sabi ko sa aking isip.
It's been long months since he courted me and yes, we're now a couple. Pero hindi lahat nakakaalam. Yung mga pinagkakatiwalaan lang naming tao such as Anj, Jacob, Sean, Noryze, and most especially, Si yaya Biring.
Wala naman akong pakialam kahit malaman nang lahat ang tungkol sa amin, bukod sa masipag at maunawain ang boyfriend ko, e gwapo rin sya.
Napapangiti nalang ako sa aking mga sinasabi.
Masunurin naman ako kaya't maging sa parents namin ay hindi namin sinabi. Hindi kona mabilang kung ilang beses na kaming muntik mabuko dahil sa pagtatago ng relasyon namin.
"Hay buhay! Damang-dama ko nanaman ang sakit ng ngipin," si Anj habang nakaupo kami sa classroom.
"Wow sana all! Madami ka bang matatanggap ngayong Araw na 'to?" Tanong ko.
Valentine's Day ngayon kaya naman haluhalo sa aking mga mata ang iba't-ibang kulay ng damit na suot ng mga estudyante.
"Hindi ko sure pero pwede naman manghingi!"
"Sus hayaan mo't sasabihin ko kay Jacob na bilhan ka nung malaking chocolate nang hindi ka sakin magreklamo," humalakhak kami.
"Galit ako sakanya 'no! Hindi siya naka red shirt today,"
Humagikhik naman ako, "Para 'yon lang galit kana? Umpog kita dyan sa arm chair mo e."
Pagkatapos kong sabihin 'yon ay napatingin nalang din ako sa aking suot... "Black"... Means single...
Ewan koba sa school na 'to at bakit may ganitong kainartehan pa. Feel na feel tuloy ni Anj ang pulang damit na nangangahulugang 'In a Relationship'.
12pm na nang mapagdesisyunan naming mag lunch sa canteen. Habang naglalakad ay marami kaming nakikitang nanghaharana, nagbibigay ng mga flowers at chocolate, at mayroon rin kaming nakikitang mga naiyak. Nireject siguro.
Habang naghihintay ng pagkain ay nakikichismis muna kami ni Anj sa bawat table. At ang makapal kong kaibigan ay nanghingi nga ng chocolate. Napapasapo nalang ako sa aking noo, parang gusto ko syang itakwil.
"Hindi kopa nakikita pero may practice sila this afternoon, bakit ano bang suot niya?" Tanong nung isang babae sa kabilang table.
"He's wearing red! Hindi ko alam kung trip lang ba nya yon or for real talaga!" Kita kopa ang irap nung isang babae.
"Si Nikolo? Nakapula? He must be tripping lang," nagulat naman ako sa sinabi nung babaeng pula ang labi.
Bakit siya nagpula? Diba usapan namin hindi kami magsusuot ng ganon? Panira ng momentum.
"Alam mo kung ako boyfriend mo, bebreakan kita," si Anj at napairap nalang ako.
Kinahapunan ay dumiretso na kami sa court. Kahit kasi may program ay nag ttraining parin sila Nikolo. And as usual, andoon din si Jacob kaya naman attack agad si Anj.
Pagkaupo namin sa bleachers ay nagsidatingan na rin ang iba pang kababaihan upang manood. May mga banner pa nga ang iba.
"Kahit hindi ka makashoot, shoot na shoot ka parin sa heart ko, Nikolo!"
"I don't need chocolates anymore, cuz your smile is the sweetest, bebe Nik<33"
Imbes na magalit ay tawang-tawa pa ako sa mga nakasulat sa banner ng mga babaeng nandito.
YOU ARE READING
Buying Love (Tanaueño Series #1)
RomanceSimula pagkabata ay ang hangad lamang ni Lanie ay ang oras ng kanyang magulang. Ngunit sa sobrang pagtatrabaho ng mga ito ay ang tanging nag-aalaga nalang sakanya ay ang kanilang kasambahay. Namuhay si Lanie na hindi maluhong bata, ngunit dahil sa k...